Chapter 22

69 0 0
                                        


"Oh pag kain ba yang dala mo?" napatingin siya sa buhat buhat ko. Kung pwede lang akong tumawa sa sitwasyon na 'to eh.

Hindi ko siya pinansin at dali daling pumunta ng sala, nilapag ko siya sa sofa at kumuha ng medical Kit.

Nilinis ko ang sugat niya kaya gumalaw siya ng kaunti. Nasagaan ata to. Pagkatapos ng iba ko pang ginawa ay nilagyan ko na siya ng bandage.

Baka nawawala siya?

"Saan mo napulot yan?" nagulat ako nang nasa tabi ko na si shawn.

"Pauwi na ako ng makita ko siya"

---

Sabado at okey na si puppy, pag gising niya ay bigla siyang tumahol kaya parehas kaming umakyat ni shawn sa isa pang pangisahan na sofa.

"Oy Mag karabies pa tayo niyan" naiinis niyang sabi.

"Malay ko bang genyan siya mag thank you" angil siya ng angil kaya napangiwi si shawn.

"Pag gumaling yan itapon mo na ulit sa kalsada"

"Hala ayoko nga! K9 kaya yan! Mga partner ng mga pulis!" sinearch ko si puppy sa google kasi hindi ko alam Kung anong tawag sa kaniya.

"Ano naman Kung K9 yan? Mabaho shit niyan eh kasing shit ng name mo osomo" nabatukan ko tuloy siya ng wala sa oras.

"Ganda ganda ng pangalan ko eh"

"Tsk tapon mo pa rin yan"

"Nakuu takot kalang eh, diba takot ka? Amininnn" pajoke kong saad, namutla siya bigla kaya napatawa ako.

"Ahahha omg takot ka sa aso? Tsk tsk hindi ko inaasahan 'yun ah" umirap siya kaya umirap din ako,  mag irapan tayo Gusto mo?

Unti unti ko ng nalalaman ang ibang gusto o gusto ni shawn kaya natuwa ako sa kaloob looban ko.

Sa sobrang tuwa  na itulak ko siya kaya ayun sapol sa lapag.

"Aray! Putangina!"

"BWAHAHAHHAHHA BUTI NGA!"
---

"Kain na Puppy" nanggigil na tumingin siya sa akin hindi manlang nagalaw ang pagkain na binigay ko sa kaniya kanina jutko anong gagawin ko sa'yo.

Kulay light brown ang apat na paa ni puppy the rest ay itim maliban sa tenga nito na light brown din.

"Oo nga pala! Hindi pa kita nabibigyan ng pangalan!"

"Wag na itatapon mo naman din yan" nag salita ang kupal na prenteng nakaupo sa sofa.

"Baka nga" ano kaya pwedeng ipangalan sa kaniya?

"Ahh! Happy? " hindi man Lang sa kumibo kaya nag isip pa ako.

"Opposite ng ugaliniya?"

"Oo nga noh"

"Hmmm? Henry? Hershey? Helly? Haley? "

"Tungsten?" nakisali narin si Shawn pero wa epek, no emotion parin ang aso niyo, parang una kong kita Kay Shawn.

"Manganese? Magnesium? Magnum? Magnus? Mather? Momo? Meme? Mimi? Mana? Maddy? "

"Bwahahahaha!" hindi ko mapigilang tumawa dahil sa iritasyon na nakikita ko sa mukha ni Shawn!

May ideyang pumasok sa isip ko kaya tumigil ako sa pay tawa"Ah ah!  Alam ko na!" kuminang ang mata ko dahil sa naisip ko

"Sha-shawki! Shawki! Hi shawki!" kumaway pa ako sa kaniya, natuwa ako ng biglang nag wiggle yung buntot ni shawki.

"Ang panget naman ng pangalan" binigyan ko siya ng plastik na ngiti.

"Sira ka ba pangalan nating dalawa 'yun, shaw para kay shawn Ki para kay Kirsten! Oh diba ang galing ko!" proud kong sagot.

"Edi Wow  tatapon mo din naman yan"

"Ikaw kaya itapon ko sa labas?"

"Geh subukan mo"

Lumapit ako sa kaniya at hinila ang dalawa niyang kamay "Anng bigat mo! Daig mo pa boobs ng sumo wrestler!" ang tamad kasing tumayo eh.

Ngumisi siya siya na ikinabigla ko, pantay at puti ang ngipin niya "Geh lang kaya mo yan"  napapatayo ko siya pero bumabagsak din siya dahil na bibitawan ko siya sa sobrang hirap. Hinatak ko ulit ang kamay niya pero bigla akong napatili ng bigla akong nahulog sa kaniya.

Hindi yung hulog-hulog as in literal akong nahulog! Napapikit ako nang sinalo niya . Bale nakaupo ako sa lap niya....

Minulat ko ang mata ko at unang tumabad sa akin ang asul niyang mga mata. Hay nahulog ako kanina ngayon naman para akong nalulunod sa titig niya.

Hindi mo talaga mapapansin na asul ang mata niya sa malayuan para kasing mata ng itim na pusa ang mata nito pagmalayuan eh.

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari, walang nag salita sa amin. Tanging pag nguya lang ng pag kain ni shawki ang naririnig ko.

"Alam mo mas mabigat ka pa sa akin" ngisi niya kapa napa tayo kaagad ako at inayos ang damit kong medyo lukot.

"Ikaw! Hinila mo ako no?" duro ko sa kaniya.

"Hindi kaya" tumalikod ako sa kaniya at nag simulang pumanta sa kusina para uminom ng tubig.

Sige lang heart kalma ka lang masyado kang excited.

Pangatlong araw na ni shawki sa amin at nakakaadjust na rin siya sa surroundings niya, balak ko siyang dalhin sa veterinarian para ipainject pero balak lang 'yun dahil wala naman akong pera.

Maliit pa si shawki kaya feeling ko 9 months pa lang siya o kaya 1 year?

Gusto ko din lumabas para makalabas din si shawn pero paano si shawki?  Iiwan ko mag isa?

Eh hindi pa nga siya sanay sa bahay eh.

Nakahilata si shawn sa sofa kaya malaya ko na naman tignan ang mukha niya.

Kahit mukhang weird si shawn dahil sa buhok niya na laging tinatago ang Mata niya para sa akin gwapo si shawn.

Masyadong maputi napasyado ata sa gluta, joke napahiya ata ako sa kutis ko. Mapupulang labi na ikinaiinggitan ng mga babae.  Matangos na ilong, Strong jaw din ang peg. At higit sa lahat ang buhok niya, buhok na kulang nalang ay gupitin ko at idonate para dumami ang meron ng buhok niya.

Napabungtong hininga ako at hinimas ang buhok niya. Wala naman masama Kung hahawakan ko di ba?

Napansin ko na katabi niyang matulog si shawki kaya napatakip ako ng bibig, jusko ano kaya ang reaksiyon ng lalaking ito pag nagising?

Paano din ito na kaakyat?  Nag hanap siguro ng paraan.

Hays asan ba ang cell phone  para makunan. Sa susunod nga makabili ng cellphone para maganda naman ang camera ko.

Ang cute nilang tignan.

Masyado akong masaya nitong mga nakaraan na araw . Simula nang lumipat ako sa bahay na ito, nag bago ang tahimik at boring kong buhay.

Dahil sa kaniya.

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon