" Goodmorning Ma!" bati ko kay mama habang nag-hahanda sya ng almusal.
" Goodmorning din anak" saad nya. Jusko naaamoy ko nanaman ang masarap na sinangag nya! Sarap...
" Mama alam ko ng partner nitong sinangag mo? " tanong ko. Alam ko naman kasi na alam ni mama ang paborito kong almusal.
" Ano?" sagot nya.
" Hmmm Itlog na pula with Kamatis tama po ba?" saad ko.
" TAMA! Basta pag-kain alam na alam mo talaga " pang-aasar nito. Hay na ko si mama talaga. Kung di naman kasi sya masarap magluto di ako tataba ng ganto e!
Pagtapos ko kumain. Dumeretso na agad ako sa C.r para maligo.
" Grabe ang taba taba ko na pala. Pano pa kaya ako gaganda nito?" Tanong ko sa sarili ko habang naka-harap sa salamin.
Sa totoo lang minsan naiiyak na lang din ako dahil din sa pamimintas ng tao sakin. Alam ko naman na matapang talaga ako pero tao din naman ako noh! Nasasaktan din.
Paglabas ko sa C.r kinuha ko na agad ang mga gagamitin ko para sa school ang panty, bra, sando at kung ano ano pa. Ng masuot ko na ang mga ito isusunod ko na rin ang uniform ang palda. Bago kasi ako mag-palda mag memedyas na muna ako para di magusot ang palda ko. Hirap kaya mamalantsa!
Pero nung susuotin ko na ang Uniform ko...
" MAMAAAAAAAA!" malakas ba? Pano ba naman kasi di ko maisuot tong uniform ko. Last week kasya pa naman sya e.
" Bakit? kung makasigaw ka naman dinig hanggang kapitbahay!" sagot nito. kaht din naman kasi ako narindi sa boses ko.
" Hindi na kasi magkasya sakin tong blouse at palda ko" sagot ko naman. " Anu bayan. Nasa labahan pa kasi ang extrang uniform at palda mo. Mag bawas ka kasi sa pag-kain mo!" pang-aasar nanaman nya. Hays kung pwede lang umabsent ngayon e pero di pwede may Graded recitation kawi sa English.
" Mama naman nang-asar pa! Mag si si-bilyan na lang po ako. Sguro naman po pwede yun sa school " saad ko. Di ko talaga sure kung pwede pero ayoko lang naman kasing umabsent dahil lang sa mababaw na dahilan.
Nagpasya akong mag sibilyan muna ngayon. Medyo kinakabahan pero kaya ko to. Go Marga!
Pagdating ko sa school na sa akin nanaman ang mga mata ng mga estudyante dito. Bali sana kaya nila tinitignan e dahil napakaganda ko pero hindi dahil pangit at kakaiba ako.
" Marga! " tawag sakin ni patricia. Nga pala kaibigan ko sya dito sa Winslette Academy scholar lang ako dito at talaga namang mayayaman at magaganda ang mga nag-aaral dito. Mabait tong si Marga 1st yr college ng makilala ko sya. Sya lang kasi ang tumanggap sakin dito sa school sa kabila ng itsura ko.
" Kung makasigaw ka naman parang di tayo nag-kikita " saad ko.
" Wala lang na-miss lang kita" saad nya. Hay naku eto talaga babaeng to na-aaning nanaman. Namiss daw e nagkita lang kami kahapon.
" Hay nako bago kapa tuluyang ma-aning tarana't may klase pa tayo" pang-aaya ko.
Habang naglalakad nakatingin samin halos lahat ng taong madaanan namin.
" Baboy!"
" Panget!"
Yang ang mga pangungutsa na halos araw araw kong tinatamasa. Sa totoo lang nakakasawa na din e wala nabang iba? Diba pwedeng next time Sexy o kaya Maganda naman ang isigaw nila? kahit cute pwede na.
" Hoy kayo, Kung wala kayong magawang matino sa sarili wag kayong man-trip ng ibang tao!" sigaw ni Patricia. Sya kasi ang laging nag-tatanggol saken sa tuwing aasarin ako ng iba.
BINABASA MO ANG
The XL Beauty (short story)
Teen Fictionsobrang daming nag gagandahan at nag sesexyhang babae ngayon. sa katunayan nga sila ang gustuhin ng madaming kalalakihan. but not me. i really don't care about getting into a relationship until one day everything change. there was a guy that comes...