Pinunasan ko ang kamay kong kakagaling lang sa hugas, nag lilinis kasi ako ng banyo ngayon eh, tapos biglang may nag door bell na bitin pa tuloy ako.
Lumabas ako at lumapit sa pintuan, isang lalaking nakasuot ng suit, yung mga nakikita ko sa tv, mukha siyang mataray para sa isang lalaki.
"Hello binibini andiyan ba ang amo mo?" amo? Sinong amo?
"Sinong amo?" tanong ko, nag isip pa siya saka niya ako sinagot.
"Si shawn?.... Ahh! Oo si shawn mendes este si shawn! Tama si shawn.... Sino bang shawn? Yung....." may sinasabi pa siya na hindi ko na ininda, palihim kong kinuha sa bulsa ang cell phone ko at aambang buksan ito para mag tanong sa malapit na mentwl Kung meron silang nawawalang pasyente, Malay mo lang.
"Puru si shawn, anyway nandito ba si Shawn Dianrich? Yung amo mo?" sandali akong tumigil, sasagutin ko ba? Well mukhang kilala naman siya ni shawn eh.
"Opo may kailangan po ba kayo sa kaniya?" tanong ko.
"Pupunta ba ako dito kung wala?" aba't sino ba 'to? Pwede ko bang pag saraduhan ng pinto yung kulang nalang masira, pwede ba?
"Tsk pasok kayo" hmp! mukha naman mapagkakatiwalaan eh subukan lang niya gumawa ng hindi maganda isusubsob ko siya sa inodoro tapos iflaflash ko para mapunta na siya sa baba imbes na sa taas!
Char ang corny ko , anyway dinala ko siya sa sala at pinaupo, mukha naman comfortable siya kaya pumunta ako sa kusina at nakita ko si shawn na may kinakain.... Teka......
Arghh! ang stick-o ko! yung stick oh koo!!!
"Langyaa yung stick-o ko! bakit mo kinakain!" hinablot ko ito sa kaniya at umusok ang tenga ko ng makita kong kalahati nalang ay hindi sampu nalang! Why? ang mahal ng bili ko dito 60 pesos tapos siya lang ang kakain hindi manlang nagtira ng marami?!?!
"Nag abala kapang mag tira! Sana inubos mo nalang! Hindi na kita bibigyan ng fish ball loko ka!!" nguya siya ng nguya haggang sa malunok niya ito, no! Kung pwede lang kunin ulit sa bibig niya eh kukunin ko na eh!
"Uubusin ko naman talaga eh " sabi niya.
"Aba't! Ang mahal kaya nito naubos ko na yung sahod ko.... Kinain mo lang yung stick o ko... Ang mahal mahal nito I kennat forgive you!" umiinom lang siya ng tubig at hindi ako pinapansin, genyan ah sige lang di rin kita ipagluluto ng paborito mo!
"May problema ba Mis-oh! Shawn musta na dude!?"
Biglang pumasok sa eksana ang bisita, muntik na akong bugahan ng tubig ni shawn ng makita ang mukha ng lalaki kung hindi lang niya pinigilan, oh-key epic yun....Tumingin siya sakin ng matalim at nagtatanong.
"May kailangan daw sabihin sayo" paliwanag ko.
"Hindi ko kilala yan" sagot ni shawn, kumunot naman ang noo ko.
"Huh eh kakilala ka daw niya ah"
"Teka-"
"Bakit ka nag papasok ng estranghero mamaya nakawan tayo niyan eh"
"Eh subukan lang niya"
"Sagl-"
"Paalisin mo nalang yan, pasok ka ng pasok ng hindi kilala eh,"
"Hmp! Malay ko Bang hindi mo kilala, mukha kasing kilala ka eh kasi alam niya yung pangalan mo"
"That's bullshit, porket alam niya panagalan ko papasukin muna? Pwede mo naman akong tawagin hindi yung pasok ka ng pasok ng kung sino sino" sermon niya
"Hmp oo na hindi ko na uulitin! Hindi ko naman sinasadya eh"
"Saglit langgg!"
Naputol ang usapan namin ni shawn ng pumagitna si bisita.
"Ako 'to shawn? Nakalimutan muna agad?, nag stay kalang dito ng ilang taon naging makakalimutin kana? Ako 'to dude" pinunasan niya ang Mata kunyari umiyak, napaka drama naman itey. Hindi ko alam kung nag dradrama siya na ewan eh.
"Huh? Wala akong maalalang tao na genyan paalisin mo na nga yan"
"Aba't grabe ka! Ang tagal na natin hindi nag kita. Genyan ka ba sa kaibigan mo huh!?" sagot nanaman ni, wait sino ba 'to?
"Tsk fine, what do you want lance? " ahh Lance pala ang pangalan.
"Wag tayo dito mag usap, doon tayo sa sala" umalis na sila at naiwan lang ako mag isa dito kasama ang stick-o ko.
Tignan mo kakilala naman pala niya eh, pinahaba pa yung usupan.
Hay bahala na nga tatago ko nalang 'to para hindi niya nakita. Hinintay kong uminit yung kettle para sa kape, mukha naman siyang hindi mahilig sa juice eh.
3rd person's pov
"Well, gusto lang naman kitang visitahin dude, ang tagal mo ding nag tatago dito like 4? 5? Years ata?" nilibot ulit nang lalaking nangangalang lance ang lugar na matagal niya nang hindi nakikita.
"3 Years"
"Yah three years ka ng hindi lumalabas, lalabas ka man sa Mama mo naman ikaw pupunta na hindi mo gagawin right?"
Cheesy man mali ang pag kakaguess ni Lance sa huling part na sinabi niya.
"So ano yung babae? Katulong? Ang bata pa niya ah"
"She's not a maid" bagot na wika ni shawn
"Eh Kung ganoon ano siya?" naeexcite na tanong ni shawn
"Tao tanga" napapalak pak ng malakas si lance dahil sa sagot na nakuha niya kay shawn.
"Edi wow nalang"
"Ano bang ginagawa mo dito?"
"Ang totoo niyan! Wait Wag kang magalit ha?"
"Ano nga kasi?" napipikon na si shawn dahil sa pathrill thrill ng loko.
"Kasi naw-wawala kasi yung bi-binigay mo eh" nauutal na sabi niya habang pinagdidikit ang hintuturo.
Nanigas si shawn at tinignan si lance
"What?" parang nanay at anak ang dalawa dahil handa na si lance para sa sermon ng nanay niyang galit na galit dahil ginastos lang niya ang pera pambili ng ulam ganern!"Kasi yung pinadala mong sample nawawala ehehehe" kinamot niya ang ulo niya kahit hindi naman nangangati.
Bumuka na ang bibig ni shawn para sigawan siya pero biglang pumasok sa eksena si Kirsten dala dala ang tray na nag lalaman nang kape at biscuits.
"Oh bakit genyan itsura niyo?" sabi nang dalaga habang nilalagay ang kape sa Mesa.
"Eh kasi chimay, sisigawan ako ni shawn!!" parang batang nag tago si lance sa likod nang dalaga para hindi siya mapalo ng kawayan ng inay niyang kating kati na hawakan ang kape para ibuhos sa kaniya.
"Si shawn sisigawan ka? Malaaabo, para yang babae minsan eh, kung sisigaw yan level 5 lang ang lakas HAHAHAHA" tawang tawa na sabi ni Kirsten.
"Pag sisisihan mo rin yang sinabi mo" sabi ni lance sa isipan niya, hindi niya pa kilala si shawn, mukha lang tahimik yan pero na sa loob ang kulo niyan.
BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
General Fiction"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...