MELODY I

2.6K 39 8
                                    

"You see, it's easy to ignore trouble
When you're living in a bubble"

- Ain't it Fun (Paramore)

~[x]~

"This will be the first song for you, guys. Get ready in three, two, one.." itinaas ko ang kamay ko na naka-pormang rock n' roll sign. Acquaintance party ngayon ng freshmen at since ang banda namin ang nagiisang banda ng campus, kami ang assigned dito.

Sinimulan ko nang kalbitin ang mga strings ko sa gitara habang sina Lester, Kats, JC, at Seth naman ay ginagawa ang trabaho ng bawat isa. Hinawakan ko na ang mic at inayos.

"I faintly remember yesterday, oh so close yet far away  from the lives that we once etched in stone. Who would think that it would last, please just give it one more chance. Forever is a word that only grows.." Panimula ko. Naging wild ang mga tao sa audience at sumabay sa kanta "Anakan mo ako ng sampo, Fret!" Sigaw ng babae sa unahan na naging dahilan para tumawa ako.

"And never in this saddest moment, I feel we're letting go.." Pagpapatuloy ko. Ang mga tao ay lalong mas naging wild. "I love you, Lesteeerr!" sigaw ng isang babae mula sa audience. Nilingon ko si Lester at nakitang kinindatan niya ang babae. Mas lalong nagwala ang babae. Napailing na lang ako. Babaero ang kingina.

Tinapos namin ang kanta at sinundan ng isa pa. Pagkatapos noon ay nagpahinga muna kami at pinapunta sa backstage. Since makulit ako, hindi ako dumiretso sa backstage at ginustong mag-gala gala. Isinoot ko ang hoodie ko at ipinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa. 

"Fret, pa-picture!" hindi pa man ako nakakasagot ay nakalabas na ang phone niya kaya wala na akong choice kundi ngumiti. After that, I saw her crying. Agad kong kinapa ang bulsa ko at ibinigay sa kaniya ang isang panyo na kulay itim. "Wag ka umiyak, baka isipin nila pinaiyak kita," Biro ko sa kaniya atsaka kumaway para magpaalam at naglakad palayo. Napadpad ako sa isang madilim na lugar at hindi ko alam kung ano ito dahil patay ang mga ilaw at tanging ang gymnasium lang ang bukas. "San na ba 'ko?" napakamot ako sa ulo. Nang mapagdesisyunan ko nang bumalik, nakarinig ako ng humming ng isang babae.

"Ay p*ta, minumulto na yata ako!" kinapa ko ang cellphone ko at binuksan ang flashlight at halos mapatalon sa gulat nang may nakita akong babaeng nakaupo sa gilid ng puno at nakatungo habang patuloy sa paghu-hum. Nang mapansin ang ilaw ay agad niyang iniangat ang tingin sa akin.

Agad akong kinilabutan sa titig niya. "Tao ka ba?" Hindi ko alam kung saan nanggaling ang linyang iyan pero iyan ang unang lumabas sa bibig ko. Lalong sumama ang titig niya sa akin at mas lalo akong kinilabutan. "P*tang*na talaga!" nang akmang aalis na ako ay hawak niya na ako sa pulso. Malamig ang mga kamay niya pero nang tingnan ko siya sa mata.. SHIT TAO NGA! Anak ng..

"What are you doing here?" sambit niya. Gaya ng kaniyang mga palad ay malamig din ang boses niya. 

"T-tao ka n-nga! W-weh?"

"Are you mocking me?" mas hinigpitan niya ang hawak niya sa akin. Tinitigan ko ang mata niya at nabigla ako nang makita ang mugto niyang mata at natuyong luha sa gilid nito.

Kinapa kong muli ang bulsa ko at iniabot ang isa pang itim na panyo sa kaniya. Nakita kong kumunot ang noo niya at tiningnan lang iyon. "Ayokong nakakakita ng mga umiiyak," wika ko sa kaniya at nag-iwas ng tingin. "I'm not crying."

"Oh, eh di yung mga bagong iyak." Tinitigan niya lang ang panyo hanggang halos ilang minuto na. "Ay kingina. Ano na, miss? Wala kang balak gamitin iyan?"

Warble Meets the Opposite (KathNiel - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon