Nasa likuran ako ngayon ng aming bahay. Nakatitig sa isang napakagandang bulaklak na hindi naman naiiba sa bulaklak na mayroon dito sa bansa. Nasabi kong napakaganda niya kasi naging iba siya. Isa iyong gumamela. Kakaibang gumamela. Naging kakaiba ito dahil sa isang bulaklak ay may dalawa itong kulay. Puti at Pink.
Hindi na bago sa mga mata ko ang makakita ng ganuon. Ngunit hindi ko lang talaga kasi maiwasang hindi mamangha sa bulaklak na iyon ngayon, lalo na't napaka dalang na mangyare iyon.
I took a picture of it and posted in my Instagram. Napangiti ako nang sa limang minuto na nakapost iyon doon ay maraming nakapansin agad nito. Maging siguro sila ay namangha sa kakaibang kulay ng gumamelang iyon.
" Kinulayan mo lang yan noh? " nabibigla akong napalingon sa taong bigla nalang nagsalita mula sa likuran ko. Si Cynl lang pala. Kinunutan ko siya ng noo. Anong ginagawa nito dito?
" Bakit ko naman gagawin iyon? " tanong ko atsaka ako naglakad patungo sa isang maliit na kubo na naroon. Si Dad ang nagtayo nito rito sa bakuran namin. Nung panahon na masaya pa kaming tatlo na magkakasamang tumatambay rito tuwing sabado at lingo. Muntik ko na nga itong sirain noon nang abandunahin kami ni Dad, ngunit pinigilan ko ang sarili ko nang maalala ko si Mommy. Baka sakin naman siya magalit kapag sinira ko ang kubong iyon na nagsisilbing kaligayahan nalang niya ngayon dahil naroon ang masasayang nakaraan nila ni Daddy.
" Para magpasikat, tignan mo, agaw pansin ang litratong pinost mo sa instagram mo " sabay pakita pa saken, ngunit hindi ko naman ito binalingan ng pansin.
" Hindi ako ganuong klase ng tao. Hindi ko ugaling gumawa ng mga bagay para lang mapansin ng iba. Hindi ako tulad mo, kaya huwag mo akong ihalintulad sa'yo " sa tatlong lingo na nakilala ko itong si Cynl na kapatid ni Merson, ay nakilala ko na ito kaya medyo iwas ako sa isang 'to. May mga ugali siyang ayaw ko. Mga ugaling wala naman sa nakakatandang kapatid nito.
" A-ano? " hindi makapaniwalang usal nito na may panlalaki ang mga mata
" Kung gusto mong magpaka herodes sa buong unibersidad, gawin mo sa magandang paraan. Hindi yung magbabayad ka ng mga taong kunwaring may binubugbog tapos papasok ka upang iligtas siya "
" Paanong... "
" Nakita ko lang naman yung mga binugbog mo kunware na kasama ka sa isang restaurant at masayang kumakain " narinig ko siyang napasinghap kaya nakangisi ko siyang nilingon " So, sinong pasikat sa'ting dalawa ngayon? Tss. Naturingan ka pa naman ding isang University King "
" E-ah, ano naman ngayon sa'yo? "
" Alam mo, kung gusto mong maging sikat lalo, gumawa ka ng bagay na makakabuti sa iba hindi lang para sa'yo. Baka sa estadong iyon, ako pa mismo ang unang pupuri sa'yo "
" Eh? "
Inilingan ko lang siya " Ano nga palang ginagawa mo rito? " balik na tanong ko
" Ha? "
Muli akong napailing atsaka na siya binalingan ng tingin " Sabi ko... Anong ginagawa mo rito? "
" Ahh, oo nga pala. Pinapasundo ka ni Kuya " nangunot ang noo ko
" Bakit? "
" May gaganaping maliit na salu-salo para sa 30th anniversary ng parents namen "
" Ha? Bakit imbitado ako? "
" Huwag kang feeling, hindi lang naman ikaw ang imbitado " nginusuan ko siya habang matalim ang tingin ko sa kanya tss. Inungusan lang ako nito at nagpatuloy " Invited rin si Ellaine na siya namang sinundo ni Kuya " mabilis na napangiti ako sa narinig. Mukhang humahakbang na siya ah? Okay yan!