" YOU BRING ME BACK TO LIFE "
WRITTEN BY : SHERYL FEECHAPTER SIXTEEN
As a wise saying goes on, not all our eyes see is right, not all we hear are all the facts. Sometimes our eyesight and ears are deceiving us. But sometimes everything happens for a reason.
****
" No! Hindi naman tamang isakripisyo mo ang iyong mga mata Mr Harden samantalang your very healthy. The family of the patients can afford to take her in the U.S. to have a better operation so you don't have to do that." salungat ng doctor kay Angelo ng kausapin niya ito na siya na lamang ang eye donor ng dalaga dahil hindi niya matagalan na nakikita ang babaing mahal niya na nahihirapan.
" Kailangan ni'yong pumayag doc kaysa naman magiging bulag siya na may paraan naman para makakita siya." giit ng dalaga.
" Nandoon na tayo Mr Harden na ibibigay mo sa kanya ang mata mo para makakita siya pero alam mo naman siguro ang kapalit niya ang ikaw naman ang mawalan ng paningin. Saka hindi ako makakapagsagawa ng operation ng basta na lamang dahil kailangan mo ang pumirma sa waver na kung anu man ang ibunga ng ninanais mong gawin." aniyang muli ng doctor.
" No problem doc just give me the papers and I will sign. But I'll ask you to hide this matter from her until she can see again." tugon ng binata kaya naman ay napakunot ang doctor.
" Hindi kita maunawaan Mr Harden. Gusto mong ibigay ang mata mo sa kanya pero ayaw mo namang malaman nila na ikaw ang eye donor. What's your purpose in hiding to them? And besides does your family know about this matter?" sagot ng doctor.
Pero bago makasagot ang binata ay dumating ang isang lalaki na kilalang-kilala ni Angelo na may dala-dala o may karga ng babaing hindi nila alam kung buhay pa ito o hindi.
" Doc parang awa ni'yo na iligtas mo ang asawa ko." umiiyak nitong pagmamakaawa na hindi pa yata napansin si Angelo.
" Anong nangyari sa kanya iho? Halika ilapag mo na siya dito sa stretcher." maagap namang sagot ng doctor.
Hindi agad nakasagot ang bagong dating na si Romano dahil inilapag muna niya ang yakap-yakap na asawa saka tumayong muli.
" Inilihim niya ang kanyang kalagayan sa akin doc sa hindi ko malamang dahilan. At pag-uwi ko galing sa bukid kanina ay nadatnan ko na siyang nag-aagaw buhay sa loob ng aming munting tahanan kaya parang awa mo na gawin ni'yo po ang lahat para iligtas siya. Hindi ko alam na may dinaramdam siya doc nalaman ko lamang ito sa hawak niyang sulat." paliwanag ng lalaki.
Dito hindi na nakatiis na hindi sumabad si Angelo kaya naman bago pa makasagot ang doctor ay sumabad na siya sa usapan ng dalawa habang inaasikaso ng manggagamot ang babae.
" Romano? Anong problema at nagkaganyan ang asawa mo?" tanong ng binata sa lalaki.
" Hindi ko alam kuya Angelo dahil wala naman akong napansin o mas tamang sabihin na wala naman akong alam na sakit ni Allyn kaya sobrang nagulat ako pagdating ko kanina." malungkot na sagot ni Romano na halatang nagpipigil lang na huwag maiyak.
" Ano-----"
" I'm sorry iho pero wala ng buhay ang asawa mo habang siya'y dinala mo dito. According to my test as you can see she's dead already. " putol ng doctor.
" Po?" ang tanging sagot ni Romano.
Napabuntunghininga ang doctor dahil kahit man siya bilang manggamot ay masakit para sa kanya ang may pumapanaw na pasyente pero hindi siya Diyos para pigilin ang kamatayan ng isang tao o ang kanilang pasyente.
BINABASA MO ANG
YOU BRING ME BACK TO LIFE BY : SHERYL FEE ( COMPLETED )
Genel KurguDrama on how the main characters will survive from the chaos of life specially when it comes to love.