Nandito kami ngayon ng kaibigan kong si Ellaine sa isang fastfood chain, kung saan ay kikitain namin ang kanyang kaibigan upang ipakilala ito sakin.
Noon pa man ay gustong gusto na talaga ni Ell na ipakilala sakin si Merson.
Sabi kasi nito ay may mga bagay na pareho naming gusto at pareho naming ayaw. Mga bagay na pareho rin namin ng kinahihiligan. Kaya ang akala nito ay kapag nagkita at nagkakilala kaming dalawa ay agad daw kaming magkakapalagayan nang loob ng dahil doon.
Hindi na ako tumangi pa sa gusto niya. Pero hindi ako naniniwala na magkakasundo kami agad dun aa sinasabi niyang kaibigan. Pihikan ako sa pakikipagkaibigan sa lalaki na kahit may mga bagay na gusto ko at ayaw ko na magkapareho kami kung hindi ko naman gusto ang ugali ay wala rin.
Hindi naman sa ayaw kong makipagkaibigan sa mga lalaki. Hindi ko lang talaga kasi sila mapagkakatiwalaan.
Dahil gaya ng sabi nila mas madaling pagkatiwalaan ang kapwa mo babae kesa sa lalaki.
At pinatunayan na iyon ng aking Ama.
" Look Kween, " napakurap kurap naman ako sa kanyang ginawa. Hinawakan kasi ako nito sa magkabilang kamay habang nakatingin sa mga mata ko at bumubuntong hininga pa.
" Alam kong ayaw mong makipagkaibigan sa mga lalaki dahil sa nakaraan mo sa Daddy mo, but you can trust me- you can trust him! Kween, sobrang bait nitong si Merson. 10 years na kaming magkaibigan kaya makakasiguro ka na totoo ang sinasabi ko. He's been my protector since we first met at para ko narin siyang nakakatandang kapatid! Naku Kween, hindi ka magsisisi pramis! "
" Sana nga... "
" Anong sana nga! " nginusuan ko naman siya habang himas-himas ang braso kong tinampal niya. Brutal talaga nitong babaeng to kahit kailan. Kung diko lang talaga to kaibigan baka naisubsob ko na siya sa basurahan, ang sakit kaya.
" Mabait si Merson, Kween, makakaasa ka don na hindi siya katulad ng Daddy mo " bumuntong hininga nalang ako at tumango.
Sana nga...
Alam niyo, sumubok naman ako noon na makipag kaibigan sa mga lalaki, but it end up like that. Cheating, flirting, badass, playboy and etc. Kaya nang magsawa ako, hindi ko na sinubukan ulit. Ngayon nalang ulit dahil sa kakulitan ng bestfriend kong si Ellaine.
" Nasaan na ba ang mokong na yon? Sabi nandito na, pero ni balahibo niya hindi ko pa nakita! " iritadong ika ni Ellaine habang kamot ulong binabalingan ng tingin ang buong paligid sa labas ng fastfood. Napailing nalang ako habang nakangisi kay Ell. Para siyang baliw talaga. Haha
" Darating din yon, sabi mo nga, mabait yon di ba? So, hindi naman siguro niya maiisipang indianin ang bestfriend niya di ba? " asar ko sa kanya na ikinaingos niya sakin na ikinatawa ko nalang sa kanya. Ansarap lang talagang asarin nitong babaeng to. Andaling maasar eh. Hahahaha.
Tinalikuran ako nito at muling bumaling sa harapan na ikinatawa ko nalang ulit sa kanya. Asar talo talaga.
May napansin naman akong isang taong pumwesto sa may likuran ni Ellaine na hindi nito napansin. Tiningala ko ang taong iyon at isa itong lalaki. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito mula sa akin. Siya na siguro si Merson at hindi nga ako nagkamali nang simulan niyang kalabit kalabitin si Ellaine sa likuran nito na akala naman ni Ell ay ako.
" Ano ba, Kween! " pinilit kong hindi matawa dahil sa naging akto ni Ell but I can't help it kaya tinakpan ko ang bibig ko to cover my laugh " Kween, huwag ka ngang mangalabit! Isa! Kapag hindi ka huminto diyan, sayo ko ibubunton ang galit ko kay Merson! " I cleared my throat para sumagot.
" W-wala akong ginagawa sayo " ika ko atsaka ulit tumawa nang tumawa habang nakatakip ang kamay ko sa bibig ko. Bahala ng kabagin mamaya. Hahahaha. Hindi ko mapigilang hindi tumawa eh. Tanga talaga tong si Ell. Hahaha.
" Anong wa--- Merson! "
" Hahahaha "
" Finally! You notice me senpai! "
" Gago ka talaga! " atsaka niya sinuntok ito sa braso, sinamaan naman niya ako ng tingin kaya iniwas ko sa kanya ang tingin ko " Isa ka pa! Bagay nga kayong magsama! "
" Yung bunganga mo na naman, Ellaine Sta Ana! " nagbabantang ika ni Merson na sampung minuto na yatang nandito ay hindi ko parin nakita ang itsura.
" Sige nga, pagalitan mo nga yan. Grabehan bibig niyan eh, mas marumi pa sa imbornal ang mga lumalabas sa bibig niyan eh " suhol ko pa
" Whatever, Merson Castro! " napatawa nalang ako ng panlakihan na naman niya ako ng mga mata and finally, he turned back at me, nakita ko narin itsura niya. In all fairness naman, gwapo. Pero iwas ako sa mga gwapo. Yan yung tipo ng mga lalaking madalas manloko ng tao e. Isang gwapong malakas ang loob para manloko at manakit ng isang babae.
" Hi, you must be, Kween? " tinanguan ko siya, tumayo ako para pormal na magpakilala sa kanya.
" Kween Salvador, and you must be Merson? " tumango rin ito at kinamayan ang kamay kong nakalahad sa harapan niya
" Merson Castro " binawi ko agad ang kamay ko sa kanya at tipid siyang nginitian " So, Ellaine is right "
" To what? " taas kilay kong tanong at pinaglipat lipat ko ang tingin ko sakanilang dalawa.
" That you are pretty " imbis na mamula sa sinabi nito ay nakaramdam pa ako ng inis. Nanlilisik na mata na binalingan ko ng tingin si Ellaine na naka peace sign sa likuran ni Merson.
Para kasing binubugaw niya ako kaya hindi ko magawang mamula sa sinabi niyang iyon. Imba ka talaga Ellaine! Tss!
" Ahh, don't mind her. May iba pa ba siyang sinabi sayo bukod doon? " baling ko kay Merson pero binabalingan ko rin si Ellaine na may nanlalasik na mga mata.
" Ahh, nothing. Iyon lang "
" Okay "sang ayon ko nalang kahit alam kong nagsisinungaling ito para pagtakpan ang kaibigan niya. Tss!
" So, shall we order now? Gutom na ako eh "
"As expected from you, Ell. Lagi ka namang gutom e "
"Hindi naman gaano, Mers, ano ka ba! Hahaha "
" Pabebe... " bulong ko pero alam kong narinig nito dahil sinamaan niya ako ng tingin. Nginisian ko lang siya. Pababoy talaga, eh, kakakain lang namin eh. Pinaligpit ko lang agad dahil ayoko nang makalat.
" Ikaw Kween, may gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang, my treat " tanong sakin ni Merson habang nakangiti. Nagtatanong ba talaga siya o nangaakit? Tss!
" Okay lang ako. Sa katunayan nga niyan kakatapos lang na-- katatapos ko lang kumain bago nagpunta rito " pinanlakihan lang naman ako ng mata nung pababoy. Basta talaga libre hindi papahuli ang bruhang to.
" Ganun ba... What about drink? Baka nauuhaw ka "
" Sige, isang mango shake nalang "
" Good. Order lang ako, Ellaine " tumango lang si Ell kaya tumayo na si Merson at nagtungo na sa counter.
Salubong na kilay namang tinignan ko si Ellaine na ngayon ay mspanuksong nakatingin sakin.
" Ano? Ano? Ano? Anong say mo sa kaibigan ko? Ang bait di ba? Gentleman pa! " napairap ako sa kawalan.
" Oo na! Oo na! " pagsuko ko kunwari.
Sa una lang yan...