"Ang sarap mag swimming!" sigaw ko sa araw na kanina pa ako tinutusta, kawawa naman yung mga bulaklak hindi nadidiligan, dapat di nalang siya nag tanim nito sa bakuran Kung di naman niya aalagaan!
Kinuha ko ang hose na nakakabit sa gripo at binuksan ito, malakas ang tubig kahit nasa mataas kaming lugar, kaya easy lang!
Tinapat ko na ito sa mga bulaklak, yan save nakayo! Ang gaganda nila, ang alam kulang sa mga bulaklak dito at sunflower eh saka rosas, expert dito si Mama eh, hm bisitahin ko kaya sila? Kaso ang layo ng libingan nila eh sa susunod nalang, gusto ko din isama si shawn para mapakilala ko siya.
Kala ko talaga haunted itong bahay na to eh, ang creepy kasi pero pag pumasok kana dun muna makikita ang kagandahan ng pag kakagawa ika nga nila don't judge the book by its cover.
Buti nalang pala binuksan ko yung pinto sa sala, kundi wala ako dito ngayon nag didilig.
Nilibot ko ulit ang paningin ko ulit may bench pa sa gilid na pinalilibutan ng halaman wah, ang cute talaga!
Hmm kahit dalawang araw lang ang lumipas namiss ko kaagad si mika, kinalimutan ko narin ang aksidente sa Mall.
Hay namiss ko na yung pagkain sa labas fish ball, kikiam, hotdog, barbeque, shake shake at iba pa huhuh.
Ay erase erase! Baka biglang kumidlat ang loob ng tiyan ko magutom pa ako ng wala sa oras.
Pumasok na ako at nakita ko si shawn na nakahiga sa sofa nakapikit ang mga mata, ang laptop niya ay nakalagay sa maliit na table sa harap niya.
Nakatulog siguro 'to kaka laptop.
Lumapit ako at tinignan ang makinis niyang mukha na Iinsecure tuloy ako, natatakpan ng bangs niya ang pilik mata niyang mahaba dinaig yung pilik mata ng beauty queen saamin! Tas nakakunot ang noo niya at mag kasalubong ang kilay na para bang may iniisip ito hm ang cute niya.
Parang ang sarap hawakan ng buhok niyang kulay itim daig pa yung mga artista sa commercial
Ay! Puri ka ng puri Kirsten! Anyway siguro lagyan ko na siya ng kumot.
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha ang spare kong kumot dun.Pag katapos non bumalik ako sa sala at mahimbing parin ang tulog niya kaya maingat ko siyang kinomutan tumingin naman ako sa lap top niyang nakabukas patayin ko kaya? Kaso hindi ako marunong baka may mapindot ako, katulad din kaya ito sa computer? Parehas lang sila diba? Tinignan ko ang screen ng laptop at nahilo ako sa sobrang dami ng letters ano bayan sakit sa ulo exit ko kaya?
Hindi pa ako nakakahawak nito kaya nalilito ako mukha namang parehas sila ng computer kaya itratry ko at viola! Naexit!
Ang ganda naman ng wallpaper niya, back ground nito ay bagong graduate ang mga binata at dalaga, nasa kanan yung mga babae at nasa kaliwa yung mga lalaki may tatlong babae saka apat na lalaki lahat sila nakangiti sa kamera tinignan ko isa isa ang mga mukha, ang gaganda't gwapo naman ng mga ito may mataray ang tingin saka babaeng may mahabang buhok mukhang mahinhin yung isa naman ay mukhang masayahin sa sobrang laki ng ngiti teka san ko nga ulit nakita yung dalawa?
Ay bahala na nga tinignan ko naman yung nasa dulo yung nasa dulo ay mukhang tahimik na lalaki pero gwapo, ang blonde na buhok nito ay kapag tumapat sa araw eh baka mapahawak ka sa mata mo, yung katabi naman nito ay isang lalaking may malaking ngiti at naka peace sign cute siya.
Huminto ang tingin ko sa lalaking may ngisi sa labi, ang itim na buhok nito ay hindi mo talaga mapapansin sa sobrang itim pag gabi na, matangkad at may maputing balat maganda ang hubog ng katawan may abs siguro 'to?, ang ngiti ay nakalaglag ng panty, Greek god ang peg pero ang kaniyang kamay ay naka akbay dun sa balikat ng mahinhin na babae, ay taken? Sayang! Kala ko playboy!
Pero ang pinag tataka ko kung nasan si shawn? I mean malay mo nandito siya diba kasi wall paper niya 'to tsaka feeling ko nakita ko na yung- ay erase erase! Mag luluto muna ako.
Iniwan ko nalang naka bukas yung laptop at pumunta na sa kusina.
Arghh ang sakit sa ulo mag isip ng ulam!
"Oh gising kana pala"
Kinukusot ni shawn ang kaniyang mata kahit na naaantok pa siya, tumingin muna siya sa paligid saka niya binaling ang tingin sakin, kahit talaga kelan hindi ako mag sasawa na tumingin sa mata niyang kulay asul na lagi akong pinakakalma.
"Paano ako napunta dito?...." mahina niyang bulong pero narinig ko.
"Hindi mo ba maalala?" takang tanong ko.
"Mag tatanong ba ako Kung matatandaan ko psh." tse! tinatanong ko lang naman.
Nakapikit ang mata niya pero dumilat ulit ito dahil nag salita ako.
"Hoy...." ang mata niya ay parang nag sasalita na ituloy ko ang sasabihin ko.
"Kase.. Alam na-natin na arranged marriage tong nangyari sa'tin at alam naman natin na hindi natin mahal ang isa't isa kaya pwede friends na tayo? Tsaka hindi naman ako mukhang asawa eh parang katulong lang ako dito hehehe" hininaan ko ang huling sinabi ko para hindi niya marinig, totoo naman yung sinabi ko eh
Pumikit siya at parang nag iisip Kung ano ang isasagot niya
"Bahala ka"
Lumiwang ang mukha ko kahit yun ang sagot niya atlis hindi ang matigas niyang "no"
"Halika na shawn kumain na tayo alam kong nagugutom ka na kakatulog" nakita ko siyang umirap kaya hindi ko maiwasang matawa bakla talaga 'to eh.
Nasa harap ako ng lababo nag lilinis ng plato namin ni shawn.
"Soo shawni kakilala mo ba yung nasa wallpaer sa laptop mo?"
Tuminigin sakin si shawn at nag salita
"Mga kaklase ko sila ng high school""Hmmmm.." napatango nalang ako sa sinabi niya.
"Kung ganon asan ka don sa litrato? Para bang nag aalangan siyang sabihin sakin.
"Na-" hindi na siya natapos magsalita ng nakakuha ako ng ideya.
"Ah! Wait alam ko na kung nasan, wag munang isipin" alam ko na Kung nasan siya! Galing ko talaga!
Siya yung taga kuha ng picture!
"Tsk tinanong tanong mo eh" may binulong siya ma hindi ko marinig, creepy mo!
Nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko kaya humarap ako.
Shet! Muntik na! Ang lapit ng mukha ni shawn sa akin kaya napalunok ako ng madiin, nakikita ko yung mata niya ang ganda talaga kahit ilang beses mo siyang nakikita, hindi nakakasawa.
Umusod ako ng kaunti para hindi dumikit ang katawan ko sa kaniya, kaso dikit na dikit na ako sa lababo kaya wa epek! anobayam bakit kasi siya nandiyan!
Napansin ko na may nalagay siya sa lababo kaya tumingin ako dun, yung Plato lang pala niya.
Umalis na siya sa likod kaya napahinga ako ng malalim.
God answer me! Anyare?

BINABASA MO ANG
The Loner's Wife
Ficção Geral"The moment you enter my-our house this is where our story begin" ~•~•~ What if two different people with two different personalities meet? A handsome loner who never likes to socialize and a simple girl who is poor but like to help people ? Ano k...