" Jiona! " pagtawag ko sa kaibigan ko na matagal kong hindi nakita. Two months siyang nawala eh. Ewan ko kung anong ginawa niya sa Amerika at ganuon na lamang siya katagal nawala.
Siya nga pala si Jiona, isang Guitarista sa aming unibersidad. Isa siyang estudyante sa Faculty of Music. At siya ang pinaka ka close ko sa lahat ng mga naging kaibigan kong babae. Ewan ko, sa kanya ako pinaka magaan ang loob.
Paano kami nagkakilala kung isa akong estudyante ng Faculty of Agriculture? Simple. Madalas tumambay si Jiona dun malapit sa CAG. Nang marinig ko siyang tumugtog ng guitara dun, nagandahan ako. Nilapitan ko siya at kinausap agad then yun, lagi na kaming magkakwentuhan dun at naging magkaibigan. Hindi naman kasi siya mahirap kaibiganin, dahil napakabait naman niya.
" Hey, long time no see "
" Eh? Anong nangyare sa'yo? " tanong ko nang makita ko ang kabuuan niya. She's wearing a loose pants and white shirt. Tiniklop pa nito ang manggas ng dalawang beses ganon rin ang pantalon nito sa ibaba.
"W-what? " parang naiilang nitong tanong ng makita ang raksiyon ko.
" Jusko! Anong ginawa mo sa sarili mo? Nasaan na yung Jiona na kung makapanuot ay parang isang international model? Nasaan? " hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya habang iniikutan ko siya.
"Ang OA mo " ika niya at pinatigil ako sa ginagawa niya " I changed myself, pero hindi ako nagbago dahil lang sa nagbago ako ng lifestyle. I'm still me, don't worry " paliwanag nito na ikinahinga ko naman ng malalim " Ang OA mo talaga kung magreak " natatawa nitong ika habang inaalis yung gitara sa pagkakasabit sa balikat niya atsaka naupo. Sumunod naman ako agad sa kanya.
" Sinong hindi magiging OA? Eh, nung umalis ka dito two months ago, prinsesa ka pa ngayon para ka ng pulubi na guitarista sa daan. Ano bang nangyare sa'yo? Bakit mo binago ang sarili mo? May nagbiyak ba niyang puso mo? Sino? Sabihin mo at uupakan nating dalawa "
" OA ka na masiyado, Kween "
"OA na kung OA! Sumagot ka nalang, dali! Tagal eh! Pretty pa? Pretty pa? Di na kaya! " umikot ang mga nito na nagsasabing naiirita na siya saken. Bah! Pasensya siya.
" Nagsawa lang ako, Kween, yun lang "
" We? Yung totoo? Ako ba niloloko mo, Jiona Yco Mercano, ha? "
" No. I'm just... tired of being fame kahit hindi naman dapat. Alam mo yon? Nakakasawa ring pinupuri puri ka ng mga tao araw-araw. Ikaw kaya pumalit sa pwesto ko, kung hindi mo rin gawin tong ginawa ko ngayon "
" Naku! Ayoko nga! Wala na akong magiging privacy kapag sumikat ako dito noh! "
" Exactly my point. Pati pribadong buhay ko, pinakikialaman na nila kaya ayoko na, bahala sila " napanganga ako sa sinabi niya. Pinakikialamanan? Kailan nila ginawa iyon sa kanya? Ba't wala yata akong alam?
" Pero baka... pagtawanan ka nila sa ginawa mo sa sarili mo "
" I don't care " ika nito atsaka nagbutingting sa gitarang hawak niya.
Naiintindihan ko siya. Kahit naman siguro kung ako ang nasa posiyon niya ay ganun rin ang gagawin ko sa sarili ko kahit pagtawanan pa nila ako. Wala ng pribado? Napakahirap naman yata non.
" Naintindihan kita, pero sana naman ay kahit paano ipinaalam mo saken ang nangyayare sa'yo tulad non " nahalata nito sa mukha ko ang pagtatampo nang mapatingin siya saken dahil lumungkot ang itsura nito.
" I'm sorry, ayoko lang dagdagan pa ang alalahanin mo. Alam ko kasing namomroblema ka pa sa Ama mo kaya hindi ko na isinali pa ang sarili ko sa isipin mo "
" Ano ka ba! Nagmomove on nalang ako sa ginawa ng Tatay ko sa Nanay ko, hindi ko na iniisip iyon noh! Ikaw ang mahalaga ngayon kasi ikaw ang nakakasama ko hindi ang Daddy ko " napailing siya sa sinabi ko
"Still... Sakin lang dapat ang problema ko dahil may problema ka ng iba "
" Hay nako, ewan ko sa'yo. Sabi na eh, noon palang alam kong tomboy ka! "
" Excuse me, naging ganito man ako pero hindi ako tomboy "
" Lokohin mo lelang mo. Tignan mo nga yan, pati pananalita mo nagbago. Nasaan na yung pabebeng Jiona kung magsalita? Asan na? Wala na! Naging matigas na, parang bagong hukay na kung magsalita "
" Baliw! " natatawang ika nito at itinuloy ang pagbutingting sa kanyang gitara. Napapangiting napapailing nalang rin ako.
Kung yan ang gusto mo, susuportahan nalang kita. Alam kong, alam mo naman kung ano ang ginagawa mo. Kaya, andito lang ako sa likod mo palagi para sumuporta sa'yo.
" Kween, " sabay naman kaming napalingon ni Jiona sa nagsalita. Si Merson.
" Oh, ikaw pala. Lika, samahan mo kami rito " aya ko sa kanya. Napalingon naman ako kay Jiona nang mapansin kong nakatingin siya saken "Baket? "tanong ko ng mapansin kong nakatingin siya ng mapanuya sa akin.
" Akala ko ba, iwas ka sa mga lalake dahil sa Daddy mo? " tumango ako " Eh, anong ginagawa niyan dito? At bakit mo siya kinausap at pinaupo pa rito? " sunod-sunod na tanong nito
" Oo, pero kaibigan ko itong si Merson "
" Kailan pa? "
" Nung isang buwan lang. Mabait naman itong si Merson at mapagkakatiwalaan, Jiona. Don't worry "
" You can't changed the fact that boys are still boys. Magpapakita lang iyan ng kabaitan sa una, pero lilitaw at lilitaw rin ang motibo nila sa huli "
" Hindi ako ganong klase ng tao, Miss "
" Kaibigan siya ni Ellaine, Jiona. Childhood sweetheart sila to be exact "
" I don't care. As a fact that he is a boy, I can't trust him "
" Man hater lang, te? Ikaw! Porke tomboy ka na ngayon, ayaw mo narin sa lalake, ano? "
" Drop that trash, Kween. I am being serious here "
" Fine, fine. Pero, Jiona, sa isang buwan na kasama ko 'tong si Merson, eh, wala naman akong nakitang mali sa kanya "
" I told you already... I hate repeating myself "
" Ang sungit naman niyan! " nabibiglang napatingin ako sa likuran ni Merson and there is Cynl na may pilyong ngiti sa labi habang nakatingin kay Jiona na nasa gitara ang pansin habang nakikipagusap samin. Astig rin eh " Maganda lang te? " binatukan naman siya ni Merson
" What are you doing here? Sa layo ng faculty mo, nakarating ka pa rito? "
" Girl hunting, alam mo naman ako, Kuya. Gwapo kaya ako "
" Ulol. Bumalik ka na nga roon " taboy sa kanya ni Merson
" Okay fine " ika nito atsaka na umalis. Buti naman. Ayoko pa naman ang lalaking iyon dahil masiyadong mahangin. Masiyadong conceited sa sarili, ang sarap igapos at itapon sa bangin.
" Miss, I can prove to you that I'm different to the other boys that you know " pagbabalik usapan ni Merson matapos maitaboy ang kapatid.
" Okay, " tipid lamang na sagot nito na ikinabuntong hininga ko at ni Merson. Mukhang ayaw niyang maniwala. Hindi ko naman siya masisisi dahil minsan narin siyang naloko ng isang lalaki. Ganun rin sa ginawa ni Dad kay Mom. Pero hindi tulad ni Mommy ay kasal siya kay Daddy.
Bakit kasi napakaraming lalaking paasa at manloloko? Yan tuloy, wala ng gustong makipagkaibigan sa inyo.
Bakit? Di ba lahat ng nauuwi sa pakikipagkaibigan ay nauuwi rin sa pakikipagrelasiyunan? Ganun naman lagi eh. Kukunin ang loob mo, pahuhulugin ka tapos sasaktan ka. Ganiyan naman ang mga lalaki eh. Para silang magandang orchids na tinubuan ng tinik. Masakit kapag nilapitan.
Kaya hindi ko masisisi si Jiona ngayon kung hindi siya payag sa pakikipagkaibigan ko kay Merson. Kapakanan ko lang ang iniisip niya.
Pero... Wala talaga kasi akong makitang mali. Wala talaga pramis. Iba si Merson sa ibang lalaki. Ibang-iba siya, pramis.