MELODY XXVIII

526 16 2
                                    

"When I hear my favorite song, I know that we belong.
Oh, you are the music in me"

- You are the Music in Me (Highschool Musical)

~[x]~

[FRET]

"Wag mo na lang pansinin," sagot ko sa kaniya habang paulit ulit niyang binabasa yung text message na death threat kuno.

'You'll die 2night say gudbye to ur love ones'

"Don't ask me to chill, okay? This is serious!"

"Ikaw talaga, birthday mo ngayon. Wag mo naman masyadong ini-stress yung sarili mo," tugon ko sa kaniya at hinimas ang likod niya. "Halika na, kakain tayo 'di ba?"

Inalalayan ko siya sa pagbaba. "Where are they?" Tukoy niya kay na Mama.

"Susunod sila, may pinabibili kasi si Magui sa mall, alam mo naman iyon 'di ba?"

Lord, magsisinungaling ako, sorry na.

"San mo gustong kumain?"

"KFC."

"Ha?!" halos nagulat din siya sa naging reaksyon ko. Bigla ko din kasing naipreno nang di oras ang sasakyan.

"What?" nagtataka niyang tanong.

"A-ah hehe," kinamot ko ang batok ko. "A-ang ibig ko kasing sabihin, birthday mo, dapat dun sa ano. Alam mo na.."

"Then, why do you bother asking me?" umikot na naman ang nga eyeballs niya. "Sagot na lang kita," kumindat ako sa kaniya.

Halos kulay putik na yung dinadaanan namin dahil sa ulan kanina. Malakas lang talaga ako kay Lord kaya tumila.

"I have definitely no idea where you're going, mister.." wika niya habang tinuturo ako ng kutsara (na may peanut butter dahil kumakain siya)

"Chill ka lang, saan naman kita dadalhin?" nangaasar na tono ko. Nakita ko siyang napalunok at biglang natahimik. "Unless, gusto mo sa.."

"Shut up!" at biglang lumipad ang kutsara niya.

Palihim kong sinilip ang oras. Alas-otso ng gabi. Marami na rin ang mga batang naglalaro na ng mga paputok. Apat na oras bago matapos ang taon na ito.

Para hindi daw siya magulat, naglagay ng earphones tapos wala pang ilang minuto, tulog na. 

"Reyna ko.." mahina ko siyang tinapik. Maayos kong ipinark ang sasakyan bago sya inalalayan sa pagbaba. "Wow, parang nasa courtship stage pa din, ah?" natatawa niyang sambit at tatawa-tawa. "Oh mas extra sweet dahil birthday ko lang?"

"Alam mo, hindi ka pa ba nasanay? Noon pa man, pinangako ko sa'yo na araw-araw pa rin kitang liligawan di 'ba?"

Umakbay ako sa kaniya hanggang sa dumating kami sa may pinto. Pagdating doon ay tinanggal ko ang kamay ko mula sa balikat niya at hinawakan ang kamay niya nang mahigpit saka hinalikan. "Happy birthday, mi amor." 

"Thank you," ngumiti siya sa akin. 

Planado ang lahat. Sa kung paano hindi siya agad makahalata. Usually, bukas yung mga pinto ng restaurants. Sa ngayon, nakasarado ito pero hindi halata dahil may isang malaking picture ng kunwaring nangyayari sa loob. Sa unang tingin, aakalain mo lang na transparent ang mga salamin at kita ang loob ng mga taong kumakain at nagkakasiyahan. Taliwas nang buksan ko ang pinto na sobrang dilim.

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon