Chapter 8

36 7 6
                                        

3rd person's P.O.V

Sa ibang parte ng Manila  ay matatagpuan ang isang malaking Mansion na pinalilibutan ng  guards, katulong, hardinero at iba pa.

Sa loob nito ay matatagpuan ang isang ginang prenteng nakaupo sa isang upuan katapat ang kaniyang mamahalin na mesa.

Habang nakaupo ito nakikipag usap ito sa kaniyang napakamagaling na abogado.

"Sa tingin mo hindi mapapansin ng anak ko?" tanong ng ginang

"Opo ma'am Elizabeth kahit na matalino ang anak niyo hindi niya po mapapansin ang pekeng pirma na gawa ng isa sa pinaka magaling kong tauhan"  naniniguradong sagot ng abogado

"May tiwala ako sayo Mr. De los Santos"

Mag kwekwentuhan pa sana sila ng biglang bumukas ang pintuan at lumuwa don ang galit niyang anak

"Oh anak! Naparito ka?" kunyaring gulat na sabi ng ginang. Alam niyang pupunta ang anak niya dahil sa nangyari.

Padabog na binagsak ng binata ang papeles na binigay ni Kirsten sa harap ng ginang

"Ano 'to?" may diin at halong galit. Nakakatakot ang aura ng lalaki tuwing galit ito, pero syempre hindi mag papatalo ang nanay

"Ang alin anak?" painosenteng tanong ng ginang

Tinuro ng binata ang pekeng pirma niya

"Bakit nandito ang pirma ko?" galit na talaga ang binata dahil sa pinakitang kainosentehan ng nanay pero alam niya na may kinalaman ito sa nangyayari!

"Abay Malay ko! pirma mo yan eh!" inosente nitong sagot

Nag isip muna ang binata at nag tanong

"Peke To noh?"

Napa ubo ang ginang "Ay! Busted kaagad?" takang tanong nito sa isipan.

"Bakit naman Peke eh ikaw ang nag pirma niyan! Hindi mo ba maalala?" hysterical na sabi nito

Napaisip ulit ang lalaki alam ng binata na hindi marunong mag sinungaling ang mama nito kaya pinalampas nalamang niya ito, maya maya napabuntong hininga nalamang ito.

"Look ma kung ano man ang ginagawa niyo ngayon, hindi ako sang ayon" seryusong sabi nito

Napalunok ang ginang "Pero anak anong tingin mo kay kirsten?" pang iiba ng topic ng ginang

"Maingay, madaldal at higit sa lahat mukha siyang stupid at mas pangit pa sa lahat? ang apelyido ng asawa ko!, alam niyo naman meaning ng Osomo diba ma? It's shit! Tae!"

Sabi na nga ba ito ang sasabihin ng binata

"Grabe ka naman anak dun sa dalaga mabait yon kaya subukan mo siyang saktan! Nako anak! makakatanggap ka talaga sakin ng sampal!" kunyari galit na wika nito

Napairap nalang ang binta dahil sa sinabi nito "Wala akong paki kong umiyak siya o mag sumbong siya sa inyo basta wag niya lang akong papakelaman" walang ganang sagot nito at nag tungo sa pinto para umalis

Ng tuluyang umalis na ito napangiti ang ginang "Alam ko anak mag babago karin"

"Ma'am Elizabeth?" hindi papala niya natatapos ang kwentuhan sa kaniyang abogado humingi ito ng paumanhin kaya pinag patuloy nalang nila ang pag uusap

Kirsten Osomo

Hay buhay ang init init nilibot ko pa yung unang floor at galing byahe pa ko kaya sobrang pawis na pawis ako.

Wala parin siya baka di na uuwi yon.

Tutal kahit papano alam ko narin ang pasikot sikot sa unang palapag pumunta na ko sa banyo sa likod ng kusina at nag simulang maligo

Infairness may kagandahan yung banyo may kalakihan at kulay baby blue tiles yung sahig saka May shower, bathtub syempre hindi mawawala yung toilet

Mga 5 minutes lang bago ako matapos baka dumating nakasi si shawn eh

Mukha mang hindi ako kinakabahan dahil sa mga nangyayari ngayong araw pero sa loob looban ko kinakabahan na ko ng bonggang bongga!

Nag bihis narin ako sa loob ng banyo lumabas nako at saktong papasok na ng sala si shawn

"Oh! nakauwi kana pala!" patay! hindi papala ako nag luluto

Hindi niya ko pinansin at dali daling umakyat ng hagdan ng hindi manlang ako tinapunan ng pansin grabe binigyan ako ng cold shoulder, loko yon ah!

Nag kibit balikat nalang ako sa asal niya mukhang mahihirapan ako sa pinili kong desisyon, pero dapat kong panindigan kasi tinanggap ko na eh

Bukas nalang ako mag luluto mukhang wala namang balak kumain yung loner nayon tutal hindi naman ako nagugutom  nag hanap nalang ako ng kwarto sa mansiyon na 'to

___

Napadilat ako ng biglang mag ring ang cellphone ko tinatamad mang abutin pinilit ko nalang, tinapat ko sa tenga ko yung cellphone ng hindi tumitingin kung sino ang caller

"Hello?"

"Loko ka! Asan kana? ba't wala kapa dito? Baka magalit si ma'am jasmin pag nakitang wala ka pa!" sigaw ni mika

Nilayo ko sa tenga ko yung cell phone baka tuluyan na kong mabingi!

"Ang aga aga ang ingay mo! Chill kalang nag paalam ako sa kaniya na mag lileave ako ng dalawang linggo buti nga pinayagan ako eh ahhahaha"

"Di mo Man lang sinabi sakin...." -mika

Nakonsensiya naman ako dahil hindi ko nasabi

"Sorry na bes ang dami kasing nangyari eh promised babawi ako promise!" inalagay ko pa yung kamay ko sa dibdib ko kahit hindi niya ko nakikita

"Pasalamat ka at mabait ako! sige apology accepted" alam kong nakangiti siya kaya nag paalam na ko

Ngayon ko lang naalala na nandito pala ako sa sala natulog ang hirap kasing maghanap ng kwarto sa sobrang dami

Tumayo na ko at nag simulang mag hanap ng ingredients para sa lulutuin ko pag bukas ko ng ref alikabok lang ang nakita ko at mga expired na pagkain, grabe! Hindi ba yon kumakain at hinahayaan talaga yung pagkain dito?

Napa isip nalang ako mukhang maaga akong mamamalengke nito, nag iwan na lang ako ng note kay Shawn na aalis ako kung makikita niya

Nag layas nako kasama ang pera ko pambili ng groceries

~•~•~
Author's note

Please vote, comment, and share!

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon