Ten - Two Mom

353 7 0
                                    

Gising na gising na ako. Pero ayoko parin magmulat ng mga mata. Bumabalik na naman kasi saken yung nangyare kahapon saken sa bording house ng makatapat ko si Dad. I want to cry. Pero pinipigilan ko dahil naalala kong nakahiga pala ako sa hita ni Merson ngayon. Ewan ko kung ilang oras na akong nakahiga sa hita niya. Magpapasalamat nalang siguro ako sa kanya mamaya.

" Go on, cry if you want " natigilan ako ng sabihin niya iyon. Hindi ko naman inaasahan na may kakawalang hikbi sa bibig ko " I'm just here. Just cry " hindi ko na pinigilan ang sarili ko na hindi umiyak. Kagat labing humahagulgol ako sa iyak. Nakakahiya kasi kung iiyak ako ng malakas. Baka akalain pa ng ibang tao na pinaiyak ako nitong taong walang ginawa kundi ang tulungan ako ngayon.

Bakit kasi kailangan pa niyang magpakita saken at sabihing mahal pa niya si Mommy?

Para pa ano? Para bumalik at saktan ulit si Mommy? No way! Hindi ko na siya papayagan pang saktan ulit niya si Mom. Hinding hindi ko na siya tatanggapin kahit kailan! Mas pinili niyang mangbabae at saktan si Mommy. Kaya magdusa siya ngayon. Wala na siyang babalikang pamilya niya.

O baka naman... Iniwan na siya nung babae niya kaya binabalikan na naman niya si Mom? Aba! Karma ang tawag don. Bagay nga sa kanya kung ganon nga ang nangyare. Huh! Buti nga sa kanya.

Nakaramdam ako ng pagod dahil sa kakaiyak ko. Maya't maya lang ay nakatulog na naman ako.

SIKAT ng araw ang siyang nagpagising saken ng tumama ito sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Wala ako sa bording ko. Maliit lang kasi ang kwartong inookupa ko doon. Hindi tulad nito. Napakalawak at napakaganda pa ng pintura at pagkakadisenyo ng paligid nito. Maging ang mga kagamitan ay maayos na nakalagay.

Kanino kwarto to?

Nasagot naman agad ang tanong ko ng bumukas ang pinto ng kwartong iyon at iniluwa ang nakapangbahay lang na si Merson.

Mabilis na nakaramdam ako ng hiya ng maalala ko ang ginawa niya kahapon.

Jusko! Nakakahiya ka, Kweeny! Pinahiga ka na nga sa hita niya, nagpabuhat ka pa at nakitulog sakanila! Maryosep, ang mukha, ang kapal!

Mabilis na bumangon ako sa kama at inayos ko ang sarili ko.

" N-naku, nakakaabala na yata ako sa'yo " nakaabala ka na talaga, ano pa ba sa tingin mo? Tudyo ng isa kong isip. Yumuko ako at ngumuso. Nakakahiya.

" No, it's okay. Tara breakfast na tayo " naangat ko naman ang tingin ko sa kanya ng sabihin niya iyon. Malapad ang ngiti nito na nakatingin sa akin " Come, Mom cooked breakfast from us. Masarap luto ni Mommy, so you better don't missed it " atsaka pa niya ako kinindatan bago lumabas ng kwarto. Pinamulahan naman ako ng mukha sa ginawa niyang iyon. Jusko! Ang aga-aga naman ng kindat na iyon at para nga pala saan?. Nagkibit balikat nalang ako. Nagtungo muna ako ng banyo doon bago bumaba sa kusina.

" Goodmorning, Ija! " masiglang bati saken ni Tita Mira na siyang unang nakakita saken sa pagpasok ko sa dining hall nila. Nag-aayos ito ng mga pagkain sa hapag.

" Good morning rin po, " nakangiting sagot ko at binigyan rin ng pansin si Tito Eros na nakatingin saken habang ang diyarong binabasa nito ay nakaibaba. Tinulungan naman ako ni Merson na makaupo bago ito umupo sa tabi ko. Nagpasalamat ako sa kanya na ikinangiti lang niya " Tita, Tito, pasensya na nga po pala sa abala " nahihiyang ika ko

" Naku, Ija. Don't mention it. Atsaka, hindi ka istorbo sa pamilyang ito. Because we have a motto here "

" Once you enter this family, you are now belong with us " sabay-sabay na sabi nilang lahat habang nakangiti. Maging si Cynl na tahimik sa isang tabi habang nagcce-cellphone ay nakisama. Milagro yata? Tahimik ang lalaking iyon.

" Kaya kung gusto mong matulog dito, kahit araw-araw pa, okay lang! O kaya naman kung gusto mo dito ka na lang tumira sa amin. Walang problema iyon! Welcome na welcome ka rito sa bahay anytime, Ija " napangiti ako sa kabaitang taglay ni Tita Mira ng sabihin niya iyon.

" Maraming-maraming salamat po, Tita. Napakabait niyo po "

" Naku, huwag mo ng pasalamatan ang Tita Mira mo at lalaki lamang ang ulo niyan " natatawang ika ni Tito Eros. Pansin ko namang napanguso si Tita na ikinatawa ko.

" Pa naman! Minsan lang mapuri, pipigilan mo pa eh "

" Naku, Si Mommy kung hindi ko lang kilala baka naniwala na ako sa sinabi niya " singit ni Cynl na nasa cellphone parin nito ang pansin " If I know, kaya lang siya ganiyan ay dahil sabik na sabik siya na magkaroon ng anak na babae "

" Of course, noh! Eh, sa wala akong sinusuklayan ng buhok tuwing paggising at pagtulog. Wala rin akong binibihisan ng maganda kapag aalis lalo na... Wala akong makausap tungkol sa mga girly thing. Kaya hindi niyo ako masisisi kung maging ganito ako ngayon kadesperada "

" I feel you, Hon. Pero ganon talaga ang buhay. Lalaki lang talaga ang biniyaya sa atin ng maykapal "

" Pero gusto ko talaga ng anak na babae, Honey " parang batang maktol ni Tita Mira

" Mom! Umayos nga kayo, nakakahiya oh! " saway naman nitong katabi ko. Natawa ako ng makita kong nandidiri siyang nakatingin sa Mommy niya. Ano bang nakakadiri don? Ang kyut kaya ni Tita.

" Eh, bakit ba? Ayaw niyo bang magkaroon ng kapatid na babae? " tanong nito atsaka na umupo sa tabi ni Tito Eros na isinantabi na ang binabasang diyaryo.

" Gusto namin, Mom. Pero matanda ka na para sa ganon " maging si Cynl ay isinantabi narin ang cellphone na kanina pa hawak nito

" Pero gusto kong anak na babae! "

" Mom, hayaan niyo na kami ni Kuya na bigyan kayo ng babae. Hindi niyo nga lang anak, apo niyo na po " ika ni Cynl at kinindatan pa ang Ina.

" Talaga anak? Salamaaaat! "

" CYNL! " sabay na sigaw ni Tito at Merson kay Cynl na ikinatawa ko habang si Cynl naman ay napapangisi nalang. Ang kyut ng family nila.

" Don't worry, Tita " naagaw ko naman ang atensiyon nilang lahat lalo na si Tita " Habang wala pa pong anak na babae itong mga anak niyo, pwede niyo muna po akong proksi "

" Really, Ija? " nanginginang na mata na ika ni Tita habang magkasalukip pa ang mga palad nito na halatang halata talagang natuwa siya sa sinabi ko. Tumango ako.

" Kween, " nilingon ko ng nagtatakha si Merson " You don't have to do this "

" Bakit hinde? Masaya kaya ang magkaroon ng Mommy na dalawa. Di ba po, Mama Mira? " baling ko kay Mama Mira na siyang ikinatuwa naman niya ng lubos ng marinig ang tawag ko sa kanya.

" Of course anak! If may time, yayain mo rito sa bahay mo ang Mama mo, anak, para makapag bonding tayong tatlo "

" Sure, Mama Mirs "

" Eiii, " napangiti nalang ako " Oh, tara kain na tayo, lumalamig na ang pagkain " biglang yaya nito " Let's pray " nakangiting pumikit naman ako

" Thank you, " rinig kong bulong ni Merson malapit sa tenga ko. Tinanguan ko lang siya at nag okay sign sa kanya.

I am willing to be her daughter, because I'm happy. Masaya naman talaga iyon di ba? Dalawa ang Nanay ko! Yeeeesss! Haha. Paniguradong matutuwa si Mommy kapag nalaman niya ito at paniguradong magkakasundo agad sila ni Mama Mira.

Eii, ang saya ko! At thankful na thankful talaga ako sakanila, lalo na kay Merson, dahil dinala niya ako rito sa bahay nila. Dahil kahit paano nakalimutan ko ang problema ko, nakalimutan ko ang ginawa ng Ama ko sa Iba ko.

I love this Family na! Haha

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon