" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIX
" Good morning hon." malambing na bati ni Amanda sa kasintahan.
" Mas maganda ka pa sa umaga hon. Maraming salamat naman at nagtungo ka dito kasi ipapatawag na sana kita eh." malambing ding sagot ni Angelo.
Napangiti si Amanda dahil kahit kailan hindi nagkulang ang nobyo niya sa kanya. Lahat ng paraan at ginagawa nito para mapasaya siya kahit sa anumang paraan. Kaya't napag-isip-isip din naman niya na suklian ito ng magmamahal kahit minsan na niya itong niloko.
" Yes hon naalala ko kasi na may lakad tayo. Di ba ngayon iyong appointment natin sa new building sa hospital?" nakangiting sagot niya dito.
This time ang binata naman ang napangiti dahil simula nag-usap at nagkaayos silang muli ng kasintahan ay mas naging malambing ito sa kanya. Damang-dama niya ang pagbabalik ng dati nilang relasyon. Ang punong -puno ng pagmamahalan at lambing ay nagbalik kaya't muli ay naging masigla siyang. God knows how much he love her.
" That's true hon kaya naman ipapatawag na sana kita but since that your here already so let's go?" sagot ng binata.
" Okey hon let's go. It's been a while since we've been in a field work honey." muli ay tugon ng dalaga bago kusang ikinapit ang palad sa palad ng kasintahan.
" I love you honey." bulong ng binata sa nobya.
" I love you more and more honey ko. Let's go bago pa tayo makarating niyan kung saan-saan." nakatawang tugon ni Amanda bago sila tuluyang lumabas ng CEO/ OWNER'S office.
She knew him already kaya't siya na mismo ang umiwas para kahit papaano unahin muna nila ang trabaho kaysa trabaho sa kama! XD!
Hawak kamay silang lumabas sa opisina ng binata. Pinagtitinginan man sila ng mga katrabaho nila pero hindi na iyun pinapakialaman ng dalawa lalo at ang binata ay siyang may-ari at tagapagmana sa kumpanya.
" Ma'am may bisita po kayo. Papasukin ko po ba?" pukaw at tanong ng secretary ni Carrey sa kanya.
" Pakitanong muna kung sino siya at kung ano-----"
" Tsk! Tsk! Ikaw Miss Smith tatandang dalaga ka kapag hindi ka pa umayos diyan." putol ng tinig sa kanyang sinasabi.
Hindi man niya ito lingunin pero alam na alam niya kung sino ito. And no other than her twin brother Jameston Jefferson.
" Aba'y mukhang magkakautang pa ako sa bisita mo ngayon ah. Maka Smith ka wagas bakit itinatakwil mo na ba ang apelyedo mo?" instead ay sagot niya dito na nakataas ang kilay.
" Hay naku masusundan na ang pamangkin mo pero wala ka pa yatang balak mag-asawa ah." mapang-asar pang aniya ni Jameston.
Mula sa pagkasubsob sa trabaho o sa mga documents na pinag-aaralan niya ay pansamantalang binitawan ito ng dalaga saka iniangat ang paningin para lang magulat na hindi nag-iisa ang kambal niya.
" Kitam Miss Smith gulat ka ano? Opo may kasama ako kaya't isantabi mo muna ang mga papel na iyan dahil may kasama ako sa pagdalaw sa iyo." muli ay kantiyaw pa ni Jameston.
Para maitago ang pagkapahiya ay sumimangot si Carrey.
" Tsk! Alam mo kambal kung ano man ang pakay ninyo sa pagpunta dito tell me now dahil sa totoo lang nakakadistorbo na kaya kayo. Your visiting me in an office hour? Where's the justice in like that situation dear twin brother? So speak up now." nakataas ang kilay na nakapamaywang pa na sambit ng dalaga.
BINABASA MO ANG
YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
Художественная прозаDrama on how the main characters will survive from the chaos of life specially when it comes to love.