Pinarepair ni mama mga Uniform ko kaya naman thank's god magagamit ko pa din sila. Kala ko sibilyan na lang ako forever e.
" Ma anong almusal? " agad agad na tanong ko kay mama pagkatapos bumangon sa kama. " Nag sangag ako ng kanin at nagprito din ng hotdog." maya maya pa naman ang pasok ko e kaya chill muna. Oo nga pala malapit na ang bakasyon, Exciting!
Habang kumakain di ko namamalayan na naubos ko na pala yung hinanda nyang almusal " Grabe anak mag dahan dahan ka naman sa pagkain. Baka naman highblood-in ka nyan?" sermon sakin ni mama. Lakas ko naman kasi kumain e, may bago ba?
" Sorry mama sarap kasi e" sagot ko pero si mama epic face ang itsura.
Pagtapos ko kumain ayun naligo na at nagbihis narin for school. Absent pala si Pat ngayon susunduin kasi nila yung papa nya na uuwi galing canada. Walang Magtatanggol sakin sa school mamaya pero kaya ko to. Kaya ko naman ipagtanggol ang sarili ko sa mga yun noh!
Pagpasok ko sa school ayun pinagtitinginan at pinag-uusapan nanaman nila ako. Hays nakakasawa din! Hindi ko na lang sila pinapansin at dumerederetso na lang ako sa paglalakad. " Baboy!" pagharap ko boooogsh! Natamaan ako ng bola na dahilan ng pagkaupo ko sa sahig. " Aray! sumosobra na kayo ah. Inaano ko ba kayo ha!?" sigaw ko kahit medyo nahihilo na. " Bakit lalaban kana ba ha?" sabi ni jeff sabay tulak sakin kaya naman nagtawanan ang mga tao sa paligid ko. " HAHAHAHA! Baboy na nakaupo sa sahig." pang-aasar pa nila. Kaya naman pinilit kong tumayo kahit hirap na hirap na. " Hmmmp!" kahit nahihilo, tumakbo na lang ako papunta sa room. Pagdating ko sa room pinag-kukukutya nanaman nila ako. Siguro nga dapat na akong masanay atsaka tutal mag-babakasyon naman na e, Konting tiis na lang. Hanggang sa matapos ang 3rd subject namin di ko sila pinansin kahit konting konti na lang pwede na akong makapatay!
Nasa canteen ako ngayon at mag-isang kumakain. Kahit inaasar at pinagtitinginan nila ako wala akong pakialam basta sa harap ng pagkaing ito Masaya na ako! Habang kumakain nilapitan ako nila Alex, Rhea at Sharlene. Sikat sila dito sa school. Mean girls ang tawag sa kanila matataray kasi tong mga to.
" Taba!" paglapit nila yan agad ang tinawag nila sakin. " Bakit ano kailangan nyo?" sagot ko naman. Jusko kung maka-smile naman tong mga to kala mo close kami. Halatang Peke naman. " Gusto mo ba ng cassavacake?" cassava ghaaad paborito ko yun. Pero bakit naman nila ako bibigyan nun?
" Bakit anong meron?" at agad naman nilang nilapag ang cassava sa lamesa ko. " Sabi ko na e at wala kang tinatanggihan basta pagdating sa pagkain. Goodbye, enjoy your cake!" tatanungin ko sana kung para san tong cassave na ito pero bigla na lang silang umalis.
Mukha namang masarap tong C.cake na to. Wala namin kasi akong nakikitang mali ang ipinagtataka ko lang e bakit binigay to sakin ng mga mean girls na yun! Atsaka favorite ko talaga to e kaya kinagat ko na.
" Sar--- Ang anghaaaaang!" grabe cake ba to o Chillicake? grabe ang anghang grabe talagang mga babaeng to may araw din kayo saken. Agad naman akong tumayo para makakuha ng Tubig pero pagtayo ko... Booooogsh! " Ano ba di ka ba marunong magdahan dahan!?" Nabangga ko kasi si Ian Martinez e kahit galit ang gwapo nya pa rin. " Ah eh so-sorry. K-kuha lang ako naman ako ng tubig e " kahit na-uutal pinilit ko paring magsalita. Nakakahiya talaga :( " Sorry? pero pano tong uniform kong natapunan mo ng soda? malilinis ba to ng sorry mo!?" hala nagalit ata? anong gagawin ko pinagtitinginan kami na tao sa canteen. Nakakahiya sobra. " Sorry talaga. Kung gusto mo akin na yan uniform mo iuuwi ko para malabhan" jusko ano naman kaya ang isasagot nito. Di na ako nakainom ng tubig parang sasabog na talaga tong bibig ko sa sobrang anghang! " No. Di bale na baka kulamin mo pa ako! Tabi nga. " ako mang-kukulam? grabe sya ah. Ganyan na ba talaga kapag nakaka-angat? Nakakaugalian na nilang mang-insulto ng iba.
Pag-alis ni Ian tumakbo ako sa kuhaan ng tubig. Haays salamat naman makakainon na ko. May araw talaga yang mga babaeng mangkukulam na yan saken.
Nag-ring na ang bell It means mag-uumpisa na ang next subject ko.
Sa paglalakad nakasalubong ko ang mga mean girls na yun. Grabe nakakainit sila ng ulo ah!
" Balyena!" kana taba ngayon naman balyena? ano sunod Baka na? " Ano nanaman kailangan nyo ha!? " gaya nila nakipagtitigan din ako sa kanila. Letche muka silang palaka. Ang kakapal ng kolorete sa mukha. " Masarap ba yung Cassavacake? ikaw naman kasi e basta pagdating sa pagkain Go ka lang go. PG! tara na girls baka mahawaan pa tayo ng taba at kapangitan nyan. Osha Marga alis na kami ah? Goodbye " bobo pala to e, Kelan pa ba nakakahawa ang taba? Tanga. " Eto lang ang sasabihin ko sa inyo, dahil sa kasamaan nyo ngayon palang sinusunog na ang mga kaluluwa nyo sa Impyerno!" pero di nila ako pinakinggan. Tuloytuloy lang sila paglalakad. Hay naku mas sexy lang sila sakin noh pero mas maganda ako sa kanila.
Ng matapos ang klase ko today nagpasya na ako umuwi. Di na din ako sumakay ng jeep kasi alam ko naman na ang mang-yayari iinsultuhin at lalaitin nanaman ako ng mga pasahero kaya naman naglakad na lang ako.
5:00 ng hapon ng makalabas ako ng school medyo may kalayuan din kasi ang bahay namin pero okay na yun kesa makarinig nanaman ako ng di maganda mula sa iba.
Nung makalayo ako sa school medyo hinihingal na din ako. Nakakapagod kayang maglakad. Kaya naman ng makakita ako ng bench malapit sa park umupo muna ako dito para makapag-pahinga.
" Haaays nakakapagod din pala maglakad. " sabi ko sa sarili ko habang tumitingin sa mga naglalakad. Habang nakaupo nag fa-flashback sa isip ko yung mga panlalait, pang-iinsulto at pang-aasar nila sakin. Grabe ang tibay tibay ko. Bakit di ko magawang gantihan sila? di naman ako takot e pero bakit di ko kaya? dahil din siguro pinalaki ako ng mga magulang ko na may disiplina sa sarilgi atsaka ayoko ko din naman kasing makasakit ng damdamin ni iba.
Habang nag-iisip di ko namamalayan na may tumutulo na palang mga luha galing sa mata ko. Kailangan ko na kayang sumuko? nagsasawa na kasi akong laitin ng iba e. Bakit di na lang nila ako tanggapin na bilang ako yung Marga na mataba at pangit.
Nang makarating ako sa bahay dumeretso na agad ako sa kwarto ko para mag-pahinga.
" Oh anak bakit ngayon ka lang?" tanong sakin ni mama. " May pinuntahan lang po ma" sagot ko naman pero si mama nakatingin lang sakin. " Ah ganun ba. Oh halika kana dito at maghapunan kana. Masarap to oh nagluto ako ng adobo yung paborito mo? Tara na." pero wala akong gana kumain e. Bukas na lang siguro. " Busog pa po ako mama. Sige po tulog na po ako. " saad ko at dumeretso na sa kwarto ko. Alam ko na nagtataka na rin yun si mama sa pagtanggi ko kanina sa pagkain pero wala talaga akong gana ngayon e, Itutulog ko na lang to. Goodnight?
=
Don't forget to vote reader ah. And follow me on my twitter acc. @Jigiooooo. Thankyou.
BINABASA MO ANG
The XL Beauty (short story)
Teen Fictionsobrang daming nag gagandahan at nag sesexyhang babae ngayon. sa katunayan nga sila ang gustuhin ng madaming kalalakihan. but not me. i really don't care about getting into a relationship until one day everything change. there was a guy that comes...