Tahimik, awkward, tahimik....Yan na yata ang paborito kong salita ngayon. Hinawakan ko ang laylayan ng damit ko para mawala kahit papaano ang kaba na nasa dibdib ko.
Pano ako hindi kakabahan eh tahimik lang ako at si shawn, habang si ma'am Elizabeth ay hindi yata nauubusan ng sinasabi sa harap namin, Hindi talagang oa lang ako.
Nang makapunta siya dito gulat na gulat si shawn at mukhang walang balak na papasukin ang ina, kaya ako nalang ang nag sorry sa nanay, genyan daw talaga ang anak niya.
Inaya ko siyang pumunta sa sala at dun mag usap.
Tumingin sa palagid si ma'am Elizabeth na para bang first time niya dito.
"Kamusta buhay asawa Kirsten?"
"Uhmm.... Okey naman po ma'am Elizabeth marami po akong natutunan" natuto akong mainis sa kapwa.
"Call me tita iha matagal tagal narin tayong mag kakilala at asawa ka na ng anak ko" matamis niyang saad.
"Ikaw shawn maganda naman ang pakikitungo mo kay Kirsten diba?" hindi ko napansin si shawn nakatabi ko napala ang tahimik kasi eh Bale nasa love seat kami ni shawn at na sa single sofa si ma'a-tita.
Tumingin si shawn kay tita at tumango na para bang wala siyang pake sa pinag uusapan namin.
"Punta lang ako kwarto" bago pa kami naka react ni tita eh wala na siya sa paningin namin , hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaasar eh iniwan niya akong mag isa dito kasama si tita loko yun!
"Pagpasensiyahan niyo na po si shawn, may pag ka baliw yun" nahihiya kong sagot.
"Mukhang nag kakabutihan kayo ah".
"Nako Tita nakakainis rin po yan si shawn minsan kaya minsan lang po kami mag kasundo"
Natawa si maam dahil sa sinabi ko "Naku ang cucute niyong dalawa bagay kayo"
Namula ako dahil sa sinabi niya ngek! bagay kami?
Uminom inom lang kami ng kape ni tita, ibinaba niya ang kape niya at hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at ngumiti sakin.
"Salamat talaga iha dahil pumayag kang mag pakasal sa anak ko" nakangiti niyang saad.
"Dapat po sainyo ako mag pasalamat dahil pinagamot niyo po ang tita ko salamat po talaga Kung hindi kayo dumating baka wala nakaming mahanap na paraan para sa panggamot ni tita, tsaka parang masaya naman po kasama si shawni, mukha lang pong suplado haha"
"Naku iha talagang suplado yan mula palang ng pinanganak yan HAHAHAH"
Tumawa kaming dalawa dahil sa sinabi niya, napakabait talaga ni ma'am, dahil sa kaniya maayos na si tita ngayon.
"Sa susunod iha kayo naman ang pumunta sa bahay ko, Para makilala mo ang tatay ni shawn"
"Sige po kaso baka hindi pumayag si shawn" alam mo panaman 'yon hirap kumbinsihin.
"Hohoho papayag yon gusto ko ipakita sayo ang baby days ng anak ko"
Wah Gusto ko makita yon!
"Tsak-"Hindi natuloy ang sinasabi sabi ni tita ng biglang nag ring ang ang cellphone niya nag wait siya sakin kaya nag ok lang ako.
"Hello?" tanong niya sa kabilang linya .
May sinabi ang nasa kabilang linya dahilan kung bakit tumaas ang kilay ni tita.
"Ah ganun ba paupuin mo muna sila"
May sinabi pa siya na hindi ko nalang pinansin, pagkatapos ng tawagan ay binaba niya ito at nag paalam para umalis.
"Oh sya iha aalis na ako gusto ko sanang pumunta kayo sa bahay ko para makita mo ang asawa ko kaso hindi pwede ngayon"
Tumango na lang ako bilang sagot.
Nag paalam na kami sa isa't isa, hinatid ko narin siya sa labas at nag paalam ulit sa kaniya.
Pumasok na siya sa magara niyang kotse at pinaharurot ito paalis.

BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
General Fiction"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...