Chapter 20

25 0 0
                                        

"Ms. Osomo kala ko hindi ka na papasok eh, kamusta bakasyon MO?" napatingin ako sa sahig, dahil natatawa ako, namiss ko yung bunganga ni ma'am eh.

Ngumiti ako at tumingin sa kaniya "Okey naman po ma'am Jasmin may nangyari po kasi eh kaya napahaba po"

"Hmp! pasalamat ka at pinayagan kapang mag trabaho dito, kung ako ang may ari baka matagal ka ng walang trabaho" inarapan niya ako at nag lakad palayo, kala ko naman babait na si ma'am pag wala ako dito, hindi pa pala.

Mukhang night shift ngayon si mik dahil hindi ko siya makita. Hay hindi ko nailabas ngayon si shawn, tuwang tuwa nga ang loko dahil sinabi ko sa kaniya na mag stastart na ang trabaho ko, lokong kumag 'yun!

"Kirsten pumunta ka sa table 9, kunin mo order nila" sabi sa akin ng isa kong katrabaho.

"Okey" umalis ako sa counter at lumapit sa table na may number 9 na nakalagay, isang pamilyar na likod ang nakikita ko habang papalapit ako.

"Hello po ma'am, may I take your order?" nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya.

"Coffee lang pls, ikaw jennie? " lumipat ang tingin ko sa katapat niya, may maiksi itong buhok na abot balikat lang, singkit na mata na nakapag bagay sa mukha niya, may suot na maiksing shorts at T-shirt na may sulat na adidas.

"Just water mami I'm on a diet kase" tumingin siya sa akin bago sa iPhone niya.

"Coffee saka- oh Kirsten ikaw ba yan?" kaya pala pamilyar ang boses, si tita abigail pala!

Si tita abygail ay kapatid ni Mama, pangalawa si Mama sa mag kakapatid at pumangatlo si tita abigail, panghuli si tita rita, lima silang mag kakapatid.

Sila din yung nasa likod ko na nag uusap Kung saang amponan ako ipapasok.

"Jennie pinsan mo oh!  Si Kirsten! " tumango tango lang siya na ikinainis ko, genyan parin pala ang ugali niya haggang ngayon, maldita parin. Mga kalaro ko ang mga pinsan ko dati este sila lang pala hindi ako kasama. Taga tingin lang ako kung nandiyan na ang mga magulang nila.

Pag nag lalaro kami ng manika dati, hihiramin niya yung akin kahit meron naman siya sasabihin niya panget daw yung sa kaniya maganda daw akin,  pero ang totoo gusto Lang niya kunin yung akin para wala akong malaro, barbie sa kaniya tapos sa akin lumang manika? Pero okey lang yun, mabait akong bata eh, dapat mapagbigay.

"Ahh si Kirsten bayan? Okey" pansin ko ang mamahalin na alahas na nakakabit sa kaniya, wow rich kid.

"Hahaha hayaan mo yang batang yan masyado ng addict sa social media" humingi siya ng paumanhin,  mabait naman si tita aby nasilaw lang sa pera kaya ayun, sugal ng sugal dati pero ngayon mukhang itinigil niya na.

"Haha haha okey lang po kamusta po kayo? " tanong ko

"Ayun may asawa na" nasiyahan ako sa sinabi niya, kahit ganon ang pag trato nila kay Mama ay hindi ako nag tanim ng galit sa kanila . Baka ma depressed lang ako,  namatay kasi ang asawa dati ni tita, na heat stroke kakatrabaho.

"Ay ganun po ba? Congrats po! " masaya kong wika.

Napansin ko na parami ng parami ang costumers kaya nag paalam na ako sa kanila .

"Oo nga pala, malapit na ang birthday ni Jennie two months from now gaganapin sa cavite, nandon yung bahay namin gusto mo ba pumunta?" pahabol niyang tanong.

"Hmmm sige po ba! Sige po aalis na ako" lumayo na ako sa kanila para kunin ang order ng iba.

"Ma bakit niyo sinabi?, makita pa yan ng friends ko sabihin ang baduy ng pinsan ko"

"Hayaan mona, minsan lang kumain ng masarap yan, isama muna"

"Hay mapahiya pa ako eh! "

"Jennie lower your voice!  Kahit mukhang pulubi ang pinsan mo, pinsan mo parin yan!"

"Ehh enebayan"

Ang saya ko! Nakita ko ulit ang tita ko at pinsan, kamusta na kaya yung iba?

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon