Nasa labas na ako ngayon ng gymnasium kung saan gaganapin ang game match between San Mateo College and our University.
Nandito ako dahil nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Dito palang kasi ay rinig na rinig ko na ang hiyawan nila mula sa loob. Mukhang maraming tao ang naroon.
Isasama ko sana si Ellaine ang kaso busy siya. Pwede kasi siyang manuod at pumasok sa university dahil lingo naman, pwede ang trespasser non. Hay! Ano ba kasing pumasok sa kokote ni Merson at inaya pa niya ako rito? Aish! Ako naman tong si tanga pumayag naman! Ay nako!
Bahala na, andito na ko eh. Aatras pa ba ako?
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko naisipang pumasok na sa loob at hindi nga ako nagkamali dahil halos mapuno na ang gymnasium!
Andaming lalakeee, waaah!
" MISS KWEEN! " napaigtad pa ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang pagtawag sakin na iyon. Grabe! Sa lakas nang ingay ng mga tao sa loob ng buong gym akalain mong nangibabaw ang isang tinig na iyon? Pero sino ba iyon?.
Nilingon ko kung kanino nanggaling iyon at muntikan ko ng maisipang tumakbo palabas ng gym nang makita ko kung sino iyon, pero hindi ko na ginawa dahil nakita ko sa likuran nito si Merson.
" Akala namin hindi ka na makakapunta eh! May isang tao pa naman dito na kanina pa nagpapanik na baka hindi ka na raw dumating " ika ni Toffer at sumiksik siksik pa sakin na akalain mo ay close kaming dalawa. Ang ingay talaga niya.
Binalingan ko si Merson at nginitian siya with apologetic look.
" Sorry kung late ako. Sa totoo niyan eh, kanina pa ako sa labas hindi lang ako pumasok dahil... "
" Wow! Nagpakabayani ka sa labas, Miss Kween? Ang init-init sa labas oh! " sabat ni Toffer
"It's okay, naiintindihan ko " nakangiting ika ni Merson na ikinangiti ko rin
" Ha? Naintindihan mo kung bakit siya nagpakabayani sa labas? Nagpapaitim ka ba Miss Kween? " ba't ba ang ingay ng lalaking to? Psh. Ngumuso ako at mukhang alam ni Merson na naiirita na ako sa kaingayan ni Toffer dahil mabilis niya itong hinila palayo at dinala kung saan.
"Pasensya ka na, maingay talaga ang isang yon " paghingi ng dispensa ni Merson nang makabalik siya.
Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya "Halika, dito ka maupo "
" Ha? " wala na akong nagawa nang hilahin niya ako sa kamay. Uso higitan talaga sa kanya. Nakakahiya kaya. Yumuko ako habang sumusunod kay Merson dahil lahat ng mga taong nandoon ay nakatingin samin. Heto na naman po ang mga mapanghusgang mga mata nila.
Iba na talaga kapag sikat ka sa panahon ngayon. Dudumugin ka, pagkakaguluhan at kung anu-ano pa. Ni kahit konting privacy yata ay wala ka na. Celebrity lang ang peg.
" Fiona! " napaangat ako ng tingin nang may banggitin siyang pangalan ng isang babae. Hindi naman sa nagulat ako dahil babae tinawag niya. Pamilyar kasi yung pangalan at kapangalan niya yung...
Jusko! Ang ganda niya! Si Fiona Allejo ang University Queen na siyang sikat rin na modela sa isang magazine! Oh my ghad! This is not happening! Paano sila nagkakilala ni Merson? Shet! Puma-fangirl ang peg ko dito. Hehe. Pero ang ganda talaga niya, pramis! Kyaaah! Pengeng authograph!
" Siya na ba si, Kween? " omo, kilala niya ako?
" Yeah, please take care of her for me, okay? "
" Sure! Goodluck sa game! " hinarap naman ako nito na ikinaayos ko sa pagkakatayo ko atsaka mabilis na yumuko. Nakakahiya eh, walang wala ang itsura ko sa ganda niya. Grabe! Hindi talaga ako makapaniwalang nasa harapan ko na yung taong hinahangaan ko since I enrolled here in Uni.