chapter 21:

179 4 0
                                    

Umaga.

Sabado nga pala ngayon kaya wala kaming pasok.  kapag sabado ko lang kasi na f-feel na teenager ako. nagkakaroon ako ng time para malibang naman ang sarili ko, nakakasawa din kasi kapag puro aral lang.

Nga pala nag-start na ang second semestral and malapit na din kami mag 3months ni ian bilang bf/gf. Tsaka pasado din lahat ng mga grades ko nung nakaraang sem. Pero di ko padin maalis sa isip ko yung mga sinabi ni ian kagabi. nababagabag ako at dahil sa sobrang pagiisip ko napanaginipan ko sya.......

" ian? ." sambit ko pero di nya ako pinapansinNasa park kami kung saan lagi ko syang nakikita nung nagpapapayat ako.  " ian! baby ano ba! bat di moko pinapansin.!?" pero sa halip na magsalita, niyakap nya lang ako nang pagkahigpit higpit. kaya naman napangiti ako.  " ian, ano bang problema?." mahinahon kong tanong. "kalimutan mo na ako marga, di ako ang desserving para sayo!."  di ko alam ang gagawin ko at kusa na lang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. nasasaktan ako. " ano bang sinasabi mo? nagbibiro ka lang diba!? diba!?."  napapasigaw na ko. at kasabay non ang malakas na pagbuhos ng ulan. Nararamdaman ko na ang lamig pero di ko iyon pinapansin.
" umuwi ka na, kalimutan mo na ko!."  hindi ko sya maintindihan. sobrang lakas na ng ulan at sobra na din ang pagiyak ko. " baby naman, wag mo gawin sakin to!." napatingin sya sakin. " baby? haha. tama nga sila napasakay kita. napaikot kita, wag kang assuming marga! hindi kita minahal at kahit kailan hindi kita mamahalin!."

PAAAAAK!!

hindi ko na kaya tumakbo na ko,at kusa akong dinala ng mga to sa harapan ng bahay namin. ang sakit sobrang sakit.

End.

Buti na lang at ginising ako ng malakas kong alarm clock. Ayoko na mapanaginipan ulit yun. Ayoko na mawala si ian sakin.  Ayoko. Kaya dali dali kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si ian.

[ baby? ] -ian.

[ goodmorning! hmm baby, pwede ba tayong lumabas ngayon? namimiss na kasi kita e. ] tutal sabado naman at wala naman kami masyadong assignments, siguro tama din na lumabas muna kami.

[ yeah sure! okay i'll there before lunch okay? get ready. ]

[ okay baby. i'll hang-up na ha, maliligo na din ako. bye iloveyou! iloveyou so much!]

[ wow. you're so sweet baby. iloveyou too! see you muah! ]

at binaba ko din yung phone. G, sana wag po mangyari yung napanaginipan ko ha? ayoko po mangyari yon. May tiwala po ako kay ian at malakas din po ang pananalig ko sa inyo. Masaya na po ako sa piling nya, sobrang saya po. Amen.

After 1 and a half hour natapos din ako. simple lang ang suot ko, denim shorts and plain  black v-neck then nag roshe ako na nike. komportable kasi ako kapag ganto ang mga suot ko. Unlike before ni hindi ko nga mukahang mag shorts dahil sa matataba at malalaking hita ko. pero i've change physically so kailangan ng sumunod sa fashion na trend ngayon.

Paglabas ko nagulat ako ng parehas kami ng outfit ni ian ngayon, As in pareho ang pinagkaiba lang namin ay naka 3/4 sya na shorts then white v-neck shirt pero yung shoes namin same na same. binili kasi namin ni ian to gamit ang mga ipon namin, sabi nya nga sya na daw ang gagastos pero tumanggi ako. ayun napapayag ko naman. malakas ako dun e. haha.

" wow. were the same. it means were meant to be together. "  ang aga aga pinakikilig ako.

" ikaw talaga ang aga aga pinakikilig mo ko." then he kiss my forehead.

The XL Beauty (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon