MELODY XXIII

560 17 4
                                    

"I promise you I will bring you home, I will bring you home"

- Why (Secondhand Serenade)

~[x]~

[FRET]

"Malapit na ba tayo?" sigaw ni Seth na nakaupo sa shotgun seat. Humiram kami ng isang kotse mula sa pinsan daw ni Mama na nakatira sa New York.

"Pangilang tanong mo na ba yan?!" bulyaw ko sa kaniya.

Hindi naging madali yung mga araw na naghahanap ako. Bukod sa pasikot sikot yung mga daan, may kasama akong isang asungot na nagprisintang sumama. Gusto niya daw makarating ng America, sabagay ayos lang dahil libre ang pamasahe ko. Kung hindi niyo naitatanong (talaga namang hindi) ay isa sa mga kilala ang pamilya ni Seth.

"Kailan ang next stop?"

"Bakit ba?"

"Naiihi na ako!"

"Fuck! Mamaya na, pigilin mo muna!"

"Iihi ako di--"

Ipinreno ko ang sasakyan sa tabi ng daan. "Five seconds!" sigaw ko sa kaniya at nagmamadali siyang lumabas. Bumalik siya sa loob at inilapit sa akin ang kamay niya habang nakangiti nang nakakaloko. "Pakyu!"

Nakailang palitan na kami ni Seth kung sino ang magda-drive, rotation kumbaga. Ilang oras na kaming nasa gitna ng daan.

Sa sumunod na stop ay bumaba kami sa isang convenience store at kinuha ang lahat ng kailangan, mga pagkain, inumin at kung anu-ano pa sa loob lang ng isang minuto.

Hawak hawak ko ang isang pack ng potato chips habang si Seth naman ay nakatitig lang dito. "Fret, di ba mahal mo ako?"

"Ulul ka ba?"

Umiling iling siya habang natatawa. "Alam mo ba na ang tunay na ibig sabihin ng ULUL ay 'Uy Love U Lots'?" 

Napangiwi ako at inilapit na lang sa kaniya ang kinakain ko para manahimik na lang siya. 

'Turn left' sabi nung cellphone ni Seth. "Kanan daw!"

"Bobo, kaliwa yung left!" saglit pa siyang nag-type sa cellphone niya. "Oo nga no?" at pinakita sa akin ang sinearch niya sa English-Tagalog dictionary.

Welcome to Roscoe

Nakasulat sa arc na dinaanan namin. "Malapit na ba?"

"I-stapler ko bibig mo, isang tanong mo pa!"

Sa gitna ng biyahe ay nakakita kami ng isang coffee shop. Nagkatinginan kami ni Seth at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagpa-park sa gilid nito. Nagbabaka sakali ako na gaya ng dati ay mahilig si Nocturne sa mga kape. Sa mga libro. Dating typical na Nocturne Madrigal.

Agad na nilibot ng paningin ko ang buong cafe. "May I take your order, sir?"

Siniko ako ni Seth, "Ano daw sabi?" binatukan ko siya.

"Is there a caramel frappe?" natawa ito. "I'm afraid that we don't have that, sir."

"Ay. Why?" tipid kong sagot dahil nanginginig ang tuhod ko dahil hindi ko na alam ang isasagot ko na english pa. "J-just your b-best seller."

Ipinatong ko ang coat na suot ko sa sandalan ng upuan. Malamig na rito lalo na at malapit na ang pasko. Speaking of Pasko, ayaw kong mag-celebrate nito nang wala sa tabi ko si Nocturne. Bago sana matapos ang taon, matapos na din itong lahat.

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon