MELODY XI

619 20 0
                                    

"Cause I'm standing here alone, trying to make this life my own"

- Still Breathing (Mayday Parade)

~[x]~

[THIRD PERSON]

Nagtalukbong ng kumot si Nocturne habang umiiyak. Malaya na siyang umiyak hanggang sa gusto niya dahil ang mga kasama niya sa boarding house ay hindi na tumutuloy doon. Bukod sa mga katabing kwarto ay wala na siyang inaalala na makakarinig sa mga hikbi niya. Nang mga nakaraang araw ay pigil na pigil siyang magbitaw miski ng isang hikbi dahil sa mga kasama niya.

Kanina ay tumawag sa kaniya ang nanay niya, inakala niyang pauuwiin na siya nito. Pero hindi. Mas lalo nitong ipinagdiinan sa kaniya na hindi siya kawalan sa bahay at wag na siyang bumalik kahit kailan.

Maraming bagay ang bumabagabag sa isip niya pero wala siyang oras na isipin ito isa-isa. Basta ang alam niya, nasa pinakailalim siya ng dagat, hindi makahinga at mag-isa.

"When are they going to choose me?" wika niya sa utak niya. Ganito ang palaging sitwasyon. Para sa mga nakakakita sa kaniya ay isa siyang walang pusong nilalang na walang ginawa kundi magtaray. Hindi. May puso din siya, nasasaktan.

Naabala ang kaniyang pagmumuni muni nang may kumatok sa pintuan. Nang buksan niya ito ay may dalang isang tray si Aling Marsha. "Oh, hija. Mag-hapunan ka na."

Nakatingin lang sa kaniya ng diretso si Nocturne, walang ipinapakitang anumang emosyon.

Pero sa loob loob niya ay, "It is better to feel pain than not feeling anything at all."

Sa ngayon kasi ay hindi na siya nalulungkot. Kahit kirot ay wala na, anong nararamdaman niya? Wala. She's feeling empty.

"Napansin ko kasi na hindi ka bumaba para maghapunan o lumabas man lang para kumain," wika ng matanda habang nakangiti.

"T-thanks," na lamang ang nasambit niya at isinara na ang pinto.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay kumain na si Nocturne. Kahit anong sarap ng pagkain ay wala siyang malasahan. Parang kumakain ng walang pampalasa, kumain nang dumadaan lang sa kaniyang bibig sandali at diretso lunok.

Sa kabila ng nararamdamang ito ay may kakaiba, gusto niyang umalis sa lugar na iyon dahil hindi ito kasing kumportable sa sarili niyang kwarto sa bahay nila pero mas pinili niyang manatili. Bakit? Sensitibo ang mga tao dito sa nararamdaman ng iba. Si Aling Marsha na mayari nito ay parang pamilya ang turing sa mga nanunuluyan. Hindi kataka taka na maging ang mga kasama ni Nocturne sa kwarto ay nahirapang umalis dahil walang may gusto na lisanin ito.

Pagkatapos kumain ay iniligpit ni Nocturne sa isang gilid ang mga pinagkainan. Saglit siyang umupo sa gilid ng kama at di lumaon ay natulala na hanggang sa lumipas ang kalahating oras.

Kinalaunan ay napagdesisyunan niya na buksan ang journal kung saan nakatago ang lahat ng hinanakit pero kung tutuusin ay makikita mo ito bilang isang sining. Sining ng pinaghahalong mga emosyon at damdamin na naging mga lipon ng salita na isinulat sa masining na paraan.

"For stars have it's particular beauty. Us, humans, however is like that so. Yet, no one ever point us out," isang linya mula sa isinulat niya. Nilingon niya ang drawer sa gilid ng kama kung saan nakapatong ang mga blade. "You won't be alone again if you go with us," bulong sa kaniya ng kung ano. Wala sa sarili niyang kinuha ito na parang nasa ilalim ng utos ng kung sino.

"Ganto lang kasi iyan, Noc-noc. May mga araw na pakiramdam mo maayos ka, mayroon namang mga araw na gusto mo nang mawala. Sa tingin ko, parehas lang na okay yun, wala namang magic sa nararamdaman mo eh. Pikit ka lang tapos magtiwala ka na lilipas din yang mga alon tapos makakahinga ka na ulit."

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon