"I want you to know that I'd die for you"
- Last Time (Secondhand Serenade)
~[x]~
[FRET]
Pumasok ako sa loob ng klase at unang hinanap ng tingin si Nocturne. Tahimik lang siyang naglalaro at nakatingin ng diretso sa cellphone niya. Nang mapansin ako ay ibinaba niya ang cellphone, tinanggal ang earphones at ngumiti sa akin. Umupo ako sa tabi niya. Ilang araw kaming hindi nagkita dahil iba na ang schedule namin.
"Kumusta, Noc-noc?" tanong ko sa kaniya habang nakangiti. Nag sad face siya sa akin pero tumawa din naman. Ginulo ko ang buhok niya at tinawanan, "Geez," hinipan niya lang ang buhok na kumalat sa mukha niya at hindi naman inayos maigi. Same old Noc-noc. Kung ilalarawan mo siya ay una talagang papasok sa isip mo ang description na 'Magulo ang buhok'
"Is you getting good?" Tanong ko sa kaniya. Napangiwi siya. "Correction. Are you getting good?" Wika niya.
"Luh, isang words lang eh!"
"Word."
"Oo na, oo na!" Itinaas ko ang dalawa kong kamay na parang sinasabing suko na ako.
"Do you think I should go back to my parents?" tumingin ako sa kaniya at nagkibit balikat. "Di ko alam, ikaw lang naman makakasagot niya. Depende iyan sa nararamdaman mo. Ano ba feeling mo?"
Hindi siya sumagot. Natahimik lang siya sa ilang minuto at dumating na ang prof. Nang akmang tutungo na ako para matulog ay hinawakan ako ni Nocturne.
"Don't sleep," kumunot ang noo ko. "Inaantok ako."
"You changed me, then I'll change you."
"Ito yung pinaka ayaw kong change. Gusto ko matulog habang buhay." Inirapan niya ako "Then you'll die."
Nagising ako nang may kumalbit sa akin.
"Oh?"
"Tapos na klase," sagot ni Kats na may hawak na isang lata ng picnic. "Pahingi, gutom na ako." Inilahad niya sa akin ang picnic at kumuha ako ng isang dakot. "That costs seventy two pesos and twenty five cents."
Hindi ko na itinuloy ang pagkain at ibinalik ko itong lahat sa lata. "Kunat mo, Kats."
Naghiwalay kami ni Kats sa corridor dahil iba ang daan niya sa susunod na klase. Tiningnan ko ang relo ko at nakitang isang oras pa bago ang susunod kong klase kaya't nagtungo muna ako sa cafeteria.
"Ayun. Tapos.."
"Pepsi para panalo?" Natawa naman ako dahil nasanay siya na ito yung inoorder ko. Sa lagkakataong ito ay umiling ako. "Caramel frappe. Blueberry cheesecake," tumango lang siya at ibinigay ang order. Iniabot ko ang bayad at tahimik na kumain.
"Yezzer mga kaibigan!" agad akong napahilamos sa mukha ko nang maring ang boses na iyon.
"Wala bang pa-libre dyan, boss?" tanong niya. Binatukan ko siya, "Hindi ka ba binibigyan ng allowance ng nanay mo?"
"Binibigyan! Lagi niya akong pinapayagan eh!"
"Ano?"
"Diba pag allowance ibig sabihin pinapayagan ka? Allow nga diba?" Napahagalpak ako ng tawa habang hinahampas hampas pa ang lamesa.
"Taena! Haha! Ang bobo mo pre!" Hinawakan ko ang tiyan ko na sumasakit na. "Oh ayan, kainin mo na at nawalan na ako ng gana," sabay lapit sa kaniya nung platitong may tinapay na wala pang bawas.
BINABASA MO ANG
Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)
HumorWill the music be enough to bind two opposite people together and make their own melody of love?