MELODY XIX

595 20 4
                                    

"I'll admit I was wrong about everything cause I'm high and I don't wanna come down"

- Stay (Mayday Parade)

~[x]~

[FRET]

Umigting ang mga panga ko sa sinabi ni Aya. Pumikit ako ng ilang segundo para maibsan lang saglit ang inis sa ulo ko.

"Aya, naririnig mo ba yung sinasabi mo?"

Ilang araw na kaming magkasama. Wala na nga din akong balita kay Nocturne pero nang mabuksan ang topic dun, nagsimula na siyang maging ganito.

Tumingin siya sa akin habang naluluha pa rin. Madami siyang salita dati na hindi mo magugustuhan pero naiintindihan ko yon, pero ngayon, parang nagpantig yung tainga ko sa sinabi niya.

"I'll repeat. I am giving you two choices, Fret. Nocturne, or me," matigas niyang sambit.

Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko at nagpigil ng gustong sabihin. "Pinagdududahan mo ba yung pagmamahal ko sayo?"

"Hindi naman sa nanunumbat pero iniwan mo ako dati, tinanggap kita ulit. Hindi pa ba iyon sapat?" Huminga ako ng malalim.

Lumapit ako sa kaniya, kahit galit ako ay gusto ko siyang yakapin ng mahigpit, mag-sorry sa mga sinabi ko pero hindi ko ginawa. Hindi ko alam kung bakit nagiging ganito siya. Okay lang sa akin kung nagseselos siya o humiling siya ng kaunting pagdistansiya ko sa ibang babae pero hindi ganun. Pinapipili niya ako, bagay na di naman talaga dapat na tanungin.

"Dati, aminado ako na nagselos ako, nainis ako. Pero ni minsan hindi kita pinagisipan ng ganoon, Aya. Kahit si Lester yung lagi mong pakilala na boyfriend mo, kahit ni isa sa mga bilin ko wala kang sinunod, kahit na mas malapit ka pa sa iba kaysa sa akin, may narinig ka ba sa akin, Aya?"

"So ganon? Binabalik mo na naman yung nakaraan? Kahit ngayon, Fret na na sayo lang yung paningin ko?"

Tumahimik ako. Gusto kong pabulaanan ang sinabi niya pero mas lalo lang lalaki ang gulo. Lumapit ako ng hakbang at sinbukan siyang yakapin pero itinulak niya ako palayo.

"Wag mo akong hawakan." Naglakad siya palayo sa akin.

Hindi ko na siya sinubukan pang habulin. Saglit akong umupo at naramdaman na may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko at nakita si Nocturne.

"K-kanina ka pa dyan?" Tumango siya. Ilang mura ang inabot ko para sa sarili ko. Lumapit ako sa kaniya.

"S-sorry."

"Are you okay?" ngumiti siya at iniwasan ang sinabi ko. Tumango ako sa kaniya. "Liar." tinanggal niya ang mga ngiti niya sa akin at iniabot ang isang kulay itim na panyo na gaya ng binigay ko sa kaniya dati.

"Bye," wika niya at hindi na lumingon sa akin. Pinagmasdan ko ang likod niya habang naglalakad palayo sa akin.

Ang bigat sa pakiramdam. Alam kong typical lang siyang naglakad palayo sa akin pero pakiramdam ko kasabay na iyon ng tuluyang paglayo. Feeling ko kasi may ibig sabihin din ang pagbabalik niya ng panyo sa akin. Ganito pala yung pakiramdad kapag alam mong lumayo siya dahil sayo, lumayo siya kasi para sa kaniya siya yung nakakaperwisyo sa 'yo.

"Yo." wika ni Seth at inayos ang keyboard. "Wag ngayon, Seth."

"Ay, beastmode si Papi. Waeyo?" Tinginan ko siya ng masama. "Joki lang, fafa. Kaw namern."

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon