Chapter 3:

43 8 5
                                        

Kirsten Osomo

Nakarating na kami ni ma'am sa bahay ko, pumunta na ko sa pintuan para buksan ito.

"Pasensiya na po sa bahay ko ma"am mahirap lang po kasi ako eh " nahihiya kong wika

"OK lang iha buti nga at nag abala kapang ayain ako sa tirahan mo kahit hindi mo naman ako kilala"

"Ahahahah ok lang po ma'am halika pasok po kayo"

Simple lang ang bahay ko may maliit na kitchen, bathroom saka maliit na sala at sirang bubong, buti nga mura  lang renta.

"Dumiretso po kayo ma'am Makikita niyo po yung bathroom, bibigay ko na lang po yung damit niyo" nakangiti kong sabi

"Sige iha"

Pumasok na si ma'am sa banyo at ako naman ay mag hahanap na ng damit na maisusuot ni ma'am.

Oo nga pala! Nakalimutan kong tanungin yung pangalan ni ma'am

"Mamaya na nga lang" bulong ko

Sa wakas! Nakita ko narin yung damit ni mama! Simple lang na  blue dress ang nakita ko sure ako kasya ito kay ma'am.

Nag mamadali akong pumunta sa banyo para maibigay ito kay ma'am.

"Ma'am eto na po!" masaya kong sabi

Nag pasalamat naman si ma'am kaya dumiretso nako sa maliit kong kitchen para mag hanap ng pagkain.

Napahawak ako sa noo ko ng may maalala ako

"Shit! Wala nga palang laman yung ref!" napa padyak ako sa inis kung kelan may bisita eh!

Nag hanap nalang ako sa cabinet kung may maiinom at thank god! Meron pang kape!

Nag titimpla nako ng kape ng lumabas si ma'am

Napakurap ako ng may lumabas na magandang babae sa banyo. Sino 'to?

"Ma'am?" mangha kong sabi ang ganda ni ma'am!

"Oh iha ba't parang nakakita ka ng diyosa diyan? " biro ni ma'am pero totoo yung sinabi ni ma'am may  diyosa sa harapan ko ngayon! ngayon ko lang napansin namatangkad pala si ma'am, matangos din ilong at maliit na mukha pati katawan omoo!

"Ahh madam upo kayo"

Natawang umopo si ma'am sa upuan binigay ko narin yung kape na tinimpla ko.

Pag katapos uminom ni ma'am sinabi niya yung pangalan niya.

"Nakalimutan kong mag pakilala ako nga pala si Elizabeth Dianrich" ang ganda ng name ni ma'am

"Ahh ako si Kirsten Osomo nice to meet niyo ma'am"magiliw kong sabi

"Hmmm.....Osomo" may problema ba sa pangalan ko?

Anyway hanggang umiinom si ma'am  may tinanong ako.

"Ano po ba ma'am Elizabeth ang problema niyo?" napahinto naman si ma'am dahil sa sinabi ko, halata ang lungkot sa mata ni ma'am dahil sinabi ko. Hala! May nasabi ata ako!

" Ang anak ko kasi......." malungkot na sabi ni ma'am Elizabeth, anak ni ma'am?

"Pwede niyo po ma'am ikwento pero kung ayaw niyo ok lang po" nahihiya kong sabi

Na pa buntong hininga si ma'am at sinimulan na ni ma'am ang kwento niya.

"Ang anak ko kasing lalaki.... Bigla na lang siyang nag bago ng college siya hindi ko alam kung bakit pero hanggang sa naka graduate siya ng college ganon parin siya naging mailap siya sa tao gusto niya laging mag isa, hindi narin siya lumalabas ng kwarto niya hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya uminom lang ako ng konti pam pawala narin ng stress" malungkot na wika ni ma'am Elizabeth

Biglang nagulat si ma'am Elizabeth ng nakita niya ko.... bakit kaya?

"Ba't ka umiiyak iha?"

Hindi ko alam, tumutulo na pala ang luha ko dahil sa storyang kinuwento ni ma'am Elizabeth.

"Ahh! Eto po wala To ma'am naiiyak ako kasi yung Story niyo ma'am eh" totoo naman eh!

"Madali kasi ako ma'am malungkot
*sniff* pero kawawa naman yung anak niyo ma'am siguro ma'am may nangyari sa anak niyo kaya siya nag kagenyan *sniff* KUNG MAY MAITUTULONG LANG SANA AKO *sniff* " kaso mahirap lang ako kaya impossible.

3rd person's pov

"......... Kung may maitutulong lang sana ako *sniff* "

Napatingin ang ginang kay Kirsten dahil sa sinabi nito

"Tutulungan mo ang anak ko?" tanong ng ginang

"Opo kaso mahirap lang po ako eh kaya malabo ma'am haha" natatawang sabi ng dalaga.

Biglang kumislap ang mata ng ginang dahil sa narining niya, biglang may pumasok na ideya sa isip nito at mukhang maganda ang kalalabasan nito.

Umayos ng upo ang ginang para masabi niya ng maayos ang kanyang sasabihin.

"Kung ganon, gusto mo bang tulungan ang anak ko?"

"Talaga po? Pwede?" tugon ng dalaga.

"Oo iha isa lang naman ang gagawin mo eh"

"Ano po yon?"

"Pakasalan mo ang anak ko"

Kirsten Osomo

"Paksalan mo ang anak ko"

"Pakasalan mo ang anak ko"

"Kirsten..... "

"Pakasalan mo ang anak ko"

"Kirsten!"

"Ay kabayo!" gulat kong sabi

Napaharap ako sa babaeng tumawag sakin, si mika lang pala

"Bakit?" tanong ko

"Anyare sayo? Kanina ka pa nakatunganga diyan ang tahimik mo din pasalamat ka at may pinuntahan si ma'am Jasmin ngayon kaya wala siya"

"Ah wala! May iniisip lang ako hehehe" ini isip ko yung nang yari kagabi

Flashback

Napameme ako dahil sa sinabi ni ma'am

Napabuntong hininga si ma'am Elizabeth dahil ang tahimik ko

"Mukhang hindi mo gusto ang offer ko....  Pero pag pumayag ka I can give you A huge amount of money"

Tahimik parin ako

20 minutes later.....

"May cell phone kaba iha?" Tanong ni ma'am Elizabeth dali dali ko naman kinuha ang maliit kong cellphone para maibigay kay ma'am.

"May load kaba?"

Tumango naman ako

May pininpindot si ma'am Elizabeth sa cellphone ko, maya maya binigay niya ulit sakin ito.

"Nilagay ko diyan ang number ko, tawagin mo ko kung may isasagot kana sa offer ko"

Bigla na lang ako nakarinig ng busina kaya napatingin ako sa labas. Biglang tumayo si ma'am Elizabeth at pumunta sa labas, sinundan ko siya.

Ng makalabas ako, isang magarang sasakyan ang nakita ko. Kunot noong napatingin ako kay ma'am para mag tanong pero nakangiti lang siya

"My my ang bilis niyo naman pumunta dito, kakatext ko palang" nakangiting sabi ni ma'am

" O siya iha sa susunod nalang"

"Ma'am Elizabeth! wait lang po! "
Huli na dahil pumasok na si ma'am Elizabeth sa kotse at pinaharurot na ang sasakyan palayo

"Ottoke?" ano ng gagawin ko?

~•~•~

Ottoke is A Korean language meaning what should i do?

Lots of love!💓















The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon