Twenty Two- Cotton buds

342 9 0
                                    

Alam niyo yung feeling na. Nagmomove on ka pero hindi naman naging kayo. Nafefeel ko yan ngayon eh. Hindi naman naging kami pero kung makapagsalita ako na gusto kong mag move on sa kanya parang may namagitan saming dalawa at sinaktan niya ako. Grabe! Nababaliw na yata ako. Kailangan ko na bang kumonsulta sa Psychiatrist? Mukhang malala na ako.

Nasa tambayan ako ngayon. Ako lang mag-isa kaya nagagawa ko ang gusto kong gawin sa sarili ko. Kanina ko pa kaya sinasapok ang ulo ko at sinasabunot ang buhok ko. Gusto ko kasing magising sa kahibangan ko kaya ginagawa ko iyon sa sarili ko. Ugh! Kung nag stay ka lang sana sa pagiging kaibigan niya Kween hindi ka naman masasaktan nang ganito ngayon eh. Nakakaasar!

Bakit kasi kailangan ko pang mahulog sa maling lalaki! Bakit?! Bakit?!

" Hey! " may pumigil sa ginagawa kong pagsasabunot sa sarili ko. Pag-angat ko ng tingin, si Merson iyon na masama ang tingin saken " Anong ginagawa mo sa sarili mo? Nasisiraan ka na ba ng bait? " Oo, sa'yo. Kasalanan mo to eh! Huhu

Inayos ko ang sarili ko. Napanguso ako ng makitang masama ang tingin parin nito saken. Problema ba niya? Tss!

" Hindi ka ba sasagot? " Hindi. Bakit? Ganon na ba akong wala sa sarili ko para sabihin kong ikaw ang dahilan kung bakit ko sinasaktan sarili ko? Bahala ka sa buhay mo.

Iniwas ko sa kanya ang tingin ko. I heard him sigh. May narinig akong inilapag siya sa harapan ng lamesa ko kaya napatingin ako roon. My eyes sparkled! May chocolate! And it's my favorite! Ang Reese chocolate and peanut.

" Ayaw mo ba? Di ba paborito mo iyan? " nabigla ako sa tanong niya. And I tried remembering kung sinabi ko ba sakanyang paborito ko ang tsokolate na ito. Wala akong maalala, how come that he knows my favorite?

" How did you... Hindi ko kailanman sinabi sa'yo na Reese ang paborito kong tsokolate " I saw his eyes widened. But why? Hindi ko namam talaga...

Flashback 2 years ago

I am stressed, so stress! Kaya I decided to go in 7/11 to buy my favorite chocolate! Its my stress reliever. It helps me relax when I ate it. Mahal, pero afford ko naman kahit paano. Pero once in a week lang ako kung makabili non. Pinagkakasiya ko kasi ang budget ko hanggang matapos ang isang sem eh.

Mabilis lang akong nakarating ng 7/11 dahil walking distance lang iyon sa bording na inuupahan ko.

Pagdating ko doon, pumunta agad ako dun sa stall kung saan nakalagay yung mga chocolates and to my dismay. Wala na akong nakita. Hindi pa naman ako kumakain ng ibang chocolate kundi iyon lang. Mabilis na nagtungo ako sa cashier kahit na may costumer na nakatayo sa harapan ko I tried to get the cashier's attention and I did.

" Do you have Reese chocolate stock there? Wala na po kasi dun sa stall Ate eh "

" I'm sorry, Miss. But we have no stock in here. Try another chocolates, Miss. May bagong tsokolateng deliber ngayon, mukhang masarap naman, bakit hindi mo subukan? "

" No thanks " tanggi ko na ikinatango naman ni Ate at binalingan na iyong costumer sa harapan niya " Paborito ko pa naman iyon, sayang at wala ng natira " bulong ko atsaka tumalikod at naglakad palabas.

Wala akong ginawa kundi ang bumuntong hininga habang naglalakad sa daan pauwi ng bording. Stress talaga ako sa thesis ko.

Paano ako kakalma nito kung wala yung tsokolateng tanging nakakapagpakalma saken? Aish!

" Ay pusang gala! Hoy! Tumingin ka naman sa dinaraanan mo! Ang laki kong poste ah? Sorry ah? Tch! " may bumangga nalang kasi saken bigla. Tantsa ko isang lalaki iyon. Tss! Kaya pala bastos eh, lalaki. Ang hilig talaga nilang manakit ng mga babae. Tss!

" Ahh, " nagtatakhang itinaas ko ang kamay ko na may hawak na kung ano na nakuha ko mula sa bulsa nang suot kong hoodie " Ohh! " nanlaki ang mga mata ko.

Paano nagkaroon ng ganito sa bulsa ko? And suddenly I remember the costumer who's infront of me earlier. Mabilis akong lumingon sa nilakaran nung lalaki. Wala akong alam na gagawa nito kundi siya lang. Hindi ko naman gawaing magnakaw kaya imposibleng ibinulsa ko ito. Siya lang yun eh, siya lang!

Akmang magpapasalamat na ako nang maalala kong isa nga pala siyang lalake. So, huwag nalang. Kaya kahit paborito ko ang Reese, itinapon ko. Baka may pangpatulog pa iyon at may gawin lang na masama ang lalaking iyon saken. Baka tulad siya ni Daddy, mahirap na, mabuti na iyong nag-iingat.

End of flashback

" I-ikaw yung... " napasinghap ako kasabay nang panlalaki ng mga mata ko. It can't be! Siya pala iyon?. Hindi ako pwedeng magkamali. Bukod kasi kay Ateng cashier, wala ng nakakaal na paborito ko iyong tsokolate na iyon. Maging si Jiona at Ellaine hindi alam ang bay na iyon.

" Yung? " kunot noong tanong niya

Ang liit talaga ng mundo!

" Ikaw yung bumunggo saken at binigyan ng Reese sa bulsa two years ago! "

" Oh, you remember " nabigla ako sa sinabi niya.

" What the! " akala ko pa naman iyon ang unang pagkikita naming dalawa nung ipakilala niya kami sa isa't isa ni Ellaine. Ngayon pala hindi. And all this time and months passes. Kilala na pala talaga ako ng lalaking ito.

" Ang daya mo! Bakit hindi mo sinabi saken? " binato ko pa sa kanga yung Reese na bigay niya. Tatawa-tawa naman niya iyong pinulot at ibinalik saken.

" You didn't saw my face, that's why I didn't bother to tell you " napaanga ako sa sinabi niya. Kunsabagay. Pero kung nagkwento siya nung una palang maalala ko naman siya eh. Tss! Ang daya talaga nitong lalaking ito " And that's the time I fell in love with you "

" May sinasabi ka? "

" Ha? Wala ah! Ano namang sasabihin ko? Si Rhoca ba ang kailangang mag cotton buds o ikaw? " sinimangutan ko siya habang masama siyang tinitignan. Tumawa ba naman kasi. Tss! Eh, sa parang narinig ko siyang may sinasabi eh. Mahina lang kaya hindi ko narinig.

" Pag untugin ko pa kayo ng Rhoca na iyon eh! " sigaw ko na ikinatahimik niya. Nanlalaking mata naman siyang tumingin saken habang napapalunok pa. I slap my mouth when I realiz what I did. I shouted at him and that's not me " Sorry " yumuko ako.

Nakakaasar naman kasi eh! Tch!

" You did change "

" Ha? "

" Really " tatango-tangong ika nito na ikinatingin ko sa sarili ko. Nagbago ba ako? Anong nabago saken? Bakit parang wala naman eh! " But I like it "

" Ha? "

" Here. Cotton buds " si Rhoca na bigla nalang sumulpot sa likuran ko at naglapag ng isang piraso ng cotton buds sa harap ko " Bingi pala ha? Now you're talking " atsaka lumayas

" Hahahahaha "

" MERSON! "

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon