YOU BRING ME BACK TO LIFE

1.3K 64 14
                                    

" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER  ELEVEN


" I know you iba.  You're  one of the  triplets  of  Oliver the  second. " boses  na  galing sa kanyang  likuran.

Kaya naman napalingon  ng wala sa oras ang dalaga dahil sa narinig. Di  yata't kilala siya nito dahil pati  ang daddy niya'y  kilala nito. At gano'n  na lamang  ang gulat  niya  ng makilala nga ang mag-asawang nasa likuran niya na ngayon  ay  kaharap na niya.

" Good morning po tita, tito  kayo po pala." hiyang -hiya  na aniya ng dalaga saka pasimpleng lumapit sa  baklita niyang kaibigan.

" Ikaw bakla  ha  bakit hindi mo man lang sinabi  na dumating na pala sila. Gusto mo yatang  makurot sa singit eh." bulong niya dito.

Pero dahil magkakaharap naman sila kung tutuusin kaya't hindi ito nakaligtas sa dalawa at narinig nila  ito.

" Don't worry  iha  hindi naman kami galit sa  iyo kunting  bagay lang iyan kumpara  sa pagtulong  mo sa anak namin. Sa  totoo lang kasi ilang buwan ng ganyan siya. Hindi lang sa  ngayon nabugbog  at nadala ng pagamutan dahil sa kapabayaan  sa  sarili." aniya ni Ralph Raven II.

" Maraming salamat anak dahil ikaw ang nakakita  sa  kanya. Dahil  kung iba  baka  iniwan na lang siya basta -basta. Halika anak puwedi ba kitang  mayakap bilang pasasalamat?" maemosyunal  na sambit ng ginang.

" Ay oo naman po tita." sagot ng dalaga saka mabilis na yumakap isa-isa sa  mag-asawa.

Niyakap  din ng mga ito ang kaibigan  niyang si Lester bago sila nagpatuloy.

" Maupo po kayo tita, tito." ilang sandali  pa ay aniya ng dalaga sa  mga ito.

Pero ang  kaibigan  niya'y  mukhang napagtripan pa yata siya.

" Akala  ko naman hindi mo na sila yayaing  maupo." muli ay aniya nito.

" Ikaw  baby love ha namimihasa  ka na." bawi  at kindat  niya dito. Hindi nga siya nagkamali  dahil tumikwas  ang mga daliri.

" Tse! " ingos naman ng bakla  kaya  naman ay  muli silang nagkatawanan na nakalimutan  na  yatang mag-uumaga pa lamang.

" Anyway iha  saan mo siya nakita? Mabuti na lamang  at may isang tulad  mo na may mabuting kalooban. Money is not the issue here anak dahil alam ko namang mayroon  ka niyan pero gusto kitang  pasalamatan dahil sa pagtulong mo  sa kanya. " muli ay pasasalamat ng ginang.

" Sa sementeryo po tita dahil dinalaw ko ang puntod  ng kaibigan  ko. Pauwi na ako ng makita kung pinagtutulungan  siya ng dalawang lango sa alak  at druga. " sagot  ng dalaga.

Dahil  nag pause  siya ay ang kaibigan  naman niya ang nagpatuloy.

" Kagaya lang iyan ng kaibigan ko tita.  She's  just mourning for the lost  of our young little boy  friend at doon din nalibing. At heto  po pala ang susi  ng sasakyan ng binata ninyo. Ang  sasakyan na binalikan  namin sa sementeryo  ng madaling araw.  Pasensiya na po at pinakialaman namin ang  wallet kasi  naman po ang purpose namin ay makakita  ng pagkakakilanlan  sa  kanya. Pero huwag  po kayong mag-alala dahil  wala po kaming  ibang ginalaw  sa nandiyan. " pahayag ni Lester.

" Thank you iho. Wala namang problema diyan dahil ang pagsagip  ninyo sa kanya  ay napalaking  bagay  na  iyun  para sa amin. Anyway makakauwi  na ba  siya ngayon or mamayang  umaga?" maagap  namang sagot ni Gng She Ann.

" Actually kahit ngayon  na po kung gusto ninyo tita. Pahatid ko na lang sa guwardiya ang sasakyan niya dahil bukod  sa  pambubugbog sa kanya  ay wala naman pong  internal  damage." sagot nito.

YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon