Chapter 11

30 4 9
                                        

Kirsten Osomo

Pag pasok ko palang sa mansyon bumungad sakin ang tahimik na lugar tulog na siguro yon? Pumunta ako ng sala at nilagay don ang bag ko tsaka pumunta ng kusina

Narinig ko ang tunog ng kutsara at nakita ko si shawn na mukhang may kinakain lumapit ako sa kaniya

"Hala! Sabi ko shawn wag mong kainin yan eh!" turo turo ko pa ang noodles na kinakain niya arghh hindi ko yan tinapon kasi pag kain parin yan kaya tinago ko nalang pero nakita parin!

"Ito lang meron eh" sagot niya
Dapat pala nag luto ako kanina bago ako umalis

Ng natapos na siya kinuha ko ang mangkok niya at kutsara nilagay ko na ito sa lababo at nag simula nakong hugasan ito at siya naman ay umalis na

Pag katapos ko itong hugasan lumabas na ko ng kusina at nakita ko si shawn na nakaupo sa malaking sofa kaharap ang laptop nito himala? Wala sa kwarto niya, achievement na ba dis?

Binuksan ko ang malaking tv hawak ang remote na tumabi ako kay shawn syempre hindi dikit na dikit half lang hindi ko siya magawang tanungin Kung bakit siya na sa labas baka masira mood eh.

Palipat lipat lang ako ng channel ng biglang tumigil sa channel na favorite ko kdrama, ang tagal ko ding hindi napapanood 'To kaya ng matapos yung commercial lumabas na ang hinihintay ko na legend of the blue sea tumigil ito Kung saan nag kiss na sila ni lee Mon ho at jun ji-hyun

"Kyahh!" hindi ko mapigilang tumili dahil sa nakita ko ang gwapo ni lee Mon ho ! myghad kahit alam kong nakatingin sakin si Shawn tili parin ako ng tili fan girl mode 'to walang makakapigil sakin

Napatingin ako kay Shawn na mukhang sasabog na sa inis dahil sa ginawa ko

"Sorry ehheheh" natatawang kong sabi

Habang nanonood ako nandito parin si shawn na may kung ano anong ginagawa sa Lap top niya siguro nag lalaro 'to? Focus na focus eh

Palabo ng palabo ang paningin ko at tuluyan na nga akong nakatulog dahil narin siguro sa pagod.. Bahala na Kung mamatay ako sa lamig Kung dito ako matutulog

3rd Person's P.O.V

Nakatingin lang ang binata sa dalagang mahimbing na matutulog.

Tumayo siya at nag lakad palayo habang iniisip na "Bahala siya mamatay sa ginaw diyan" sabi niya sa sarili, nakakailang hakbang palang siya ng tumingin ulit siya sa babaeng sarap na sarap sa tulog, napailing siya sa saka kumuha ng kumot at nilagay ito sa dalaga habang kinukumotan niya ito nakatingin lang siya sa mukha ni Kirsten kinuha niya ang unan na malapit kay Kirsten at nilagay ito ng dahan dahan sa gilid ng dalaga at sa baba ng sofa baka kasi mahulog ito

"The fuck?" hindi alam ng lalaki kong ano ang ginagawa niya kaya umalis nalang siya at nag tungo sa kaniyang kwarto, sa pangalawang pag kakataon ay nag salita nanaman siya na may halong inis "Shit! Ano bang ginagawa ko?"

Kirsten Osomo

Napaungol ako sa sarap ng tulog ko tinaas ko ang dalawa kong kamay saka ini stretch ito dahan dahan akong bumagon pero nakapikit parin ang mata ko

Kinapa ko kung saan nakalagay ang alarm clock ko, ng hindi ko ito makapa nag taka ako "Asan na?" tanong ko sa isipan ko. Ina lala ko ang mga nangyari kagabi nanood lang ako ng legend of the blue Sea kasama si shawn pag katapos non nakatulog ako

Tumingin ako sa paligid Kung tama ba yung hinala ko, tama nga! Napatingin ako sa kumot na nakapatong sakin at sa mga unan na nakalagay sa tabi ko wala akong maalalang nag lagay ako ng gento, sino kaya? Impossibleng si shawn ang may gawa nito siguro multo? Napailing nalang ako bahala na nga tumayo na ko at dumiretso sa maids quarter

Lumabas na ako ng banyo na naka tapis at umupo sa kama ko habang pinupunasan ko ang buhok ko tumigin ako dun sa night stand ko kinuha ko ang frame na nakalagay Don at tinignan ang masaya kong mukha kasama ang magulang ko

Mapait akong ngumiti Kung pwede lang sanang bumalik sa panahon na sana pinigilan ko nalang silang umalis at hindi ako mabubuhay mag isa ngayon, miss ko na sila anobayan! Iiyak nanaman ako nito eh!

Nag momoment ako ng biglang nag ring ang cell phone ko, epal naman eh!
Padabog na kinuha ko ito at nag salita

"He-hello?" hindi ko tinignan Kung sino yung tumawag sakin

"Kirsten iha?!? Bakit ka malungkot? May nangyari ba? Sinaktan ka ba ng anak ko?!? Sabihin mo lang susuntukin ko siya! Okey ka lang ba iha?" natawa ako dahil sa sinabi ni ma'am Elizabeth

"Okey lang po ako ma'am hindi rin po ako sinaktan ng anak niyo na nonood po kasi ako ng malungkot na K drama kaya ako malungkoy"

"Ganon ba iha? Kamusta ka naman diyan? masaya ba? hindi kaba nalulungkot? Sorry sa anak ko ha mukha Man niyang mainitin ang ulo alam kong sa loob niyan mabait yan" masaya naman ako kahit papano sa sinabi ni ma'am

"Masaya naman po ako ma'am kahit papaano nakakausap ko si shawn"

"Ganun ba? Kung ganon pwede ba kong bumisita diyan? Gusto ko narin makita ang anak ko at makipag kwentuhan sayo"

"Kung pwede nga lang po kaso baka hindi pumayag si shawn" malungkot kong sagot gusto ki narin makita si ma'am Elizabeth

"Pag pumayag siya pupunta ako Kung hindi, pupunta parin ako hahaha" natawa nalang ako ng mahina

Nag paalam na kami ni ma'am sa isat isa kaya nag bihis narin ako suot ko lang ngayon ay isang T-shirt na maluwang at kulay blue na pajama

Lumabas na ko ng kwarto at pumunta sa kusina para mag luto ng almusal maaga naman akong magising eh
Nag luto lang ako ng hotdog, omelette
At nag timpla nang kape

Nakita kong pumasok si shawn na mukhang bagong gising lang
"Morning" bati ko sa kaniya hindi naman niya ko pinansin

Umupo na siya sa upuan at hinanda ko na ang almusal namin

Habang kumakain kami ay nag tanong nako "Shawn.. Bibisita yung Mama mo pwede daw ba?" tumigil naman sa pag subo si shawn tsaka siya tumingin sakin

Sasagot na sana siya ng maka rinig kami ng busina sa labas

The Loner's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon