MELODY XXV

606 11 0
                                    

"I'm not the only one for you but you're the only one for me"

- Stay Close, Don't Go (Secondhand Serenade)

~[x]~

[FRET]

"Sana naman ma-orient yung pimples sa family planning," reklamo ni Seth habang tinitiris yung mga tigyawat niya sa harapan ng salamin. "Agh, ang pangit ko ngayon. Paano na lang ang mga girls na naghahab--"

"Anong girls? Mga bakla naghahabol sayo. Ugok ka, assumer," binatukan ko siya, dahilan para mahulog sa upuan.

"Magkapatid nga kayo ni Clef!" kinamot niya ang ulo niya at saka itinaas ang middle finger.

Dumating si Magui at si Nocturne habang dala dala ang mga patatas. Sabay kaming lumapit ng aso ko, ay ni Seth pala para tulungan silang magbuhat. "Wooh yes! Potatoes gonna potate!"

"Anong gagawin dito?" 

"Baka panglilinis ng banyo?" sabat muli ni Seth. "Ang ingay ingay mo naman, bakit ka ba kasi nandito?!"

"Syempre kung saan may pagkain, doon ako! Diba mommy?" bati niya kay Mama na kagagaling lang sa kusina habang pawis na pawis.

Napangiwi ako. "Kadiri, wala namang anak si Mama na mukhang aso ah?" pangaasar ko.

"Oh? Eh di ampon ka, ganern?"

Sumenyas sa akin si Nocturne na pupunta muna siya sa kusina para tulungan si Mama. "Tulungan ba kita?" umiling lang siya.

Iniayos ko ang PS4 at ipinasok ang disc ng NBA 2K17. Habang naghihintay ay muling inabot ni Seth ang salamin at pinagmasdan ang mukha niya. "Kahit anong tingin mo d'yan, pangit ka pa rin. Sige ka, pag tinitigan mo yan, mamaya mas pangit ka na." agad niyang ibinalik ang salamin. Hindi ko alam kung uto-uto siya o ano.

"Uy Seth, si Nina oh?" Naging aligaga si Seth at agad na humarap sa salamin at pulang pula ang mukha. "Asan? Asan?"

Humalakhak ako, "Para kang tanga, di ka naman gusto nun. Diba sila na ni Draco?"

"NANINIWALA AKO SA KASABIHAN NA KUNG HINDI AKO ANG MAKAKATULUYAN NI NINA.. KAWAWA NAMAN SIYA!"

Binatukan ko siya sabay abot ng controller. "Pustahan tayo, ah? Singkwenta per quarter!"

"Luge!" angal niya. "Eh di wag."

Nang unang quarter pa lang ay natambakan na siya ng 20, nagpasya akong itigil na ang kagaguhang ito.

"Food is re--"

Tumakbo ako papunta kay Nocturne at hinila siya.

"Hungry?"

"Bakit, bibigyan mo ako ng snickers?"

"Hmm. How about some kisses?"

"Kiss mo nga ako?" Mahina niya akong sinampal at tumawa.

Tahimik kaming kumaing lahat. Isama mo pa yung malimit na pagtingin tingin ni Nocturne sa akin at kapag nahuli ko ang titig niya at tatawanan niya ako. Mukhang baliw noh? Pero kung tunay nga, handa ko siyang samahan kahit hanggang asylum.

Minsan nga habang nasa mall, marami ka talagang maiisip sa kaniya. Bigla bigla niyang hahawakan yung kamay ko sabay tatakbo, abnormal diba? Pero, mahal ko 'yan. Ew, corny ko, tsong!

"May practice mamaya ah, wag niyo kalimutan," paalala ni Seth habang tumatalsik pa ang mga pagkain mula sa bibi dahil namumuhalang.

"Don't talk when your mouth is full," paalala sa kaniya ni Magui habang parang nadidiring nakatingin sa kaniya.

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon