Twenty One- Forgiven

361 7 0
                                    

" Napakaliit nga naman ng mundo. Sa lahat ng pwedeng maging kapatid mo, talagang si Rhoca pa? Sa dami ng tao sa mundo bakit siya pa? "

Malaki at malawak ang mundo, pero kapag nagkita sa iisang lugar ang mga taong hindi dapat nagkikita, lumiliit ito. What a small world. Really.

Nasa tambayan kami ngayon. Kaming lima na naroon ay isa lamang ang hindi man lang natahimik sa nalaman. Si Fiona, iyon. Kanina pa siya salita nang salita habang kami ay nakayuko, nakatingin sa malayo na para bang may malalim na iniisip.

Nilingon ko sa tabi ko si Merson na nasa malayo ang tingin. Ano kayang iniisip niya?.

" THIS CAN'T BE! " napalingon naman kaming lahat kay Toffer na kanina.pa tahimik. Himala nga at tumahimik iyon eh, isama mo pa yung isa pang kalahi niyang si Cynl sa isang tabi na malayo rin kanina ang tinatanaw na ngayon ay nakatingin narin sa sumigaw na si Toffer " NAKAKALOKA! " muli nitong sigaw sabay alis.

" Anong nangyare dun? Natuluyan na yata. Sige sundan ko lang " sinundan nga ito ni Fiona

" Alis na rin ako " sabay kaming napalingon ni Merson nang magsalita si Cynl " Magkikita kami ngayon ni jiji eh, sige, maiwan ko na kayo " nakangiti naman siyang umalis. Grabe! Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig ah?.

Muli namang natahimik sa paligid. Mas lalong tumahimik ang lugar ngayon kesa kanina. Kung kanina may nagsasalita pa, ngayon wala na. Mukhang wala siyang balak magsalita at... Ganon rin naman ako.

Ano nga bang sasabihin niya? Ano nga rin bang sasabihin ko? Wala. Mukhang hindi naman importante sakanya ang nalaman niya ngayon. Mapait na ngumiti ako atsaka humugot ng hininga bago tumayo na ikinaangat namam niya ng tingin saken.

" K-kailangan ko na ring umalis " hindi ko na siya pinagsalita. Tumalikod na ako atsaka ko na siya nilayasan roon.

Mabilis na pinunasan ko anh luhang mabilis na pumatak mula sa mga mata ko.

Ano bang ine-expect mo, Kween?.

Tama nga ang sinasabi nila. Expecting too much to a person can hurt you the most.

Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko eh. Kung bakit pa ako nageexpect na may pakialam siya samantalang hindi naman ako ang taong mahal niya. Ang manhid at tanga ko lang, pramis.

" Kween... " napahinto ako sa paglalakad at iniangatan ng tingin ang tumawag saken. Si Albert Altre.

" Oh, I'm sorry for not greeted you earlier. Hello real Father, nice to know and see you for almost 20 long years... ago " atsaka ko siya binigyan ng maliit na ngiti sa labi. As of now, that I'm facing him. I feel nervous. I don't know why. Dapat ay hindi ako nanginginig ng ganito sa harapan niya. Dapat ay may tapang akong harapin siya. Tapang at hindi galit. Pramis, hindi ako galit sakanya. Tulad nga nung sinabi ko. Kailangan ko lang ng tapang upang pasalamatan siya sa lahat ng kanyang ginawa. Na kundi dahil sakanya, wala ako at wala ang Daddy at Mommy ko na masaya kong nakakasama ngayon.

" Pwede ba kitang makausap... Anak? " he takes minutes to say anak. I smiled and nodded.

" Oo naman po. May gusto rin po akong sabihin sa inyo " ngumiti naman ito bago ako iginaya patungo sa isang restau na malapit sa uni.

" May gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang, Anak. My treat " napatawa ako kung paano niya ako alukin. Yung tipong pag-alok kasi niya saken eh yung golly pero nahihiya. Hindi kasi siya makayingin saken pero bakas sa mukha niya na masaya siyang makasama at makita ako ngayon and I am too.

" Mango shake lang po, I already eat kanina po in canteen with my friends " mgumiti ito ng malapad

" As expected from you, manang mana ka kay Reighna "

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon