Chapter 6:

679 15 0
                                    


Isang linggo na ang nakakalipas ng malaman ko ng harap harapan ang tungkol kala Ian at Alex. Masakit oo pero makakalimutan ko din sya, at yan ang pinapangako ko sa sarili ko.

Napapansin ko din na medyo nababawasan na ang timbang ko. Talaga kasing pursigido akong magpapayat.

" Mama?"

" Oh bakit nak?"

" Hmmm nagpunta po ba si pat dito kanina?."

" Ay oo nak, pupunta muna sya sa bulacan mga isang buwan daw sya dun."

" Pero bakit di daw po nya sinabi sa akin?."

" Ayaw ka na daw nya kasi istorbohin sa tulog mo. Tsaka text text ka na lang daw nya. "

" Andaya talaga nun :3."

Jusko. Wala na akong makakasama mag papayat. Pero okay lang yan ako lang naman ang kaylangan magpapayat e HAHA.

Teka anong oras naba? Hmmm 6:00 palang pala. Makapag jogging nga muna.

" Ma, labas lang po ako ah."

Simula pag labas ko sa bahay nag jogging na ako agad. Syempre para mabilis magbawas. HAHAHAH XD

Papasok na sana ako sa park pero nakita ko si ..... Ian.

" Hi ." bati nya ng medyo nahihiya pa. wow ah? Close kami?

" Hello ."

" Hmm. pumapayat kana ah?."

" Thanks." at agad  na akong umalis. Mag mu-move on na nga ako diba? :3

" Tek-a Mar-ga." nauutal sya. Haaaays -____-

" Bakit?." derederetso na sabi ko. Tapang tapangan ako XD

" I just want to say s-sorry."

" Sorry? for what? ."

" I know you have feelings with me."

" Ah. yun ba? wala yun! sige pasok na ako ah? excuse me." hindi ko na medyo narinig ang mga susunod na sinabi ni Ian dahil agad na akong tumalikod at nag patuloy na sa paglalakad.

Ian POV.

Alam ko nasaktan kita Marga. Pero para sayo din itong ginagawa ko.

Habang nag babasketball diko maiwasang hindi tumingin kay Marga. Nakikita ko sa kanya na talagang pursigido syang magpapayat.

" Kriiiiiiiiiing."

" Hello?."  sagot ko.

" Hi baby! where are you? ." tama si Alex nga ang tumawag sa akin.

" Ay. Nag babasketball ako sa park. "

" You want me to go there?."

" Baka kasi di kita masyadong mapansin baby e, naglalaro kasi ako ."

" It's okay baby. Wait me there ah? ."

" Okay."

" Bye. I love you ."

" I love you too ."

Makalipas ang mga 20 mins. dumating na din si Alex.

" Hi baby! ." at agad nya akong hinalikan.

" hello ."

  

Pagtapos kong magpakita kay alex nagpaalam na muna ako na maglalaro na muna at agad naman syang pumayag.

Maraga's POV.

Nakita ko ang lahat, mula pagdating hanggang sa paghalik. Kunyari di ako nasasaktan pero deep inside Ansakit, Ansakit sakit :(

Pinagpatuloy ko pa rin ang pag ja-jogging. Sa sobrang kakaisip diko na napapansin ang dinadaanan ko.

" Ouch!." sigaw ni ... ALEX?

" Sorry."

" Only sorry?."

" Bakit ano bang gusto mong gawin ko? lumuhod pa sayo?."

" Exactly! nabangga mo kaya ako."

" Di ko yun sinasadya. Atsaka nag sorry na ako. Sapat na yun. Excuse me." at agad ako naglakad para magpatuloy sa pagtakbo pero pinigilan ako ni Alex.

" Di pa ako tapos."

" Ano pa bang kailangan mo?."

" Alam ko na kaya ka dito nag e-exercise e dahil nandito si Ian ang botfriend ko.!" sigaw nya.

" Alam ko. Wala naman akong pakialam kay Ian e. Sayong sayo sya! excuse me."

" Talaga lang ah? eto para sayo!" sabi naya at sabay Sinabunutan ako. Magpapatalo ba ako? Syempre hindi.

" Aray! walangya ka, di kita inaano!."

" Bitch! ..... Stupid!."

Pareho kaming lumalaban ni ALEXA hanggang sa dumating si Ian para awatin kami.

" Alexa ano bayan, tumigil nga kayo!." sigaw ni Ian habang inaawat si alex sa pagkakasabunot sakin .

" Pwede ba iuwi mo na yang girl friend mo! ."

" Sorry Marga."

Hindi ko na sila pinansin at umalis na ako habang inaanyos ang sarili ko. Bwiset talaga yang babaeng yan kala nya diko sya papatulan ah.

" Baboy!" sigaw ni Alexa.

Di ko nalang sya pinansin. Grabe daig nya pa yung nakatira sa squaters area.

Haays salamat nakarating na din ako sa bahay. Nakapag jogging naman ako kanina e kaya okay lang. Haaays nakakainit ng ulo.

The XL Beauty (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon