Chapter 16

22 1 0
                                        

" *Plank* "

"Lagot...." inipit ko ang ilang hibla ng buhok sa tenga ko at lumuhod

Nahulog ko kasi yung Plato sa lapag kaya heto ako ngayon pinupulot kahit na sugatan ako.

"Aray... " hinawakan ko ang puson ko, ang sakit kasi eh,  red days ko kasi ngayon, plus nahihilo pa ako.

---

"Kain na shawn" pinilit kong ngumiti sa kaniya, nag simula na siyang kumain, at eto ako hawak hawak ang ulo ko at minasahe ito hay bwiset!

Sumubo ako ng isa at napaduwal
Ano ba 'to? Ang pait! Nakalimutan ko lagyan ng asin! Kinuha ko ang pagkain ni shawn at nakitang konti nalang ang natira "Grabe ka shawn dapat sinabi mo na mapait hindi yung tahimik ka diyan" saway ko

"Masarap naman ah" mapait masarap? Kakaiba talaga taste nitong isang 'to

Umiling iling nalang ako at binigay nalang sa kaniya ang plato ko.

Tumingin siya sa sugat ko at nag salita "Saan mo nakuha yan?"

"Eto? nahulog ko kasi yung plato kanina kaya pinulot ko"

Nilagay ko na yung plato namin sa Laban at sinimulang hugasan 'to.

"Ano yang nasa damit mo" tinuro niya kung saan.

"Ang alin?" tinignan ko ito at shet! Dugo!

"Whaa!!" pumunta kaagad ako sa kwarto ko at nagsimulang palitan ito anobayan! Ang lakas!

Hay nahihilo parin ako gusto kong uminom ng gamot kaso bawal, hindi dapat ako basta inom ng inom ng gamot na walang reseta ng doctor.

Hindi na lang ako lumabas ng kwarto, gusto ko itulog ito para kahit papano ay maibsan tong sakit na nararamdaman ko.

"Tsk kawawang bata"

"Hoy mare sino mag aampon diyan di ako pwede!"

"Shhh wag kang maingay baka marinig ka niya hindi rin ako pwede sagabal yan sa plano ko nga pala, asan yung iniwang pera niyan?"

"Meron ba? Wala nga silang makain eh pera pa kaya?"

"Ay oo nga noh? "

"Di ko nga alam eh basta pag nakita natin mag hati tayo ha"

"Ibigay nalang yan sa amponan wala namang silbi yan eh"

"Sabing hinaan ang boses eh!"

"Napakatanga kasi ni ate eh sumama parin siya dun sa lalaki at ang masama nag bunga ang pinagsamahan nila, mahirap na nga tayo eh nag pakasal pa sa mahirap tsk"

Grabe naman kahit hinaan nila ang boses nilang matitinis ay maririnig ko parin sila, pano ba naman nasa likod ko sila nag uusap kong paano ako ilalagay sa amponan.

Tumingin nalang ako sa harap ko at tinitigan ang litrato ng inay at itay ko.

Hindi ko kailangan nang pera dahil ngiti lang nila, nasasayahan na ako, pero paano 'to?  Mag isa nalang ako?

Tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan, kirsten magpatatag ka! pag nakita ka nila baka pag tawanan kalang nila.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko, nakita ko si tita rita na malumay na nakangiti sa akin,  maliban sa dalawa, siya ang pangatlo sa pinagkakatiwalaan ko.

"Ha...ha.....ha......" hingal na hingal akong bumangon at hinawakan ang dibdib ko.

Tumayo ako at humarap sa salamin , basang basa ako ng pawis dahil narin sa panaginip ko.

Tinignan ko ang oras sa cell phone ko at mag hahapon napala ang haba pala ng tulog ko.

Naghugas muna ako ng mukha at tinali ang buhok kong hanggang bewang, ewan ko ba ung bakit ayaw kong gupitin 'to sayang kasi eh natural na may highlight na brown ang buhok ko sa Baba kaya sayang kung gugupitin diba?

Lumabas ako at nadatnan si shawn na mukhang may kausap, halata sa mukha nito ang stress at inis, bakit naman siya mastretress eh wala naman siyang ginagawa sa bahay? pero malay mo may trabaho talaga siya?

Binaba niya ito at lumapit ako sa Kanya na walang ingay gugulatin ko sana siya ng bigla siyang nag salita

"Fuck..." napintag nanaman ang tenga ko dahil sa sinabi niya fa-fack You daw!?! Kanino? Sakin?

Naginit bigla ang ulo ko "Baliw ka shawn!" mukhang hindi nagulat sakin si shawn nang ginulat ko siya halata sa mata niya ang stress at ang eyebugs niya na mukhang walang tulog, nakaside way kasi yung bangs niya ngayon  kaya nakikita ko.

"Oh problems mo shawn?" umupo ako sa tabi niya at binuksan ang TV gamit ang remote na nasa Mesa.

Umiling siya at bigla akong namula dahil sa ginawa niya.

Paano ba naman eh bigla niyang hiniga ang ulo niya sa hita ko at nakapikit na siya, kasing pula ng kamatis ang mukha ko

Niyugyog ko siya kasi mukha siyang natutulog "O-oy shawn ok kalang?"

Humikab siya at tumingin nang diretso sa mata ko

"Just..... let me sleep..." hindi ko alam pero tumango tango nalang ako, tinuon ko ang mata ko sa palabas para mawala ang atensyon ko sa kaniya ma mukhang tulog na.

Maririnig kaya niya? Ang lakas kasi ng tibok ng puso ko na parang sasabog , easy kalang heart! Meron ako ngayon!

Tumingin ako sa maamo niyang mukha walang kapores pores daig pa ako!

Gusto kong hawakan ang buhok niya kaya dahan dahan ko itong hinawakan, ang lambot! para akong nakakita ng pagkain dahil sa pag kahanga ko, ewan ko ba kung ano ano ang ini isip ko.

Bigla siyang umungol kaya natakot ako na magising siya

"Cute mo...." napabungisngis ako hindi naman niya maririnig eh

" *Yawnn* kaantok" kakatulog ko lang kanina eh, nakakahawa talaga tong isang 'to

At pag katapos non ay nakatulog ako hawak-hawak ang ulo ni shawn

Mag iisip nanaman ako kung ano ang ulam na mailuluto mamaya. Gento ba talaga pag may asawa na?

~~~

Hindi ako magaling sa mga kilig-kilig moments kasi hindi ko naman naranasan yan, lol potato forever ako.

Anyway gagawin ko ang best ko kaya, thanks sa mga nag babasa!

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon