" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER EIGHT
" Anak lasing ka na naman. Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol diyan?" malungkot na aniya ni Gng Sheryl Ann kay Angelo.
Sa loob ng halos dalawang buwan mula ng pumanaw ang kasintahan ng binata ay gano'n na ang naging buhay nito. Kung hindi lasing sa day time para hindi makapasok sa trabaho, sa gabi naman gano'n din. Halos dalawang buwan na wala na si Amanda ay sa mini-bar na ng malaking bahay ng yumaong ama ni She Ann ang silid nito sa loob ng binata.
" Bakit gano'n 'my? Bakit kailangan pa niyang magpakamatay? Buntis pala siya eh bakit kailangan pa niyang tumalon?" instead ay aniya nito sa pagitan ng paglagok sa alak.
" Anak wala akong maisagot diyan kundi ang hindi ko alam dahil lahat tayo ay nangangapa sa anong dahilan niya kung bakit siya nagpakamatay. Pero anak naman paano natin malalaman ang mga kasagutan sa lahat ng tanong mo kung laging alak ang kinakaharap mo? Ralph Angelo anak nandito pa kaming pamilya mo nandito kaming nagmamahal sa iyo kaya't ako na anak ang nagmamakaawa sa iyo na face your life. Hindi lang si Amanda ang tao sa paligid mo anak." naiiyak na ring sambit ng ginang habang yakap niya ito na hinahagod -hagod ang likod.
Pero ano nga ba ang silbi ng mga payo nila kung lagi naman itong lasing sa tuwing nakakausap nila? Paano nila ito mapaliwanagan kung halos ng oras nito ay nauubos sa pag-inum ng alak?
Sa hinaba ng sermon o sinabi ng ginang sa anak ay wala siyang nakuhang sagot dito.
" Tulog na naman siya hon." tipid na aniya ni Ralph Raven II na nakasandal sa pintuan ng mini-bar.
" Nandito ka pala hon. " sagot naman ng ginang sabay lingon sa nagsalita.
Ngumiti naman ang ginoo bago nagsalita.
" Yes hon dahil alam kung dito ang tungo mo kaya't sinundan kita dahil gusto ko ring makausap sana ang anak natin pero ayan tulog na naman dahil sa kalasingan. I'm worried to him already. " may pag-aalalang tugon ng ginoo sa asawa.
" Iyun na nga hon halos dalawang buwan na ang nakakaraan simula ng pumanaw si Aman-----" pero napatigil ang ginang sa pagsasalita dahil gumalaw ang binata mula sa pagkahiga sa malapad na upuan at nagsalita.
" Hon I miss you. Bakit mo ako iniwan? Alam mo bang nagtatampo ako sa iyo dahil maayos naman ang relasyon natin pero bakit bigla ka na lamang nagpakamatay? May baby pa nga tayo eh." humihikbi nitong sabi na buong akala ng mag-asawa ay gising ito pero ilang minuto ang lumipas na wala ng kasunod ang salita nito.
Nagpakawala ng malalim na paghinga ang padre de pamilya . Sa nakikitang katayuan ng anak ay hindi niya maiwasang maalala ang minsang naging bahagi ng buhay niya.
" How I wish that he'll not think about suicides." nakabuntunghininga na aniya nito.
" Oh my God hon! What are you talking about?" halata namang kinilabutan ang ginang sa tinuran ng asawa.
" Way back then hon noong kabataan natin I almost killed myself. Nasa pamilya ang dugo ng pagpapakatiwakal kaya't I'm so worried of him sa tuwing wala siyang kasama." tugon ni Ralph Raven II.
This time si Sheryl Ann naman ang napabuntunghininga.
" Hindi naman siguro hon. Saka nandito naman tayo." malungkot na sambit ng ginang habang nakatunghay silang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
General FictionDrama on how the main characters will survive from the chaos of life specially when it comes to love.