"But if we loved again I swear I'd love you right"
- Back to December (Taylor Swift)
~[x]~
[FRET]
Pinulot ko ang huling kalat na nakita ko sa field tsaka nagpagpag ng kamay. Hindi kayo nagkakamali, detention ito. Sila kumakain na ng tanghalian, at ito ako. Nagpupulot ng mga basura.
"Hi Fret," tumingin ako sa kaniya. "Uy, hello," ngumiti ako kahit hindi ko siya kilala. Iniabot niya sa akin ang isang paper bag, "May nagpapabigay," tatanungin ko pa lang kung kanino galing ay tumakbo na siya palayo. Bumungad sa akin ang isang Frappe na katulad nung ininom namin ni Nocturne kagabi at isang box ng munchkins. Sa labas ng box ay may nakasulat na
"Knock knock, tunapie : Tunapie, tunalimit, tunawall. For a chance to be with you, I'd rather risk it all" -Nocnoc
Napangiti ako at napaliling na lang, isipin mo yun? May ganitong side ang babaeng pusong bato? Haha, de biro lang.
Hindi na ako dumiretso ng cafeteria para kumain, doon nako sa tambayan ko at nagsimula nang kumain. Medyo tunaw na yung whipped cream nung frappe pero ang sarap pa din. Bigla naman akong nahiya, si Nocturne pa ang bumili nito.
Matapos kong kumain ay agad ko siyang hinanap. Nang kahit wala ni anino niya ang nakita ko ay nagpahinga na ako, makikita ko rin naman siya mamaya sa susunod na klase. Paupo pa lang ako ng bench ay nakita ko ang isang babae na naglalakad papunta sa akin. Isang hakbang palayo ang ginawa ko pero ano ang nangyari? Bumalik yung paa ko paharap sa kaniya at unti-unti siyang sinalubong.
"Hi, Fret!" masigla niyang bati sa akin. "Hello," ngumiti ako. "May oras ka ba?" tanong niya. Tiningnan ko ang relo ko at ilang minuto na lang ay magsisimula na ang klase ko. "Oo naman, ikaw pa."
Naglakad kami sa walang patutunguhan, ang masigla at madaldal na Aya ay hindi ko makita, hindi siya nagsasalita kaya nakasunod lang ako sa kaniya. Ikinabigla ko nang tumigil siya sa paglalakad, bumuntong hininga, at saka humarap sa akin. "Fret, matagal ko itong pinagisipan."
Kumunot ang noo ko at hinintay siyang magsalita. "Maayos na naman tayo diba, Fret?"
"Oo naman, hindi dahil sa naputol na relasyon, dapat putulin din yung pagkakaibigan. Bakit mo naman naitanong?" Umupo kami sa damuhan. "Alam mo, kanina may nabasa ako. Ang mag-ex daw ay hindi na pwedeng maging mag kaibigan. Dalawa lang daw kasi ang ibig sabihin nun. Una, mahal niyo pa ang isa't isa. Pangalawa, hindi niyo talaga minahal ang isa't isa."
Nilingon ko siya at hindi ko pa rin maintinidhan ang mga lumalabas sa bibig niya. "Fret, saan ba tayo dun?"
"Hehe, Aya.. A-ano ba ang gusto mong palabasin?"
"Ngayon ba, kahit kaunti.. Mahal mo pa ba ako, Fret?" halos masamid ako sa sinabi niya. Walang preno, walang pasabi. Diretso, walang liko. Nakatingin lang siya sa akin nang diretso.
Natagpuan ko na lang ang sarili ko na unti-unting tumango. Kinagat ko ang labi ko at tumingin sa kaniya. "Ako din, Fret." Sa mga salitang iyon ay tumigil ang mundo ko, nagslow mo ang paligid. "We should work this out. Isang chance pa," at isang tulo ng luha ang tumulo galing sa mga mata niya.
Gusto kong pumayag, gusto ko na yakapin siya at sabihin na 'Wag kang umiyak, oo sige tayo na lang ulit' Kung nung mga nakaraang araw niya ito sinabi, tatango agad ako at sasabihin iyon pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit may bahid ng pagaalinlangan ang sarili ko.

BINABASA MO ANG
Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)
HumorWill the music be enough to bind two opposite people together and make their own melody of love?