Pang apat na araw ko na simula ng mag trabaho ako, nalulungkot ako dahil hindi ko maalagaan si shawn, kung ano ano na naman kakain non panigurado.
Tumunog ang bell hudyat na may panibagong costumer.
"Welcome!"
Naistatwa ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung sino ito, eh bakit siya nandito?
Si lance lang naman ang nakita ko na may kasamang babae, napakunot ang noo ko, girlfriend niya siguro?
Lumapit ang waiter namin dito at kinuha ang order nila, maganda yung babae, meron siyang suot na pang business suit ay siguro katrabaho niya?
"psst!"
"Bakit?" tumingin ako sa katabi ko si kathryn.
"OMG mas gwapo pala siya sa malapitan! "
Mas lalong kumunot ang noo ko, sino si lance? "Bakit sino ba siya?" tumawa siya sa reaksiyon ko, oh anong nakakatawa?
"Hindi mo siya kilala? Like omyghad! Hindi mo talaga siya kilala?"
"Sabihin mo nalang kasi paulit ulit ka eh" naiinis kong saad.
"Oh sige, sige! Siya si lance millton! May ari ng shirking Inc! Ang galing kaya ng mga bagong labas nila! Kaso hanggang tingin lang ako kase super duper mahal!" paliwanag niya, hm saan ko narinig 'yun?
Ah so siya pala yung may ari non, edi wow anong problema doon?
"Ahh edi siya na" tumingin nalang ako sa harap.
"Shawwwnn!!! I'm tired na" nilapag ko sa Mesa yung bag ko at humiga sa sofa na inuupuan ng asawa ko, oy umaasawa siyaaa.
Dahil hindi ako kasya pinatong ko ang dalawa kong paa sa hita niya, antok na tumingin sa akin si shawn kaya napahalaklak ako dahil sa itsura niya, ay wait.
Nakaisil ako ng kalokohan kaya tumayo ako at humarap sa kaniya, tumingin ako sa ulo niya pababa sa paa niya at bumalik ulit ako sa ulo .
"Shawn.... Bakit parang lumalaman ka?" ewan ko ba kahit sampung bowl ng kanin hindi siya tataba eh.
"Hindi naman ah," denial pa ang loko, kinuha ko ang braso niya at pinisil ito, naku "Naku shawn magiging siopao kana niyan pag pinag patuloy mo yang pagiging tamad mo, di ba may gym ka sa taas? Gamitin mo nga 'yun kahit dalawang beses sa isang linggo, baka makita kita hindi ka na nag lalakad, gumugulong ka na" pabagsak siyang humiga at tinakpan ang mukha niya. Napabungisngis ako ng mahina.
"Bakit kailangan ko pang gawin yun!?!" naiinis niyang tanong, napailing ako at ipinatong ang paa niya sa hita ko, jusq ang bigat!
"Hahaha tignan mo oh dalawa nalang abs mo" naiiling kong sabi! Syempre joke lang yun, anim na pandesal ang meron siya, paano ko nalaman? Syempre itinaas ko ang sando niya para tignan ito. Buti hindi 'to nawawala? Kahit wala siyang ginagawa? Matipuno din ang katawan niya at matangkad kesa sa akin.
"Ha eight yan ah? Paano naging dalawa?" hindi siya makapaniwala kaya napailing ako "Bwahahahahha grabe naman yung eight! Ang pangit tignan non" tumayo ako para mag ligpit, siguro bukas ko na lilinisin 'yun.
----
Jusko nakakapagod talaga Mag trabaho, ewan ko ba biglang dumami ang mga costumers namin ngayon, buti ngayon eh, kaso short kami sa mga waiter ngayon kaya ako pinalet! Maganda na sana 'yung pagiging cashier eh.
Napatalon ako ng biglang may narinig ako sa gilid ko, isang tuta ang nakikita ko katabi ng isang basurahan. Oh bakit ako inaangilan? Lumapit ako dito, wait diba eto yung mga kasama ng mga pulis? Ano nga ulit 'yun? Ge-german Shepard ba o K9? Wala naman kasi akong alam sa mga aso e.
Umungol ulit ito na para Bang nasasaktan ito, napatingin ako sa paa niya ay kaya pala may sugat si puppy!
Naawa naman ako sa itsura niya, kunin ko kaya? Kaso baka kagatin ako.
Hays ayahan na nga, bahala na Kung makagat ako. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya para buhatin siya kaso tumahol siya kaya tumalon ako ng 1 meter palayo sa kaniya, naku! Takot pa naman ako sa aso!
"Easy puppy.... Tutulungan ka ni ate" tumalim ang Mata niya kaya napangiwi ako, jusko matalino ata ang asong ito.
Napatigil ako sa paglapit ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin ng paika ika, gumagalawa ang panga niya kaya mas lalo akong natakot, takbo nalang ang solusyon sa problemang ito!
Tumayo ako at humakbang paatras pero nagulat ako ng bigla siyang natumba.
"Yo? Okey kalang?" lumuhod ako at binuhat siya, hala bakit ang payat niya?
Luh anong gagawin ko?

BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
Ficción General"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...