Chapter 15

21 1 0
                                        

"Please sige na shawn labas tayo" hinila hila ko pa yung kamay niya pero wa epek hindi manlang gumagalaw.

Simula ng nangyari nang isang araw nakakausap ko na si shawn kahit minsan niya lang akong pansinin, friends kami kaya dapat nag mamabutihan kami, eh kaso parang walang balak na kausapin ako eh.

"Sige na shawni! Ano bayang ginagawa mo?" binigayan ko siya ng nickname, nainis nga siya kase ang girly daw pero wala akong pake hah! Feeling close ang lola niyo!

Kanina pa siya type ng type sa laptop niya kaya hindi ko maiwasan tumingin. Arghh! Ang sakit sa mata ang daming letra!

"Para saan bayan ? Nag aaral kaparin ba?" wala akong maisip na dahilan. Pwede ding trabaho niya kaso like hello!? Lagi siyang nasa bahay kaya dapat tanggal na siya! Maliban na lang Kung siya boss diba?

Ahh! Nilagay ko ang kamao ko sa kaliwa kong kamay , alam ko na!

"Writer ka 'no!?!" hindi ko alam Kung matatawa ako sa reaksyon ni shawn eh

"Saan mo ba nakukuha yang ideyang yan" galit nanaman siya ha!

"Ahh so hindi ka writer?  Ano bayan kala ko naman"

Tahimik na kami pag katapos non, gusto kong lumabas kasama si shawn pero wala talagang balak na gumalaw siya eh! Nagangati na ang kamay ko para makakuha ng fish ball!

"Sige na shawn, maganda sa labas kaya sama kana, lalo na yung mga street foods please..!" nag puppy eyes pa ako.

"Sige na naman shawn ohh eto hawakan mo" hinablot ko ang kamay niya at nilagay ito sa tiyan ko.

Gento lang ang posisyon namin, walang gumagalaw ni isa sa amin.

"An-anong ginagawa mo?!?" nag tataka siyang tumingin sakin.

"Nararamdaman mo ba?" tinanong ko sa kaniya.

"Teka wag mong sabihing buntis ka?" nagulat naman ako dahil sa tanong niya.

Binatukan ko siya dahil sa sinasabi niya.

"Suntok gusto mo? Tinatanong ko Kung nararamadaamn mo ba yung kulob ng tiyan ko na nagcracrave ng pag kain sa labas, talaga 'to Kung ano ano ang pinag iisip" umirap naman siya habang hawak hawak ang  ulong binatukan ko.

"Tsk sabihin mo kasi ng tama"  umikot ang mata ko dahil sa sinabi niya, kulang nalang sabihin niya "Lokoret ka!" napangiwi ako nang maimagine ko, ay bagay sabay ikot ng mata pag ginawa niya.

"Sige na shaaaaaaaawnnn hindi ako mabubuhay pag hindi ako nakakain ng fish ball, kikiam saka palamig" pinikit pikit ko pa ang mata ko para gumanda ang acting ko na parang nanghihina sa harap niya at umiiyak.

"Tsk pwede ka namang lumabas mag isa eh" tumingin naman ako nang masama sa kaniya

"Eh gusto kita isama para makita mo Kung gaano kaganda sa labas tsaka Kung gaano kasarap ang pagkain sa labas" tinaaw taas ko pa ang kamay ko para ilarawan sa kaniya

"Ano ba? Nakalabas na ako no"

"Weh kelan yun?"

"Ng college pa"

Sabagay hindi ko alam Kung anong nangyari sa kaniya para maging isang loner na laging nakakulong sa kwarto.

"May kasama ka ba dito shawni?"

"Yah"

"Sino? Sino?" sino kaya?

"Malamang ikaw alangan namang multo"

"Hindi yung bago pa ako pumunta dito"

"Ayusin mo kasi!" nag peace sign lang ako sa kaniya di ko alam pero ang cute niya pag nagagalit.

"Wala" tipid niyang sagot

"Di kaba nalulungkot?" nag aalala lang ako para sa kaibigan ko, ang Hirap imagine na siya lang dito, nakaharap lagi sa laptop, kimakain mag isa walang kausap whoa hindi ko kaya 'yun!

"Tsk! Dami mong daldal sarap mong sabunutan eh" pairap niyang wika, bakla!

"Kung ayaw mo di lalabas nalang ako mag isa,di kita bibigayan hmp!"
Kinuha ko ang Wallet ko sa kwarto at lumabas nang nakita ko si shawn sa sala ayon naka harap nanaman sa lap top niya grr!

Pumunta ako sa bayan na lagi kong binibilhan simula ng tumira ako kay shawn alam ko narin ang pasikot sikot dito, magaling ako mag alala eh wag lang sa pangalan, mahina ako diyan

"Kuya sampung fish ball nga po saka dalawang palamig tsaka dalawang kikiam"

"Sige maam"

Sinabi ko Kay manong na mamaya na ibigay yung palamig, nang nilagay niya yung pinabibili ko sa kawali kumuha ako ng thong at inikot ikot yun, sarap nag lalaway na ako. Nang okey na nilagay ko ito sa plastik na baso at isa isa nilagay ang binili ko

"Kuya mag Kano?"

"10 pesos yung fish ball tapos sampung piso yung palamig pati po kikiam"

Kinuha ko na ang pera ko sa kalupi  at binigay sa kaniya ang bayad.

"Yum tsarap" pumasok ako sa sala namin habang nguya nguya ang fish ball.

Tinignan ako ni shawn at tumingin siya sa kinakain ko.

"Ano yang hawak mo" turo niya sa hawak ko.

"Fish *nguya" ball gusto mo?"  sinuri niya muna bago kunin, kukunin na sana niya ng inilayo ko ito

"Yaw ko nga!"  umupo ako sa tabi niya tsaka kumain ulit, inirapan niya ko, huh buti nga sayo I win!

Binuksan ko ang TV at nanood, sinulyapan ko ang katabi ko at nakitang busy parin siya sa ginagawa niya.

Tumusok ako ng isa at binigay sa kaniya "Oh gusto mo? Totoo na'to walang halong biro" kukunin niya ulit pero nilayo ko.

"Subuan kita" gusto ko itry yun sa mga pinsan ko kaso ang sinasabi nila matanda na daw sila, kerry na daw nila sarili nila, tinry ko rin Kay mika kaso sabi niya sa boyfriend niya lang yun gagawin, mga palusot!

"Tsk kaya ko kumain mag isa" pikon niyang sabi

"Sige naaa" umirap siya at nag aalinlangan na yumuko para kainin ito, nginguya nguya niya ito at para pa siyang nasarapan kaya binigyan ko ulit siya hihi ang cute niya.

"Oh palamig" ininom niya ito at binigyan ko pa ulit siya ng isa pa hanggang sa isa na lang ang natira, nasa ere na yung fish ball papuntang bibig ko ng bigla itong nawala.

Hala asan na?, tumingin ako sa likod ko at sa baba,  hindi naman na hulog ah?  Tapos tinignan ko ang katabi ko at nakita siyang ngumunguya habang nanonood.

"Luh shawn akin yun eh! bakit mo kinuha!, balik mo!" loko talaga 'to ang mahal kaya isa ng fish ball lima palang ang nakakain ko daya!

"Bili ka nalang"

"Ayaw ko nga lumabas ang init init eh hindi kasi ikaw lumalabas eh!"

Hindi na siya nag salita ulit kaya ngumuso ako, ang fish ball ko!



The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon