MELODY VII

666 21 0
                                    

"Don't let it throw you off too far cause I'll be running right behind you"

- So Contagious (Acceptance)

~[x]~

[FRET]

Halos matumba ako, buti na lang at  naitukod ko ang kanang paa ko. "Anak ng! Amasona ka ba?! Puncher? Shit ang sakit," daing ko.

Nang makarating kami sa isang boarding house ay maingay sa loob. "D'yan ka lang."

Lumapit ako sa isang babaeng nasa harapan ng pinto at hinihimas-himas ang isang pusa. "Nandiyan ho ba si Aling Marsha?" nag-angat ito ng tingin sa akin. "Ewan ko, mukha ba akong lost and found," napangiwi ako at awkward na ngumiti.

"Juicecolored, Nocturne. Mukhang hindi talaga kita kayang iwan dito, susmaryosep. Konsensiya ko lang." Hindi ko alam kung narinig niya pa ba yun dahil nagdire-diretso ng pasok sa loob. "OH SHIT!" nalang ang nasambit ko.

"May I speak to Ms. Marsha please?" naabutan ko siyang kausap ang isang lalaki na mukhang isang nursing student. Mapapansin mo dito ang malaking salamin niya pati na rin ang braces.

"Ah, nakasalubong ko kanina. Lumabas yata saglit, hintayin mo na lang." imbis na magpasalamat ay basta basta niya na lang iniwan ang lalaki, wala ni isang ngiti o tango man lang. AND THE NICEST AWARD GOES TO NOCTURNE!

"She goes out for a while." Hindi rin nagtagal ay nakita ko siyang nakatayo sa may pinto at dala dala ang isang supot ng kung ano man iyon.

"Magandang hapon ho, Aling Marsha," sinuklian niya ako ng isang ngiti. "Oh, Fret. Anong sadya?" ipinakilala ko sa kaniya si Nocturne na diretso lang ang tingin sa kanya at walang emosyon. "May bakante ho ba?"

"Mayroon naman. Kaso..."

"I don't care about that but, I'm taking that room," inilahad niya ang kamay niya. "Key?"

"Hija, may kasama ka sa kwarto. Bukas na iyon," sa kabila ng pagiging MAGALANG ni Nocturne ay isang matamis na ngiti pa rin ang ibinigay sa kaniya ni Aling Marsha. Hinatid namin si Nocturne sa kwarto niya na wala pang tao. "Umalis yung dalawang babae, hintayin mo na lang din."

"Sibat na ako, Nocturne. Ingat ka dito."

"Thank you, Fret."

"Tinuturing mo na ba akong isang kaibigan ngayon, Noc-noc?"

"Noc-noc?" natawa siya. "Anyway, yes. Of course I do."

"So pwedeng favor?" tiningnan niya ako nang nakakunot ang noo pero tumango din kinalaunan. "What?"

"Kapag may problema ka, tawagan mo ako. Kahit text, chat. Kahit ano."

"Why would I?"

"Syempre prends na tayo eh," pagpapalusot ko. Hindi ko lang masabi na 'kapag kailangan mo ng kausap sa mga problema mo, tawagin mo ako. Kailangan na mas lumamang ang pagturing mo sa akin bilang kaibigan kaysa sa mga blade na tinutukoy mo.'

Binigyan niya ako ng nangaasar na tingin at tinulak ako palabas ng pinto. "I will think about it," at tuluyan niya na akong pinagsarhan ng pinto. "Siya na ba ang nobya mo, hijo?"

"Ay anak ni Patrick the star!" nagulat ako dahil nakalimutan kong kasama nga pala namin si Patrci-- ay si Aling Marsha pala.

"Hindi ho ah, kakasabi niya lang kanina na kaibigan diba?"

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon