MELODY VIII

682 24 0
                                    

"Just because you were hurt doesn't mean you shouldn't bleed. I can be anyone, anything, I promise I can be what you need"

- Vulnerable (Secondhand Serenade)

~[x]~

[FRET]

Muli akong lumusot sa ilalim ng pass, hindi ko pa rin kasi nakikita yung I.D. ko, muli akong hinabol ng guard hanggang sa makapasok na ako sa loob. Masama na naman ang tingin niya sa akin.

"Ano ba namang titig yan. Pa-fall! Marupok ako ha?" biro ko sa kaniya. Nang akmang magsasalita na siya ay pinutol ko na ito kaagad. "Alam niyo, Sir.. Lunes na lunes binabadtrip niyo sarili niyo sa akin."

"Kaya lalo kayong pumapangit eh," bulong ko.

"Are you saying something, Mr. Marasigan?" umiling na lang ako habang natatawa. Hindi pa rin ako kumakain, anong oras na akong nagising.

Nagulat ako nang may ipinapasa nang papel mula sa unahan. "Ano yan?" tanong ko sa katabi ko. "Quiz." Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. "Nocturne?"

"Kaklase din kita dito?"

"Oh my gosh, you just knew?" pabulong niyang sabi. Napakamot ako ng ulo ko at tumango. Kinuha ko ang papel na para sa akin at tinitigan ang puro letters at numbers. Parang si crush lang, kapag di mo makuha, titigan mo na lang.

Tumingin ako sa unahan. Wala din akong balak na mag-sagot. Busy yung prof na nakatingin sa dala niyang laptop. Ako, ito. Busy tumunganga. Nang muli kong tingnan ang papel ko ay nagulat ako na may mga sagot na iyon. ANONG NANGYARI? HOLY MOTHER OF CHEESECAKE!

HINDI KO ALAM KUNG MINUMULTO BA AKO O HABANG TULALA AKO KANINA, NAGSASAGOT KAMAY KO. ABA KINGINA! NAPAKATALINO KO NAMAN!

Nilingon ko si Nocturne na seryoso lang na nagsasagot sa papel niya. Tiningnan ko pa kung tapos na ako hanggang dulo, oo mga parekoy! Tapos na ako! I is berry smartest of all puahahaha!

Nang marinig ko na kumukulo ang tiyan ko ay kinuha ko sa bag ang pagkain na pinadala ni Mama. Inilabas ko ito, pati na rin ang kutsara't tinidor. Umupo ako sa sahig at ipinatong ang tupperware sa ibabaw ng upuan. Dumako ang tingin sa akin ni Nocturne at patagong tumawa. Nagsulat siya sa isang papel at ipinakita sa akin.

'Why r u so hungry af?' umiling lang ako at tahimik na kumain. Nang akmang liligpitin ko na ay saktong nalaglag ang kutsara, wow. May babaeng parating hehe.

"Mind sharing your food, Mr. Marasigan?" sita ng prof ko na nasa harapan ko na pala.

"Bitin pa nga sa akin sir, tapos nanghihingi kayo? Sige po, sa susunod sabihin ko kay Mama damihan luto" narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko. Nang magsasalita na siya ay muli na naman akong um-epal.

"Ops, ops. Monday ngayon. Inhale, Exhale. God is good and you is very blessed" dinismiss na ang klase at nakahinga ako nang maluwag nang walang detention o suspension na naganap.

"Anong susunod mong klase?" tanong ko sa katabi ko. "PolSci."

"Weh? Kaklase ulit kita? Bat ganun? Dati di naman kita nakikita"

"It's because you are either sleeping, not paying attention, late, or cutting classes," walang emosyon niyang sambit. "Wow! Wala man lang ba na positive? Busy ako mag-sagot ng mga test, busy ako gumawa ng projects. Wala bang ganun?"

"Really? As far as I know, you didn't do any of those," nagkibit balikat siya.

"Sinaktan mo ang puso ko! Sinaksak mo ng kustilyo~"

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon