MELODY XVI

578 20 0
                                    

"I'll bet she's beautiful, the girl he talks about and she's got everything that I have to live without"

-Teardrops on my Guitar (Taylor Swift)

~[x]~

[FRET]

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Una kong itinipa ang number niya habang nakangiti.

"Hi, loves," pambungad ko.

"Yes, why?"

"I love you," wika ko.

"Babe, wag muna ngayon ah? Nagrereview kas--"

"Aya!" narinig ko sa kabilang linya si Lester.

"T-teka. Si Lester ba--"

"Ugh! Mamaya na Fret, wait lang. Ako na lang tatawag, bye." at pinatay niya ang tawag. Pansamantalang lumabas ang kung anu-anong mga ideya sa utak ko pero agad ko itong binubura.

Sa kabila noon, nakakaramdam ako ng takot. Isinugal ko ang mga natitira kong tiwala sa kaniya, natatakot ako na baka isang araw.. Aish, hindi niya na iyon magagawa.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naabutan ko si Clef at Magui na kumakain habang nagbabangayan sa harap ng mesa.

"Hoy, ang aga niyo ah? Pag-untugin ko kayo," pagbabanta ko.

"Kuya, si Magui may boyfriend na."

"Duh! As if you care. You gigil me na naman ah," at pinaikot ang mata.

"Si Mama, asan?"

"Lost  and found ba kami?" Pamimilosopo ni Clef kaya binatukan ko siya.

Iniayos ko ang sarili ko habang nakaharap sa salamin. Pataas, pababa tapos ginulo. Paulit ulit lang hanggang sa nagsawa ako at hinayaan na lang kung ano ang huling itsura.

Pagbaba ko ay nasa sala na sila at nakaupo. "Ikaw daw maghahatid sabi ni Mama," inihagis niya sa akin ang susi ng kotse. Napahilamos ako sa mukha.

Si Fret at Magui ay kasalukuyang magkasama sa iisang school. Grade 9 si Magui habang Grade 12 na yung isang kupal.

Buti di ako inabot no? Takot lang sa akin ng K12. Saglit akong napahagikgik sa naisip ko at nalimutang may kasama nga pala ako.

"Hala, muntanga eh."

Si Magui naman ay nakangiwi sa akin na parang diring diri. Ibinaba ko sila sa tapat ng school.

"Hoy, Clef. Bantayan mo yang kapatid mo!"

Itinaas niya sa akin ang middle finger niya.

"Siya kaya yung need na bantayan because he's an ugly womanizer kaya, di naman good looking. Eww."

Tumuloy ako sa campus namin at naghanap ng space para sa parking. Lumabas ako ng kotse at hinanap ang una kong klase. Masyado pa akong maaga pero okay lang. Sipag ko hehe.

Pagpasok ko ay marami nang tao.

"Ang aga mo pa para sa next subject pre. 5 minutes na lang dismissal na," kusang umikot ang mata ko nang makita na naman ang pagmumukha nito.

"Kala ko maaga pa ako," napakamot ako sa ulo.

Nagulat ako nang bintukan niya ako, "Bingi ka ba? Yun nga sabi ko!"

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon