Nasa canteen kami ngayon ni Merson. Tahimik kaming dalawa dahil pareho kaming nag-aaral. Mabuti nga at pareho kaming may kailangan i-review, kundi hindi ko alam kung makakaimik pa ako dahil sa nagawa ko noong isang araw. Hindi ko alam kung anong idadahilan ko kung bakit bigla nalang akong umalis.
" Hoy! "
" Ay, kabayong nanganak! Cynl! " bwisit talaga to kahit kailan. Ano ba'ng ginagawa niya rito wala ba siyang klase?
" Kumain ka muna oh " nagtatakha ko namang sinundan ang kamay niya na may inilapag sa tapat ng lamesa ko. Isang burger iyon at isang zesto juice. Mabilis na binalingan ko siya.
" Ano yan? "
" Tae. Kainin mo na "
" Cynl! " napalingon kami ng sabay kay Merson nang sumigaw siya, masama ang tingin nito kay Cynl na nakangisi lang ngayon " Ano bang ginagawa mo dito? "
" Bakit Kuya? Bawal na ba akong pumunta sa canteen ngayon? " hindi nakasagot si Merson kaya makahulugang tingin na tinignan ko si Cynl na may ngisi parin sa mga labi. Pero bakit parang may iba yata sa kanya ngayon?
" Cynl, galangin mo naman ang Kuya mo " tumingin ito saken at nawala ang kanyang ngisi. Ngumuso ito.
" I'm just trying to help, " mahinang ika nito. Bigla ko namang nakuha agad ang gusto niyang sabihin. Ngayon na ba ang simula niya?
" Hindi ako mabubusog sa ibinigay mo eh, halika labas muna tayo, nagugutom narin naman ako eh " ika ko habang isa-isa kong kinukuha at nilalagay ang gamit sa bag ko.
" Naguhutom ka na? " nilingon ko siya atsaka ako tumango " Bakit hindi mo sinabi saken? "
" She's waiting for me, " singit ni Cynl atsaka niya ako inakbayan na ikinabigla ko " I set a dinner for our first date "
" Date? " ba't galit yata siya? Ang sama pa ng tingin niya kay Cynl lalo na sa braso nitong nakaakbay saken.
" Oo, she owes me one kaya pumayag siyang makipagdate saken "
" She owe you? For what? "
" Samin nalang iyon ni, Mahal na Reyna. Lika na "
" Sandali! " napatalon pa ako sa kinatatayuan ko ng muli siyang sumigaw. Ramdam ko namang pinisil ni Cynl ang braso ko na para bang may gustong ipahiwatig saken ngunit hindi ko naman malaman kung ano ito.
" Bakit na naman? We have no time, limitado lang ang oras ko ngayon Kuya, kaya dalian mo kung may sasabihin ka pa " ilang minuto naman ang lumipas ngunit nakatitig lamang si Merson sa amin. Bumuntong hininga si Cynl " Torpe talaga, " bulong nito na ikinaangat ng tingin ko sa kanya " Kung wala ka ng sasabihin Kuya, mauuna na kami. Let's go " wala naman akong nahawa nang ilahin na ako palayo ni Cynl " Wala siyang bayag, lalake ba talaga iyong si Kuya? Halata namang nagpipigil lang naman siya eh "
" Baka wala lang talaga siyang gusto saken, " nakayuko kong ika. Tinanggal naman na niya ang pagkakaakbay niya saken
" Nakita mo ba yung reaksiyon niya, Mahal na Reyna? He's jealous! Pinipigilan lang niya ang sarili niya na magsalita, halata rin namang galit na galit siya nang sabihin kong magdedate tayo hindi ba? "
" Ayokong umasa, "
" Umasa ka man o hindi, masasaktan ka parin kahit anong mangyare " matahimik ako sa sinabi niya " Gusto ka ni, Kuya. Iyon ang papatunayan ko sa'yo " muli ko siyang hindi inimik " Tara, kain na tayo, nagugutom narin ako eh "
" Nasaan nga pala si, Jiona? "
" Bumalik na siya ng Amerika "
" Ha? "