Kirsten Osomo
Dalawang raw na ang nakakalipas ng mangyari yun, hindi parin ako tumatawag kay ma'am Elizabeth kasi hindi pa nag sisink ang lahat ng nangyayari sa utak ko.
Anyway nasa bahay ako ngayon dahil Sabado na, nakahiga ako ngayon sa matigas kong higaan at nag iisip kung papayag ba ako o hindi.
"Arrhghh! Anong gagawin ko?!?" naiinis na tanong ko sa sarili ko.
Mahilig nga akong tumulong sa iba kaso.... Mag pakasal? grabe naman parang mga nababasa ko na story.
Habang sinasabunotan ko ang sarili ko sa inis biglang may kumatok sa pinto.
Hindi ko ito pinansin dahil maraming nag praprank sa bahay ko pero mas lalong lumakas ang katok kaya napatayo ako sa inis.
"Eto na! Hindi ba marunong mag intay?!?" naiinis kong sigaw
Pag bukas ko ng pinto bumungad sakin si mary
"Ate.."
"Ohh bakit Mary? May problema ba?" base sa tono niya may problema nga.
"Kasi ate si ma-"
"Pasok ka muna don tayo mag usap sa loob" tumango nalang siya
Pumasok siya at pumunta sa sala para ma upo.
"Ano bang problema?"
Si mary ay anak ni tita rita isa sa kamag anak ko, kahit hindi ako inampon ni tita dinadalaw dalaw parin niya ko at laging dinadalhan ng pagkain hindi niya ko inampon dahil mahirap lang siya at may binubuhay pa siyang mga anak. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanya kasi para ko narin siyang nanay.
Panganay si Mary sa tatlong mag kakapatid.
Hindi niya ko sinagot, nanatiling nakasara ang kanyang bibig.
"Mary ano ba kasing problema? "
" Si mama, ate na-nasa ospital si Mama ate eh" tuluyan na ngang umiyak si mary sa harapan ko nanatili parin akong nakatayo dahil sa narinig ko.
"A-ano? Ang healthy pa ni tita ng huling bisita pa niya dito ah? Bakit? Anong nangyari? " niyugyog ko ang balikat ni mary dahil sa kaba at takot.
"Hindi ko alam ate bigla nalang siyang nahimatay ng graduation ko! Ate anong gagawin ko?!?" maiyak iyak na sabi ni mary.
Niyakap ko nalang siya para patahin siya.
"Saang hospital siya dinala?" tanong ko
"Sa St. Martin hospital ate"
"Huh?!? Bakit don?!?" private na hospital ang hospital nayon kaya mahal ang bayad don may balita nga na nag pagamot lang yung lalaking nabali ang buto pag kakuha niya ng Bill biglang nacomatose yung pasyente eh!
"Pano yan?" bulong ko
Ba't ang malas ko ngayon?
Author naman eh! Akala ko ba romance 'to?3rd person's pov
Huminto ang sinasakyang trycle ni Kirsten at Mary sa harap ng St. Martin ospital.
Bumaba na ng trycyle sila Mary at Kirsten at pumunta na sa entrance
Pag pasok nila puro bisita na ang bumungad sa kanila.
"Puro mayayaman" sabi ng dalaga sa kanyang isip. Totoo naman ang sinabi nito kahit ospital ito ang gara ng mga decorations na nakapaligid dito. Pati narin ang mga suot ng bisita parang pupunta ng Mall dahil sa magagarang suot ng mga ito.
Pumunta na ang dalawa sa lobby para mag tanong kung anong room number ang bibisitahin nila.
"Room 34 sa second floor" magalang na sabi ng babae sa dalawa, nag thank You naman sila dito.
Kirsten Osomo
Sumunod ako kay mary dahil hindi ko naman alam ang pasikot sikot sa lugar na 'to.
"Ay pusang kabayo!" napasigaw ako ng biglang bumukas yung elevator automatic ba 'to?
"Ate chill ka lang hahahaha" natatawang sabi ni mary.
Pumasok na kami sa loob ng elevator.
Malapit na kaming maka akyat ng second floor.
Nag ring bigla yung elevator at bumukas bigla 'to grabe nakakagulat!
Pumunta na kami sa room number kung saan nag papahinga si tita.
Pumasok na kami at bumungad sakin si tita na tulog na tulog ang daming nakakabit Kay tita!
Nandito rin pala si Cyrus na pangalawa sa Mag kapatid at ang bunsong si meil.
"Musta si tita?" tanong ko sa dalawa
"Ok lang teh" malungkot na sagot ni cyrus high school palang tong babaitang 'to kaya sure akong naapektohan siya ng sobra.
"Ok lang yan gagaling din si tita" pag aalo ko sa dalawa.
Sana nga
Nag kwekwentohan kami ng biglang May pumasok na lalaking naka coat siya ata yung doctor .
"Doc kamusta na po si tita?"
"Your ms. Osomo right?" englisero ang putek!
"Ahh yes.."
"Then please follow me"
Lumabas yung doctor kaya sumunod ako bago yun tinignan ko muna sila at nginitian para sabihin ok lang yan.
Nasa likod lang ako ni doc mga 5 minutes ata bago kami makapunta sa office nito, pumasok kami sa loob.
White lahat tas may desk at upuan marami ring mga nakasabit na papel siguro awards ng ospital?
Anyway dumiretso si doc sa kanyang upuan hanggang ako nakatayo parin
"Please have a seat" umupo nako, hay pagod.
Tatanong ko na ang gusto kong itanong kanina pa.
"Doc magaling na po ba si tita wala naman siyang sakit diba?" malay mo nahimatay lang si tita dahil sa init
"I'm sorry to say but may sakit sa puso ang tita mo ms. Osomo " straight To the point!
Napako ako sa inuupuan ko dahil sa sinabi ni Doc
"Sa-sakit sa puso?!?" siguro nag kamali lang ng sabi si Doc oo tama mali lang sinabi ni doc.
"Yes sakit sa puso" ang manhid mo kasi Kirsten eh nasaktan ka Tuloy! napapikit nalang ako dahil sa narinig ko.
Anong mangyayari Kay tita? Gagaling siya diba?
"Ooperahan niyo lang naman po siya diba doc para gumaling siya?" please please!
"Yes kasi malala na ang kalagayan ng pasyente kaya kailangan niya ng heart transplant..... But You need a big amount of money so we can do the operation as soon as possible ms. Osomo" bumagsak ang balikat ko dahil sa narinig ko.
"Ma-mag kano po ba doc?" ok ang sama ng kutob ko dito baka mahimatay ako nito!
"1 million ms. Osomo"
"1 million ms. Osomo"
"1 million ms. Osomo"
Omy gracious!
At tuluyan na nga akong nahimatay sa gulat.
~•~•

BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
General Fiction"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...