Chapter 10

35 6 8
                                        

Lumabas ako ng banyo ng naka tapis, dumiretso ako sa cabinet na nag lalaman ng damit ko pumili ako ng puting t shirt  at isang denim pants, tinali ko ang basang buhok ko tsaka sinabit sa balikat ang sling bag ko, nag lagay lang ako ng lip balm saka nang pulbos

Tinignan ko sa salamin Kung okey na ang ayos ko at oo naman

Lumabas na ko ng kwarto at pumunta na sa kwarto ni shawn

Aalis kasi ako papuntang ospital para bisitahin si tita pag katapos non Mag kikita kami ni mika

Kumatok ako ng tatlong beses binuksan namin ito ni Shawn, pinupunasan ni shawn ang basa niyang buhok habang nakatingin sakin, ang ho-

Eto ka nanaman Kirsten! Mukhang bagong ligo ata 'to

"Problema mo?" tanong niya sakin

"Pupunta kasi ako kay tita para bisitahin siya "

Tumango tango lang siya yun na yun? Parang gusto ko pa siyang kausapin sasarado na sana niya ang pinto ng hinarang ko ng paa ko sa pinto bago sumara napa tingin naman siya sakin nang nag tatanong . Anong ginagawa ko? Tinanggal ko na ang nakaharang kong paa "Uhmm.. Gusto mo ba sumama?" di ko alam Kung sino ang nag tulak sakin na sabihin yon

Pero sana naman san- "Busy ako" saka niya sinara yung pinto bumagsak ang mga balikat ko dahil sa sinabi niya grabe naman kala ko oo na eh expectation nga naman, napahawak ako sa dibdib ko habang nag lalakad palayo

Bakit ang sakit? May sakit narin ba ako sa puso?

Nasa restaurant ako na malapit lapit sa ospital ni tita kakatapos ko lang siya bisitahin nag kwentuhan lang kami pero hindi ko sinabi sa kaniya na kasal na'ko baka mahimatay ulit yon

Umiinom ako ng tubig habang hinihintay ko si mika, dito kasi kami mag kikita habang hinihintay ko siya iniisip ko parin yong nangyari kanina
"Busy ako" naiinis ako pag naalala ko yun busy siya? Sige pag di ako nag luto at tinanong niya ko Kung bakit sasagutin ko din siya ng "Busy ako" bwiset siya! Kala mo Kung sino pero tinatanong ko sa sarili ko Kung bakit nag dradrama ako dahil sa nangyari I mean ano namang problema Kung hindi siya sumama diba? Ako lang talaga ang oa

"Beshy!" medyo may kalayuan na sigaw nito tumingin ako sa likod ko at nakita kong nandon si mika kumakaway siya sakin malayo kasi ang inuupuan ko at nandon siya sa pinaka unahan, kumaway naman ako lumapit siya sakin ng mapansin kong may sumusunod sa kaniyang tatlong lalaki

Tuluyan na nga silang lumapit sakin
"Boy friend mo?" tanong ko kaagad kay mika habang nakaturo sa isang lalaki

"Grabe ka! Yan kaagad tatanong mo sakin? Hindi ba pwedeng namiss kita, o kaya Long time no see musta na?" napairap Nalang ako sa ere  talaga tong babaitang 'to

"Musta na beshy! Sino yang mga kasama mo?" turo ko sa isa sa kanila may itsura naman yung isa may blonde na buhok na may cute na ngiti at mukhang cheery type at may katangkaran din at yung isa naman mukhang playboy na ewan sa buhok na kaspikes ang itsura at madaming earrings na nakalagay sa tenga at sa damit na lahat ay puro itim ang kulay kala mo Kung saan pupunta at yung isa naman mukhang ordinary naman naka plain white na t shirts at jeans

"Eto" tinuro niya yung lalaking cute
"Eto si Mark" ngumiti naman siya labas ang dimples niya ngumiti rin ako

"Eto naman si ash" turo niya dun sa naka earrings nginitian niya ko ng bonggang bongga ngumiti lang ako ng pormal

"And last si Kiel boyfriend ko" ngiting ngiti na wika ni jon sa huling lalaki natawa na lang ako bagay sila

"Hello ako si Kirsten Osomo nice To meet you" nag pakilala ako sa kanila

Nag Hello din sila at nag simulang umupo bale kaharap ko si mika at  kiel katabi ko naman yung dalawa nasa kanan ko si mark at nasa kaliwa ko naman si ash di ko alam Kung pano ako napunta sa pwesto nato nag kibit balikat nalang ako

Nag simulang na kaming kumain habang nag kwekwentuhan, mga kaklase pala ni mika yung tatlo sa college na pinag aaraalan niya hindi ko ba na sabi na mas bata sakin si Mika ng dalawang taon? Napag kakamalan siyang mas matanda sakin dahil sa pag kamature niya. Nag kwekwento lang sila habang ako ay tahimik Lang, pinag uusapan kasi nila yung mga napag aralan nila kaya hindi ako maka relate ng biglang mag tanong yung may earrings

"Sooo may boyfriend kana ba Kirsten? " tanong sakin ni ash

Tumigil ako dahil sa tanong niya
"Uhmm.. Wala.. " asawa meron dagdag ko sana

"Sayang naman! Ganda mo sana" sabi naman ni mark

"Ikaw mark haa sabihin kita sa girl friend mo eh" natatawang wika ni mika

"Ahaha i mean may itsura ka naman Kirsten eh ba't wala kang boy friend hahaha"

Natawa kaming lahat dahil sa pinakitang itsura ni mark

Ng napansin ko si ash mukhang nasayahan siya sa sinabi ko dahil ngumiti nanaman siya ng bongga, weird.

Alas kwatro na ng hapon ng matapos kami kakakwentuhan kahit papano nakakarelate ako akala ko panaman kaming dalawa lang  ni mika, unang umalis si Mark dahil hinahanp na siya ng girl friend niya daw at ako naman ay nag paalam narin para maka uwi na, lumabas na ako ng restaurant ng biglang may tumawag sakin

"Kirsten! Saglit lang!" tumingin ako sa likod ko at nakita ko si ash

"Bakit?" tanong ko may kinuha siya sa bulsa niya at lumabas don ang panyo ko, ang panyo ko!

"Naiwan mo" nag pasalamat ako sa kaniya mabait naman pala siya eh siguro guni guni ko lang yung naramdaman ko

Mag papaalam na sana ako para umalis ng biglang niyang hinawakan yung braso ko

"Gusto mo hatid na kita?" alok niya, tinanggal ko ng dahan dahan   ang braso ko sa pang hahawak niya, that's rude hindi ko naman siya lubusan na kilala Kung makahawak parang Mag kakilala na kami ng ilang taon.

"Hindi na nakakahiya naman eh wag na malapit lang naman dito yung bahay ko eh" pag tatanggi ko kahit hindi naman totoo na malapit lang ang bahay ko

"Sige na hatid na kita delikado diyan sa daan oh gabi panaman" alok niya ulit Kung sa ibang babae they find it sweet sakin hindi eh hindi naman sa nag aano ako sadyang hindi ko lang siya lubusang kilala saka sabi ko nga natatakot ako sa itsura niya at Kung paano siya tumi tingin sakin kanina habang nag kwekwentuhn kami.

Ang kulit naman niya mag sasalita pa sana ako ng biglang may paparating na jeep lucky!  Nag sorry ulit ako sa kaniya at nag paalam na sumakay sa jeep sakto huminto sa harap ko!

Pag pasok ko nag bayad nako at tumingin sa labas para aliwin ang sarili ko

Grabe nakakapagod

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon