Chapter 6

36 7 8
                                    

3rd person's P. O. V

"Arghh" naiiritang wika ng isang lalaking nagngangalang Shawn.

Papikit-pikit na mga mata, gulo-gulong buhok, at ang paghikab nito ay nangangahulugang kakagising lamang nito.

Ilang minuto siyang nakaupo lamang sa kaniyang kama, ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon ng maisipan niyang muling mahiga at ituloy ang naudlot niyang tulog na kasalanan ng kaniyang alarm clock.

Ganiyan, ganiyan ang araw-araw na buhay ng ceo ng Shirkin Inc. Puro pasarap sa buhay ang alam.

Ganito na lang ba ang magiging buhay niya araw araw?

Kirsten Osomo

"Uhmm.. Excuse me po saan po ba makikita 'to? " tinuro ko yung tinatanong ko sa mapa.

Ngayon, na sa ibang parte ako ng manila pero malapit lang ito sa lugar na pinangalingan ko mga 2 sakay lang ako ng jeep. Mga dalawang araw na nung binigay ni ma'am Elizabeth yung papeles para sa kasal namin ng asawa ko

Flashback

"Eto oh" binigay sa'kin ni ma'am Elizabeth yung papel na sinasabi niya

"Yan ang nag papatunay na kasal kayo ng anak ko, wag mong iwawala yan.Mahirap kopyahin ang pirma ng an-estee ang hirap yang kumbinsihin hahahah" kinakabahan na natatawa niyang wika.

"O-okay po?" hindi ko na gets yung ibang niyang sinabi hindi ko nalang pinag toonan ng pansin yon dahil kinakabahan ako.

Kinakabahan na mamakita ang asawa ko

Flashback end

Katulad nga ng sinabi ko kanina nasa ibang parte ako ng Manila nawawala ako kaya nag tanong ako ng directions sa mga tao dito.

"Keri sa legar na yon tas kaliwe ka " alien language ba 'to?

Nag pasalamat nalang ako dahil Hindi ko magets ang pinag sasabi niya.

Nag tanong nalang ako sa ale na nag titinda ng buko.

"Aleee excuse me po saan po ba makikita 'to? " turo ko sa mapa

"Yan?" ay salamat nag tatagalog si ate!

"Diretso ka diyan tas kumaliwa ka, dumiretso ka ulit kumanan ka naman at makikita mo na yung hinahanap mo" mahabang saad nito

"Salamat po teh!"

"Ay! Nakalimutan ko private property nga pala yan bawal pumasok! " malayo layo narin ako kay ate kaya hindi ko narinig ang mga sinabi niya

Kaliwa.... Tas diretso..... Kanan....

"Ayon!" nakikita ko na yung address!

Xxxx...

Tinignan ko kung parehas ito sa papel na hawak ko

"Yes! Yieehh nakita ko nahh!" napatalon ako sa tuwa.

Sino ba naman hindi matutuwa 3 oras kang nag hahanap kanina tas dito mo lang pala makikita.

"Lucky! " 

Dahil sa sobrang tuwa hindi ko namalayan na may malaking gate na nasa harapan ko, makikita mo sa loob ang kagandahan ng mansion pero may kalumaan na. Dito nakatira asawa ko? Swerte naman niya.

Kakatok sana ako ng napansin kong may doorbell pala pinindot ko  ito, mga 10 seconds na pero wala paring nag bubukas. Bingi ba mga tao dito?,

Ngayon ko lang ulit napansin na ang tahimik dito mukha tuloy haunted house yung mansyon idagdag mo pa yung mga puno na naka paligid dito

"OK...  Tao po?!?" wala man lang sumasagot tumingin ako sa paligid kung may tao mukhang wala naman balak ko umakyat eh

"Baka mahulog ako?" baka mamaya mahulog ako dito mamatay ako makikita ko nalang sarili ko nasa dyaryo na. "Hala ayoko non!!" ayoko! sabihin mukha akong tanga!  may pintuan naman daw ba't pako umakyat! Ehh nakalock eh! Baka Makita ako ng magulang ko sa langit sabihin bakit naging gento ang anak ko?

Ang corny corny ko! Gosh

Aakyat nalang talaga ako no choice, mga hindi nag lilinis ng tenga mga tao dito eh!

Ok first step.... Third step... Wait.... Wala namang CCTV dito diba? kasi malabo kung wala, tumingin tingin ako sa palagid.... mukhang wala naman

Tinuloy ko ulit hanggang makarating ako sa pinakatuktok ng gate

"Wag titingin sa baba! wag titingin sa baba! oyyy rainbow oh ang ganda naman hahahahha" tinuon ko sa iba ang atensyon ko kahit nakakatakot.

Hindi ko namalayan na kababa na pala ako

Tumitibok parin ang puso ko para akong kumarera sa sobrang bilis nito inayos ko na ang gamit ko at tumakbo papuntang pintuan ng mansyon

Hanep may pa fountain pa sa gitna!

Haggang sa makarating na ko ng pinto tinignan ko kung may doorbell nga at di ako nag kamali meron nga

Nakailang ring ako siguro 10 times?
Naiinis na talaga ako kanina pa ko dito!

Binuhos ko lahat ng galit ko kakapindot ng doorbell

Habang sinisira ko yung doorbell may narinig akong tunog ng kahoy. Tumingin ako sa direksyon ng pintuan at nakita kong nakasara ito pero may awang sapat para makita niya ko

"Uhmmm may tao po ba?" malamang kinakausap mo na nga oh!

Wala... Wala akong marinig na oo wala, meron, pipe ba 'to?

"Uhmmm.... Hello?" awkward! Hindi parin siya nag sasalita! An tama tatanungin ko nalang kung nandito ba nakatira si Shawn! Tama! tama!

"Nakatira po ba dito si Shawn dianrich?" tanong ko

Eh? ..........

"Sino ka?"

Biglang tumibok ng malakas ang dibdib ko, ano 'tong nararamdaman ko? Ang husky ng boses niya na para bang bagong gising lang, hindi ko makita ang mukha niya kasi ang dilim

"Ah! Ako  si kirsten! Nandito po ba si shawn?" mamaya ko nalang proproblemahin yan tibok na yan! top priority ko ngayon ang asawa ko

"Oo" yung boses talaga eh!

Tumingin tingin ako sa loob pero wala akong makita, asan?

"Nasaan po?" nag tataka ako eh eto ba yung maid nila? Nakakatakot! hindi mo malaman  kung kriminal na ewan eh!

Tuluyan niyang binuksan ng lubusan ang pintuan lumaki ang mata ko lumuwa ang isang lalaki na nasa mid 20s? Ata? ubod din siya ng tangkad ang buhok niya ay kasing kulay ng gabi sa sobrang itim at natatakpan nito ang mga mata niya ang balat ay kasing puti ng nyebe at may matangos na ilong plus the lips! Hindi ko alam kung may langaw na ba sa bibig ko dahil nakanganga ako, my ghad! Ang gwapo kaso nabigla ako sa sinabi niya

"Miss nasa harap mo  " pairap na wika nito

Oh ok?

______
Patawarin niyo sana ako sa sobrang cheesy nito myghad try ko nalang ulit yung best ko sa susunod na chapters, hope you understand, tama ba pag kakasabi ko? Hahaha

Lots of love~

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon