Five - Cynl

428 11 0
                                    

It was sunday in the morning nang magpasiyahan naming dalawa ni Ellaine na dalawin si Merson sa kanyang bahay. Buti nga at nag-aya ang bruha na umalis kahit marami siyang gagawing trabaho ngayon. Sa edad na dalawangput dalawa ay isa nang ganap na workaholic ang babaeng ito. Hindi kasi siya umaalis sa shop niya kahit minsan. Ngayon lang, as in. Nagtatakha nga ako eh. Gusto ko siyang tanungin ngunit hindi ko na ginawa dahil baka umurong pa siya. Minsan lang siya topakin nang ganito kaya susulitin ko na.

Sumama rin ako sa kanya dahil gusto ko ring kumustahin si Merson. Mula nang maghiwalay kasi kaming dalawa sa infirmary clinic, hindi na kami nagkita pa. Hindi ko naman siya makumusta gamit ang cellphone dahil wala naman akong number niya.

Hindi na kami nagabala pang magcommute papunta roon. Dahil walking distance lang naman daw ang tinutuluyang bahay ni Merson mula sa shop ni Ellaine. Kaya heto ang bruha, talak nang talak patungkol sa aming dalawa ni Merson. Kesyo kinilig daw siya, kesyo hindi daw siya makapaniwala. Hay, nako! Para talaga siyang tarat.

" ... OMG! Ito na ba ang simula ninyong dal'wa? " as if. Sa'yo kaya may gusto si Merson.

Alam kong walang pag-asa silang dalawa. Pero umaasa parin ako na magkaroon kahit 'himala' nalang.

Kasi tignan niyo, for ten years magkakilala na sila, close na close sila.  Tapos walang mabubuo kahit katiting lang? Lalo na kay Ellaine. Sa pagkakaalam ko, tayong mga babae ang madaling ma fall sa mga lalake. Di ba? Kaya, imposible talagang walang feelings itong si Ellaine para kay Merson.

" Merson the great! May mga diyosa kang bisita! " sigaw ni Ellaine nang matapat kami sa blue na gate. Grabe, hindi ko alam na ganito pala kalake ang bahay ni Merson. Ang yaman.

Akala ko isa lang siyang simpleng mamamayan na may kaya lamang. Simple lang kasi siyang manamit eh. Talagang Looks can really decieved nga naman.

Natawa ako sa sunod na ginawa ni Ellaine. Pinaghahampas lang kasi nito ang gate. Eskandalosa talaga. Hahaha.

" Stop that, Ellaine Sta Ana! " rinig naming sigaw mula sa loob ni Merson na mas lalo ko namang ikinatawa. Natawa rin si Ellaine. Siguro ay ganito lagi ang senaryo sa labas ng bahay ni Merson kapag dinadalaw siya ng kaibigan. Hindi na kasi ito nag-abala pang tanungin kung sino ang taong gustong sumira sa napaka kapal na gate nila eh. Nasanay nalang siguro siya.

" Ano ba! Huwag ka ngang mag eskandalo sa tapat ng bahay ko! " bungad ni Merson na may masamang itsura, nagbago lamang ito nang makita ako na nginitian lamang siya. Mukhang, okay na siya. Wala na yung sumusuporta sa braso niya eh, pero nakabenda parin iyon.

" Ganiyan ba mag welcome ang isang tunay na kaibigan? " pagtataray ni Ellaine na nakataas ang kilay habang magkakrus ang mga braso sa taas ng kanyang dibdib " Fake! Hmp! " dugtong pa nito at pumasok na sa loob.

Nailing na lamang si Merson sa kanya habang sinusundan namin ito ng tingin. Ako naman ay napabuntong hininga nalang.

" Ano na naman ba'ng problema ng lokreng na iyon? " sabi nito habang iniikot ikot pa ang hintuturo sa may taenga nito.

" Ewan ko. Nabigla nga rin ako at bigla siyang nag-aya rito " naiiling na sagot ko

" Baka bagot na naman ang lokreng kaya ako na naman ang binubulabog "  muli naman kaming napailing na pareho at sa huli ay sabay ring napatawa nalang " Halika sa loob, " aya nito na niluwagan pa ang pagkakabukas ng gate. Nginitian ko muna siya bago pumasok.

Kung maganda nang tignan sa labas, mas lalo naman itong gumanda mula sa loob. My ghad! Grand entrance ang datingan dito ah?.

Pagpasok mo kasi sa gate ay sasalubong kasi sayo agad ang mga naggagandahang fountain na napapaligiran ng tubig, sa gitna non ay naroon ang daan patungo sa pinto ng bahay nito. Grabe! May mga isda pa!

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon