MELODY III

967 24 10
                                    

"Wendy run away with me"

- Somewhere in Neverland (All Time Low)

~[x]~

[FRET]

Binayaran ko ang hotdog sandwich sa counter. "Thank you, sir. Come again," ngumiti siya sa akin at ibinigay ang resibo. "Sige, bukas. Oh kung gusto mo mamaya na eh?" biro ko sa kaniya at tumawa nang bahagya. Lumabas ako mula sa convenience store at naupo sa bench sa tapat nito. Malamig ang gabi at malakas ang hampas ng hangin na dumadampi sa balat ko. Naka hoodie na ako pero ramdam ko pa din ang lamig, gaya ng panlalamig niya. Joke, hehe.

"Kupal," wika niya sa akin habang naka-krus ag dalawang braso. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga, alam ko na kasunod nito.

"Sabi ko na nga ba nandito ka, eh.." panimula niya. Nilingon ko siya sa gilid at nagtama ang paningin namin.

"Aya.."

Agad naputol ng tawag sa cellphone niya ang usapan namin. Umalis na siya at iniwan ako sa labas. Tiningnan ko ang relo ko. "11:11, iniwan ako ng isang Anasthashia Ramirez," bulong ko sa sarili ko. Bahagya akong natawa sa sarili ko dahil lumabas lang naman ako kasi nagutom ako tapos may ganitong ganap? Humaygudnes. Joki lang hehe.

Binulsa ko ang dalawa kong kamay at isinoot ang hood tsaka naglakad habang nakatungo. 11:11 niya ako nilayasan, wow grabe naman. Di ko naman hiniling ito ah?

"What the f*ck! Tingnan mo naman yung dinadaanan mo," hindi ko na namalayan na may nabangga na pala ako. "Shit, sorry!" ngayon ko lang napansin na nagmamadali siya at parang may humahabol, wait. Nocturne?

Tumakbo siyang palayo nang mabilis. "Teka, Nocturne!" hinabol ko siya hanggang sa mapadpad na naman ako sa madilim na lugar. Alam ko dito siya pumunta, eh. Teka, bat ko nga pala ito hinabol? Siraulo yata ako. Nagulat ako nang may humila sa kamay ko pababa at dahil sa gulat ay napapikit ako at nakapagdasal ng di oras. "Jusko po, minumul--"

"Shh!" nang tingnan ko kung sino iyon, si Nocturne. "Bat ka ba tumatakbo?"

"Can you just shut up your mouth for a while?" sumilip ako mula sa kinalalagyan namin at nakita ang tatlong lalaki na parang may hinahanap. Tinakpan niya ang bibig ko pero sa di inaasahang pagkakataon, "Achooo!"

Ngumisi ang mga lalaki at lumapit sa kinaroroonan namin. Hindi na ako nagalinlangan pa, hinila ko si Nocturne at mabilis kaming tumakbo. "You just put me in danger, gosh!"

"Ako pa?"

"Yes, you and your stupid sneeze!"

"And how dare you to hold my hand?" reklamo niya. Nagkibit balikat na lang ako sa kaniya. Ayokong makipagusap sa mga babaeng may topak, joke.

"Hey, I'm talking to you!"

"Ano ba iyon?"

"Tsk!" Ikinrus niya ang kaniyang mga braso at inikot ang mata. Bahagya akong natawa sa inasal niya.

"Gabi na, halika hatid na kita. San ba sa inyo?" lumaki ang nga mata niya at nataranta.

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon