The entire church is currently covered in tears. Masyadong maraming tao. Sa unahan ay ang labi ni Fret na nakatakdang ilibing ngayon.
Hawak ni Nocturne, ng pamilya at ibang pamilya ni Fret ang tig-isang branch ng puting rosas. Nakapila sila para lagyan ang ibabaw ng kabaong at basbasan ng holy water si Fret.
Tulala lang si Nocturne. Ni ayaw nga na hawakan kanina ang rose, pakiramdam niya kasi, kapag ginawa niya 'yon ay buong puso niya nang pinapalaya si Fret. Eh, ayaw niya nga na lumayo sa kaniya. Kung pwede lang na isaksak niya 'yong katawan niya do'n para magkasama na sila.
Pagkatapos no'n, isa-isang nag bigay ng eulogy ang mga mahal sa buhay ni Fret.
"Hello Fret, I am one of your fan na umaasang makasama ka kahit ilang minuto lang. Thank you for your good songs that will always be remembered by us, your fans. Alam namin na hindi mo kami kilala but you make us feel that we are loved kahit sa mga interviews wherein you told us your appreciation and love," she paused when sobs followed. "Nakakainis, I wanted to be with you but not this way. Not this way na hindi mo na kami nakikita, you cannot laugh with us or even smile and talk. Ang hirap kasi, we don't even have a chance to be with the rest of your life but we know and even YOU know how deeply we fell in love with your voice. We love you Fret. May good melodies follow you in heaven," she left. Pumiyok na kasi, humikbi pa. Pagbaba pa lang kasi sinalubong na ng mga co-fan at napahagulgol na. Sino ba kasing hindi?
Bukod do'n wala nang gustong sumunod, ayaw kasing sa simbahan pa daw magkalat. Kaya ayon, diniretso na sa himlayan.
Sa pag-ayos pa lang muli ng tela sa ibabaw, muli na ulit nagsimula. Unang tumungtong si Seth na naatasan sa grupo nilang magsimula. Siya lang naman daw kasi ang makapal mukha. Pwede naman daw kasing kausapin ng mga ungas si Fret kahit hindi dito, kaya ayon. Naloko na.
"Ayon nga mga kaibigan, ayaw naming sa simbahan magkalat kanina kaya ito na.." Hala, bumigay na din ang gago. Umiyak na, wala pa nga, eh. Pero sino nga tayo para mahusgahan di ba? Mahal kaya niyan si Fret.
"Pers op ol, t*ngina mo Fret, gago ka," napailing na lang siya habang umiiyak. "Gago nangiwan ka agad, kala namin si Lester lang iiwan kami hala tapos gago, kakatapos lang ng party hinayupak ka," ayun. Iniwan na yung mic, di na tinuloy. Di na nga kaya.
Sumunod yung isang lalaki. Hindi siya pamilyar sa karamihan pero hindi naman siya pupunta dito kung di niya kilala si Fret di ba?
"When I was in grade school, lagi akong nabu-bully. Fortunately, Fret is one of the kind students. Kung babae ako, love story na di ba? Pero hindi. Kala ko nga no'n magiging close na kami pero hindi. Lagi kasi siyang tulog. Pinaliwanag niya pa sa 'kin na kaya niya ako pinagtanggol kasi ayaw niyang nasisira yung tulog niya.." Medyo natawa ang iba sa huling sentence.
"Hindi niya ako nakikilala na ako yung pinagtatanggol niya pero lagi niyang ginagawa dahil nga dun sa motto niya. Alam kong hindi yun tunay, mabait lang talaga siya. Pre, maraming salamat. Thank you. Hope you'll find peace beside God."
Marami pang kwentong ganon, hanggang sa si Nocturne na ang dapat magsalita.
"H-hi," panimula niya. Nakita niyang nag-thumbs up sina Seth. "Go lang," he mouthed.
"I've never been full for my entire life. I was broken, nothing ever felt so right. Suicide attempts, pagre-rebelde. Name all the bad things, I've done it before."
She paused. Tahimik lang na nakikinig yung mga tao sa kaniya.
"Until he came around. He made me see myself on other's poing of view which is through his beautiful eyes. Indeed, God gave me him.."
"Fret was able to see the potential in me that neither I nor others wasn't. Then, after a very short time, he went away."
"Akala ko kasi, we will last for a very long time. That we are able to sing for each other or play a song randomly."
She sobs again. For the nth time, she's breaking down. However, perhaps, she does not feel weak today.
"How can I do it now when the man inside my plans cannot be with me anymore? How can I sing him lullabies now if he has already fall asleep and he will never wake up?"
Kailangang magpunta nung grupo dun sa may likod para umalalay. Parang isang tulak mo na lang kasi babagsak na siya. Fragile. So fragile for now.
"The problem is: some people come to your life and you know that you can never replace them when they left."
"I will never replace you, my love. I love you. I always have and I always will. Goodbye, Fret. Till we meet again. I hope that time, we can be forever together, no more pains, just love. I dont need much, I just need you."
At tuluyan na ngang bumigay. Hinahapo yung hininga, wala eh.
Sunod sunod na. Humuli sina Magui at ang nanay ni Fret. Nagpasalamat lang sa mga nakiramay. Basta ang naintindihan lang ng mga tao na huling sinabi nung nanay.
"Janelle and Dylan. Hindi ko na yata kaya na dalawa na kayo d'yan."
~[end ii]~
![](https://img.wattpad.com/cover/120165327-288-k833253.jpg)
BINABASA MO ANG
Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)
HumorWill the music be enough to bind two opposite people together and make their own melody of love?