" YOU BRING ME BACK TO LIFE "

1.2K 46 11
                                    

" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE

CHAPTER EIGHTEEN


" Faster guys! We're  running  out  of time!" mando ng wedding  organizer na binayaran  ng pamilya Smith  at Harden para sa  instant wedding  na inihanda  nila para  sa dalagang  pumapayat  na este  nangungulila sa taong pinakamamahal.

" Lester ikaw na magpasuot  sa kanya ng gown niya para kahit magising  hindi ka niya aawayin. " nakangising  aniya ni Princess Ann kay Lester.

" Sinong  may sabi aber? Aba'y  parang hindi  mo  kilala ang tigresang  iyan kapag  nasimulan  ang magbunganga  tuloy-tuloy na iyan kaya kung ako sa inyo magmadali  na tayo bago mag subsides ang gamot  na ginamit ninyo sa kanya." kakamot-kamot sa ulo na sagot ni Lester.

Pero para kay Princess na mastermind  ng instant  wedding ay  hindi ito  natinag bagkos ay para  pa itong kinikilig sa naisipang  move para mag-asawa  na ang kapatid. Well she love  the woman  who love  also her bother kaya naman  tuwang -tuwa  ito.

Naging  madalian ang kilos  ng mga ito lalo at malapit ng matapos ang oras ng pampatulog  na ipinaamoy  nila sa  dalaga.  Bago  pa man ito tuluyang magising ay  naayos  at natapos  ang pagsuot  dito ng complete attire for her wedding as well as her make up.

Samantala, lingid sa kaalaman ni Angelo ay nakipagtulungan si Romano  sa  kapatid nito  na  si Princess. Sa  pamamagitan  ng pera ay  naging madali lang para  sa  dalaga ang halughugin  ang Boston. Inalalayan din naman siya ng pamilya nila kaya kahit nasa  malayo ang  kuya niya'y  malaya  niyang naisagawa ang lahat at ito'y  sa tulong  din ng mag-inang Marie  at  Romano.

" Okey na po tapos na po siya sa pagbibihis  sir. Sa wedding venue na lang natin siya dadalhin." tugon  ni  Romano ng tanungin siya ng organiser na nakatuka  sa venue.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay set up lamang ang kidnapping  portion dahil  sa  mga  oras na iyun ay kumpleto  na ang pamilya  ng bawat isa sa kanila kasama pa ang mga malalapit nilang kaibigan.

After few minutes, when everything was ready.

" Father ready na po ang lahat. Shall we bring them here?" tanong ni Princess Ann sa kaibigan ng pamilya  nila na pari. Kinutsaba pa nila ito galing sa orphanage kaya naging  madali ang wedding ng kuya niya na kahit instant  lang.

"Yes iha  tell  them  to take Carrey and Angelo her. Does all your expected visitors are here already?" sagot  at tanong ng pari.

" Opo  Father. Maiwan  ko po muna kayo dito Father at puntahan  ko si Carrey at mabilinan  ko din si  kuya Rhayne  na dalhin  na dito si  kuya." sagot  ng dalaga.

Naunang pinuntahan  ni  Princess Ann ang room kung saan naroon ang kuya niya at saktong  nasalubong  niya ang kuya Rhayne niya kaya naman agad niya itong binilinan.

" Kuya ikaw  na bahala sa  kumag  na makupad  na iyan pupuntahan  ko muna ang magiging hipag natin." she said as she giggled.

" Kung anu-anu na itinatawag  mo kay insan aba'y  kumag na nga kupad  pa. Kasal nga niya eh kaya pagbigyan na lang natin." nakailing  na sagot ni Rhayne.

Pero hindi na sumagot  ang dalaga bagkos ay parang batang nagtungo  sa  kuwartong  kinaroroonan ng dalaga pero nasa  pintuan  pa lamang siya'y  nagpanagpo  naman sila  ng  kambal nito o  si Precious  na asawa ng kuya Rhayne  nila. Hindi na sila nagsalita basta na lang sila  lumapit  dito.

" Kambal halika na naghihintay  na ang ka-blind date mo." walang pasabing  aniya ni Precious  dito.

" Ikaw  Precious  ha anong kalokohan  ito? Aba'y  alam mo bang mamatay-matay kami ni Lester  sa  takot tapos ikaw lang pala ang may kagagawan ? Tanggalin  mo ang piring  ng mata ko ng makita  mo ang hinahanap  mo." ismid  na sagot ng dalaga pero hindi ito pinatulan  ni Precious.

YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon