Gusto kong maulit yung nangyare kahapon sa bahay nina Merson! Ang saya non! Isa iyon sa mga pangyayareng hindi ko makakalimutan sa buhay ko pramis! Grabe! Ang sarap at saya nilang kasama sa hapag. Sana ganon palage, kahit malabo, sana...
Nasa shop ako ngayon dahil weekend. Kasama ko si Merson ngayon dahil wala raw siyang magawa sa bahay nila. At kung mage-stay naman siya ron, ay baka maihagis niya lang sa north pole yung kapatid niya dahil sa kaingayan nito. Ano nga bang expect mo sa isang parrot na yon? Hay, kanino ba nagmagna yon?. Mukha namang tahimik sina Tito at Tita. Si Merson rin. Kaya saan iyon nagmana? Naku! baka ipinaglihi ni Tita sa pwet ng manok kaya ganun kung tumalak nang tumalak. Kawawang nilalang.
" Gusto mong buko juice? " tanong ko sa kanya ng makalapit ako sa kinaroroonan niya.
" Sure, "
" Baso o plastik? "
" Eh? Wala bang pinggan? " sabay naman kaming napatawa sa kalokohan niya. Baliw talaga " Plastik nalang " tinanguan ko siya atsaka na nagmartsa patungo sa nagtintinda ng buko juice. Nang makabili, ay agad akong bumalik at ibinigay iyon sa kanya na agad naman niyang kinuha saken at nagpasalamat. Umupo ako sa tabi nito at tumingin rin sa kanyang tinitignan. Ang shop, kung saan naroon si Ellaine sa loob. Napangiti ako. Inlab talaga siya.
" May gusto ka kay, Ell noh? Aminin " bigla ko nalang katsaw sa kanya na ikinasamid na ikinatawa ko naman. Halatang guilty eh, hahahaha.
" Kween! H-huwag ka ngang mag biro ng ganiyan! " tanggi nito, dinunggol ko naman siya ng bahagya sa kanyang balikat.
" Assuus! Huwag indenial, napaghahalataan ka eh "
" Hindi naman talaga eh " hindi ko siya pinakinggan
" Alam mo, wala namang masama na magkagusto ka kay Ell eh. Ellaine is a great woman. Mabait, masayahin, matulungin at higit sa lahat malawak ang pangunawa. Maingay nga lang siya minsan "
" Anong minsan? Madalas kaya
"" Oo na! " natatawa kong sang ayon sa kanya " Pero hindi parin iyon dahilan upang matakpan kung sino talaga siya "
" I agree "
" Kaya kung may gusto ko sa kanya-- "
" Wala nga! "
" Huwag mo ng indeny dahil wala namang masama! "
" Wala nga... " tanggi parin niya
" Hindi ako naniniwalang wala. Sampung taon kayong magkaibigan at hindi ako naniniwalang walang damdamin na namuo sa pagitan ninyong dalawa. Tulad sa mga nababasa kong novela, sa mga napapanuod kong kdrama series. They are started to be being friend but end up into a relationship dahil may nabuong love "
" Ang lawak naman niyang imahinasiyon mo "
" Ouch! " angil ko ng pitikin niya ako sa noo. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya habang naiiling " Sabi ko na nga ba eh, hindi maganda talaga sa tao ang laging nagbabasa at nanunuod "
" No! Sometimes they can help the situation "
" Imahinasiyon lang sila, Kween. Walang katotohanan sa mga iyon "
" You see, makikita mo rin kung ano ang sinasabi ko "
" Okay "
" Makikita mo talaga na tama ako! " tumango tango nalang siya at muling tumingin sa shop.
Tignan natin ngayon kung hanggang saan pa ang kaya mong itanggi pa ang nararamdaman mo para sa kanya. Humanda ka.
" May kilala ka ba na... Gusto ni Ell? "