Twelve - Hurt

363 11 0
                                    

Dear Heart,

Please stop falling inlove to people that I can't get. It breaks me. I feel like I'm waiting for something that isn't going to happen.

" I don't really know why I'm still hoping " bagsak na balikat na ika ko. Nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Jiona. At kay Jiona... sa kanya ko lahat ibinuhos ang lahat ng mabigat na dinadala ko. Gustuhin ko mang si Ellaine ang nasa posisyon ngayon ni Jiona, kaso hindi pwede, baka... aish!

Ang hirap palang kalaban ang kaibigan kapag puso na ang pinag-uusapan.

" You are hoping because you love him " napatango ako sa sinabi niya. Siguro nga " At walang masama kung umasa ka, nagmamahal ka lang naman " napatungo ako " Tatanungin kita ha? Ayaw mo ba iyang nararamdaman mo? " mabilis na umiling ako. I'd rather forget this feeling rather than hurting my bestfriend. Mahal na mahal ko si Ellaine at ayoko siyang magalit saken dahil lang sa mahal ko ang taong may mahal sa kanya at mahal rin siya " Bakit? " hindi makapaniwalang tanong nito.

" Dahil ayokong pumagitna, ayokong maging dahilan kung bakit hindi magiging sila kung sila naman talaga ang nakatakda para sa isa't isa "

" Paano mo namang nasabi na silang dalawa ang nakatakda? aber? "

" Dahil mas nauna silang nagkatagpo at nagkakilala kesa saken. That's must be their fate "

" Loka-loka. May mga tao talaga tayong nauunang nakilala, pero hindi sila ang tunay na para sa atin. You and Mark met first, is he your fate? your destiny? nagkatuluyan ba kayo? hindi naman di ba?. May mga tao lang talagang pumapasok sa buhay naten para maging parte lamang ng buhay natin, kahit hindi man permanente o kahit pang habang buhay pa iyan " napaangat ako ng tingin sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon " Malay mo, iyon lang talaga ang tadhana para sakanila. Ang maging kaibigan lang at hindi para magka ibigan " I lost my word for what she said " Alam mo, paranoid ka lang, paranoid na may halong takot " kinunutan ko siya ng noo " May halong takot kasi mas alam mong mas kilala nila ang isa't isa at may tsansang mahulog sila sa isa't isa. Pero mali ka, bakit? dahil kung mayroon ngang tsansa, dapat noon pa. Ilang taon na silang magkaibigan ka mo? Ten years? dapat nung 5 years palang nagkaaminan na eh, kaso hindi umabot pa ng sampo, kaya imposible na iyon. Mukha namang hindi torpe ang isang 'yon " napasunod ako ng tingin dahil bigla siyang may itinuro.... Si Merson, kasama si Cynl na nasa likuran nito " At anong ginagawa na naman ng hinayupak na iyan dito? " nabalik ang tingin ko sa kanya atsaka ko sinundan kung sino ang tinitignan niya. Si Cynl " Kween, pagsabihan mo nga ang batang iyan. Baka hindi na tumagal sa mundong ibabaw yan, alam mo kung anong merong mundo ako " atsaka ito nagmartsa paalis.

" Ha? " nagtatakha kong tanong habang sinusundan ko siya ng tingin. Anong nangyare dun? Anong meron sakanila ni Cynl?

" Hoy galunggong! Saan ka pupunta? HOY! JIJI! " naupo si Merson sa harapan ko habang si Cynl naman ay hindi na nag-abalang batiin ako dahil tumakbo na siya para habulin si Jiona.

Sorry, Jiona. Mukhang ikaw lang ang taong makakapagpahinto sa isang Cynl Castro.

" Hey, kumain ka na? " binalingan ko ng tingin ang taong nasa harapan ko. Marahan akong tumango habang nakangiti sa kanya " Mukhang seryoso kanina ang pinag-uusapan ninyo ni Jiji. May problema ba? " mabilis na umiling ako kahit gustong gusto kong sabihin na siya ang problema ko. Mukhang tama nga sila. Walang taong paasa, tao lang talaga ang nagbibigay ng malisya kaya sila umaasa.

" Wala ka ba talagang gusto kay, Ellaine? " tumawa siya. Isang tawang mukhang hindi na natutuwa sa tanong kong iyon.

" Pang-ilang beses na tanong mo na ba iyan, Kween? " ilang beses na nga ba? " Hindi na ako natutuwa, Kween sa totoo lang. Wala okay? wala " at ito ang sagot niya na mas lalong nakapagbibigay pag-asa sa akin. Salitang naging dahilan kung bakit parin ako umaasa sa kanya. Salitang kahit paano ay nakakapagbigay ligaya para sa akin. Haaayy... How petty I am. Ganito pala talaga ang tunay na nagmamahal.

Pero, hindi ba tunay ang pagmamahal ko noon kay Mark? kunsabagay... utak ang pinagana ko lang noon, hindi kasama ang puso ko. Hindi tulad ngayon, sabay ko itong pinagana ngayon kay Merson.

" Okay ka lang ba talaga? you look not okay " napasinghap ako ng maramdaman ko ang pagdampi ng palad niya sa kanang pisngi ko. Napatitig ako sa kanya. Mukha namang napansin niya kung ano rin ang ginawa niya kaya mabilis niya itong inalis, maraming beses na tumikhim at hindi na naman makatingin saken ng daretso.

" Okay lang talaga ako, Eson, salamat " bawi ko nalang sa katahimikang ginawa niya. Doon lamang niya muli ako tinignan sa mga mata.

" Sigurado ka? "my heart is always beating fast kapag nakikita ko ang ganon niyang mga mata. Yung parang lagi siyang nag-aalala sa akin. Yung parang lagi siyang takot na baka kung anong nangyayare na sa akin. Mas lalo kong nilawakan ang pagkakangiti ko atsaka muling tumango. Hanggang kailan ka ba magiging ganito sa akin, Merson? hanggang kailan? " You're crying again, " mabilis kong pinunasan ang luha ko na hindi ko na naman alam kung kailan tumulo. Grabe, napakaiyakin ko na yata ngayon " Tell me, Kween. May problema ba? sabhin mo, baka makatulong ako sa'yo " hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa na ikinasunod ko ng tingin doon.

Heart naman... sa iba ka nalang tumibok please.

" Oh, Kween " hindi ko na napigilan ang hindi humikbi ng bigla niya akong kabigin at ikulong sa mga bisig niya.

" Alam mo, mukha kang sibuyas, kapag nasa harapan kita lagi nalang akong napapaluha " biro ko pa sa gitna ng mga hikbi ko, mas lalo niya akong niyakap, sinulit ko naman iyon. Pramis last na 'to. Bukas na bukas titigilan ko na siya. Pipigilan ko na ang sarili ko hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko. Dahil sa oras na hindi na ako nakaahon, ako rin ang mahihirapan sa pagbangon. Mahirap na, masakit rin.

Lucky To Meet You - COMPLETED √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon