YOU BRING ME BACK TO LIFE

1.2K 44 4
                                    

" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEE


CHAPTER FOURTEEN


" Thanks  God  your awake already anak." masayang sambit ni Sharp Mouth ng gumalaw  ang anak.

" Anong  nangyari  mommy bakit hindi ko kayo makita? May problema ba?" instead ay sagot ng dalaga.

Sa  unang pagkakataon  sa kanyang buhay hindi niya makita ang liwanag samantalang  naririnig  naman niya ang mga nagsasalita. Pero parang  gusto niyang  pukpukin  ang kanyang ulo  dahil wala na nga siyang  makita tapos nakakabingi  pa ang katahimikan na parang ayaw pang sumagot  ng kanyang ina na  tinatanong niya.

" Ano ba mommy! Tinatanong ko kayo! Nasaan  ba  kayo at ayaw ninyong sumagot?" pinaghalong  inis at pangamba  ang kanyang nadarama  ng sandaling  iyun dahil ni  walang sumasagot  sa  kanya.

" Nandito  ka sa  hospital anak. At kaya ka  walang makita dahil-- dahil---- wala kang makita anak dahil---dahi-----"

" Ano ba daddy!  Kailan pa kayo naging bulol! Ayusin  ni'yo  nga ang pananalita ni'yo." iritable at pasigaw na sambit ni Carrey saka biglang napahawak  sa  ulo  pero  bukod sa may naramdaman siyang parang wire sa kamay  niya ay nahawakan  din niya ang kanyang ulo  na parang may kung anong nakabalot dito.

" Apo  ko makinig ka kay grandma ha, nandito ka ngayon  sa  pagamutan matapos kang  dalhin  dito ng mga police na nakakita sa iyo sa  kalsada. At kaya ka walang makita ay naapektuhan  ang mga mata mo ng  sumalpok ang sasakyan mo sa  sementadong  poste matapos pagtripan  ng mga teenagers  na pagbabarilin  ang gulong  ng sasakyan mo na naging sanhi upang nawalan  ng control ang sasakyan  mo kaya ka sumalpok sa sementadong poste.  Pero huwag kang mag-alala apo ko dahil  kapag kaya na ng katawan mo'y  dadalhin ka namin sa  U.S para  doon tayo  humanap  ng compatible eye donor  mo." paliwanag  ni grandma Angel.

Sa  haba  ng  paliwanag ng kanyang abuela'y  isa  lang ang tumatak  sa  kanyang isipan. Ang pagiging  sightless  niya.

" Hindi! Hindi totoo iyan grandma! Hindi ako bulag!  Bawiin ni'yo  iyan  grandma!" pagwawala  nito .

" Anak  totoo ang sinabi  ng abuela mo----"

" Pati ba naman kayo daddy? Bawiin ninyo ang sinabi ninyo!" tuloy pa rin sa  pagwawala  ang  dalaga  kaya naman nagising  ang  blood donor niyang si Angelo.

Dali-dali  itong tumayo  pero  dahil  ilang bags din ang ibinigay na dugo  ay  muli  itong napaupo.

" Angelo anak dahan - dahan lang baka mapaano  ka pa niyan. Maupo  ka  na lang muna diyan."  sawata  dito ni Sharp Mouth kaya naman napabaling  ang  tingin ni Carrey  dito kahit na hindi nakikita.

" Anong ginagawa ng lampang iyan dito mommy? Hanggang dito ba  naman ay  nakasunod  ang  kamalasan  ng lampang iyan?" nababalot  man  ng puting tela  o ang surgical plaster ang buong mukha ng dalaga pero alam nilang nakakunot  na naman ang noo  nito.

Hindi lingid  sa kanilang lahat ang ginawang  pagligtas dito  ng dalaga sa binata  at ang pagiging  sender nito sa  mga bulaklak kaya naman labis  silang nag-alala na baka magalit ito.

" Apo ko huwag kang  magsalita  ng ganyan sa kapwa mo lalo na kay  Angelo. Siya ang donor  mo  ng dugo dahil kinailangan  mo  ding  nasalinan  ng dugo dahil ayun sa doctor na umasikaso  sa iyo'y  maraming dugo  ang nawala sa  iyo lalo at natagalan  kunti ang pagdala  sa iyo dito. Tsaka ayun  kay  Jameston si Angelo din daw ang nakakita sa  iyo sa  lugar  na iyun na  naliligo  sa  sariling dugo  sa loob ng sasakyan mo pero bago ka  pa niya madala  dito sa  hospital ay  dinampot siya ng mga police at dinala sa presinto  doon  sila nagpang -abot  ng kambal mo. Kaya huwag kang magsalita ng ganyan apo  ko." mahinahong  paliwanag ni grandpa Oliver Sr saka tumingin  sa gawi ng binata na humihingi  ng pasensiya.

YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon