" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER TWENTY - FINALE
SEVEN YEARS LATER.....
" Daddy wake up it's already nine in the morning but you're still sleeping." panggigising ni Liezel sa amang mahimbing na natutulog samantalang alas-nueve na ng umaga.
Gising naman na siya bago pa sumampa sa kung size bed nilang mag-asawa ang panganay nilang anak pero naramdaman kasi niyang lumundo ito kaya alam niyang si Liezel ito.
" Hmmm morning baby." kunwa'y bagong gising niyang aniya dito.
" Ikaw daddy ha you're always late. Where have you been yesterday again? See it's already nine in the morning and if I didn't wake you up you're still sleeping." sermon nito imbes na sagot ang pagbati niya dito.
Well, it's not new to him anyway. It's been a while since his wife was in coma. At ang scenariong iyon o ang panenermon ng anak ay hindi na bago sa kanya. It's almost everyday lalo na kapag inuumaga siya ng uwi pero hindi dahil sa kalokohan kundi after work dadaan muna siya sa sementeryo para alayan ng bulaklak ang kambal nilang anak saka dadaan sa kainan at deretso na sa hospital para siya naman ang magbantay. The whole family member has a daily routine na magbantay sa mahal niyang si Carrey Angeline sa araw-araw pero ang gabi ay siya talaga ang nagbabantay.
Yes! Carrey Angeline was under coma for more than two years. And the most painful part of their lives was his wife was in coma as well as their twins was dead too.
****
" Manganganak na ako hon." panggigising ni Carrey sa asawa.
" Ha? Okey hon just hold on and I'll take the bag of your things." nagulat man pero nagawa pa ring kumilos ng maayos ni Angelo.
" Tell to mommy about Liezel para malaman din nilang aalis tayo. Don't worry kaya ko pa naman ang sakit." nahihirapan man pero nagawa pa ni Carrey na itago ito dahil ayaw din naman niyang iwanan ang anak na mahimbing pa ang tulog sa silid nito na nasa katapat ng room nila.
Well, nakiusap ang pamilya ni Angelo o ang mag-asawang Raven II at Sheryl Ann na kung maaari ay huwag na silang pumisan dahil maluwag naman ang bahay nila para sa kanilang lahat. Lalo at ang abogada ng pamilya ay sa ibang bansa naman ito naka -base o nagtratrabaho. Sinu ba siya para tumanggi? Sa kaibitang ipinapamalas ng buong pamilya o ang buong angkan ng Harden sa kanya ay wala na siyang hahanapin pa kaya sa pakiusap ng mga ito ay hindi na rin siya tumanggi lalo at matalik na magkaibigan ang grandparents nila kaya madalas din silang nagkikita-kita.
" Mommy pakipuntahan naman si Liezel sa kuwarto niya walang kasama. Manganganak na ang asawa ko." hindi magkandatuto na bilin ni Angelo sa ina na hindi na rin nahintay ang sagot ng ina ay umalis na rin ito at nagmadaling binalikan ang asawa saka ito inalalayang makababa.
Well para sa mag-asawang Raven II at Sheryl Ann ay hindi na iyun bago para sa kanila dahil gano'n din ang scenario ng nanganak ang manugang nila sa panganay nilang apo. Without a word nagtungo silang mag-asawa sa kuwarto ng kanilang apo saka nila ito pinagitnaan at itinuloy ang kanilang naudlot na tulog.
Samantalang halos hindi pa nakakalayo ang minamanehong sasakyan ni Angelo mula sa kanilang tahanan.
" Hon okey ka lang ba?" tanong ni Angelo sa asawa. Kalokohan man na tanungin pa ito dahil halata namang hindi ito okey pero dahil pag-aalala niya dito ay nagawa pa rin niyang tinanong.
BINABASA MO ANG
YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
General FictionDrama on how the main characters will survive from the chaos of life specially when it comes to love.