TEN

90.2K 3K 1.4K
                                    

Napamura ako sa talsik ng mantika sa aking braso. I seethed as I watched the thick smoke rising up to the extractor hood. Hinintay kong kumalma ang ingay bago lumapit ulit upang baligtarin ang niluto. Kahit ilang araw ko na itong ginagawa ay hindi pa rin ako nasasanay.

It took so long for sleep to pull Maddox last night. Naaliw pa ito sa ibon. He even made me put the box beside him in the bed. I thought about Azriel's reaction at first.  Pero pwede ko rin namang hindi sabihin sa kanya kaya ginawa ko ang gusto ng bata para matulog na at inalis rin ang box nang nahimbing.

Natigil ako sa palakpakan ng mga pinto ng sasakyan sa labas.  I imagined Azriel climbing out smoothly from his car. Kumunot ang noo ko at nais sanang sumilip pero hindi ko maiwan ang niluluto. I also want to call Maddox for his father's  arrival.

At hindi lang isang sasakyan ang narinig ko. I confirmed an additional company upon hearing an unfamiliar voice jamming along with the pebble steps. 

Madali kong hinain ang almusal. I'm not usually the panicking type. I'm all calm and collected ngunit kung may ganitong tagpo ng mga bagong tao ay nagkakandabuhol ang loob ko. Opening doors for visitors, answering phone calls...I hate them. Whoever's with Azriel right now is forging my confidence and faith into shattered glasses.

Adding to the doodles in my system is the thought of going to the vet. The half part of me wants to go there without him. I hate that part of me. Hindi na tuloy ako mapakali. Naisipan ko pang itakas ang ibon para ako na lang ang pupunta.

" Tito Kit!" 

Binaon sa hukay ng masiglang sigaw ni Maddox ang balak ko kasabay ng mga yabag sa hagdan. Parang hindi natulog ng alas onse kagabi, a.

As the door opened came a chuckle that is not from Azriel. I accompanied the even baritone voice with a young man's image. Malalaman ko pa lang kung tugma ang itsura niya sa imahinasyon ko.

" Who's cooking? We have a maid?" 

My veins are squirming with sheer awkwardness. Ayaw ko talagang humarap ng ibang tao. Ngunit ang iisipin nila tungkol sa akin ang pumigil sa desisiyong iyon kaya pumihit ako.

Kakahinto pa lang ng lalake sa hamba karga si Maddox. His curiosity on me is quite palpable and I can definitely see a common gene he shares with Azriel.

"She's not a maid." 

The much deep and darker baritone came into view in the form of Azriel. Galing sa likod ay nilagpasan niya ang lalake at dumiretso sa ref pagkapasok sa kitchen.

Dinidikta ng kutob ko na magkamaganak sila. If Maddox had shouted Tito, then perhaps, this is Azriel's brother?

"Babae mo? Finally! After a hundred years of dry spell!"  Mapang-asar itong humalakhak.

Tumikhim si Azriel. Nasa island counter ako kaharap ang lalake sa hamba habang si Azriel ay nagsasalin ng tubig sa counter top katabi ng ref, nakatalikod sa amin. Natahimik kami kaya dinig na dinig ang pagsasalin niya ng tubig sa baso. There's just something about him that would make people shut up and pay close attention.

"Hindi rin."  He spoke softly against the glass before drinking. Kung wala lang ako sa gilid ay hindi ko siya maririnig.

"Oh!"  The man sounded a bit disappointed. Tinignan niya si Maddox at kinurot ang pisngi bago binaba. "Chicks mo, Maddox? Aba, nambababae ka na, ha..." 

"She's my sitter, tito. "

Umakyat si Maddox sa high chair at nilapit ang pagkain sa kanya. As he started to eat, 'di ko naman mabitawan ang kuryosidad sa lalake kaya umaligid pa sa kanya ang aking tingin. Isang beses siyang humakbang papasok. Slowly and with caution all the while looking like a kicked puppy as he peered at the brooding man.

OBSIDIAN ISSUE #1: PUSHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon